Sabi sayo eh, Walang iwanan(Short Story)

90 2 0
                                    

"Promise, walang iwanan." yan ang mga katagang sinabi mo nung magbest friends pa tayo.. Nagcross my heart at mamatay man si batman ka pa nga nun.

"Bagay talaga kayo... Bakit di nyo pa ilevel up ang relationship nyo? Ika nga nila, bestfriend turns to lovers diba?" Haha, oo yan naman yung sinasabi ng mga kaibigan ko na kaibigan mo rin naman. Sila rin yung nagsabing may gusto ka rin sakin, natotorpe ka lang...

Naaalala ko pa pano ka nakapagconfess sakin ng feelings mo. Promise, ang lala mo. Kailangan ka pa talaga takutin at paniwalain na may lalaking umaaligid sakin para umamin kang may gusto ka sakin... Hay, napapangiti nalang ako habang inaaalala ang mga magagandang sandali natin magkasama...

Ang storya natin, di katulad ng ibang fairytale: na walang problema, walang lalandi satin, at maninira. Di rin sya katulad ng books ng precious heart romances, summit books, o ng kahit ano pang publisher na sandamakmak ang haharaping pagsubok bago makamit ang happy ending... Dati, isa lang ang hinihiling ko sa dyos tungkol sa love life ko. Iyon ay maging the best love story ang lovelife ko. Kaya ito tayo going strong, may mga problema pero nalalampasin parin naman. Katulad ng dati, "Pangako, walang iwanan..."

Mga katagang sinasabi nila impossible pero pinaniniwalaan ko... Lumipas ang mga taon after maging tayo, at makagraduate sa college, napabilang tayo sa Top 10 richest people in Asia. Diba, bongga tayo.

Hanggang sa dumating ang araw na isa sa mga pinakahihintay ko.

Yung proposal mo...

Sabi ko nga sa sarili ko, yun ang pinakasweet na linya na itinanong mo sakin. Ito nga yung itinanong mo eh, "Diba sabi ko walang iwanan?" tumango ako nun, "So, kung gusto mong walang na talagang iwanan, let's tie our strings together. Marry me." mali pala. Di mo nga pala ako tinanong noon. Sabi mo kasi baka humindi pa ko sa kahit anong rason kaya you just ordered me to marry you. Siguro sa tingin ng iba hindi sweet pero para sakin sobrang sweet...

Kahit yung kasal natin, masyado mong siginuradong di ako makakawala... Nagpakasal muna tayo ng civil, hindi dahil wala kang pera (after all one of the top richest in asia nga diba?) kungdi dahil gusto mong makasiguradong di na ko makakawala... Ang sweet mo diba?

Sabi rin kasi ng mga anak natin ang sweet mo daw... Tinawanan mo nga lang yun eh. Sabi mo pa, "Wala eh, ang gwapo ng daddy nyo..." kaya nagtawanan ang mga anak natin... Ang gwapo nga ng dalawang lalaking panganay natin eh, si Dave and Dame. At ang bunso naman ay cute. Pero nung lumaki, ang ganda-ganda... Siguro pinupuri mo rin sya... May sariling pamilya na nga rin pala ang panganay natin...

Alam mo kahit mag gogold na dapat tayo mahal na mahal parin kita... Hindi nagbago, ni hindi nga nabawasan eh. Hanggang ngayon ikaw parin...

"Lola! Lola!" napabukas ako ng mga mata at tumingin sa cute na apo ko, "Lola, bakit ka nagkacry? Sino away sayo? Hala! Sabi lolo kay daddy hwag ka iyak, right? Sabi nya--wait, what's that nga ulit? Ahh! He said daddy will gulpi that person that make you iyak lolaaa!" napangiti ako,

"Ma, sorry, kasi naman Steve, sabi ko diba don't bother lola?" sabi ng asawa ni Dave, "She's talking to lolo..." nag oohhh naman ang apo ko tapos tumingin sya sakin, "Sorry lola, sige talk to lolo na..." sabi nya sabay pumunta sa mommy nya at lumayo...

Pinunasan ko ang tumutulong luha sa mga mata ko... God, I miss him... So much, everyday. I looked at the name written in the marble stone..

Ngumiti ako at muling may tumulong luha sa mga mata ko... Di ko inasahang darating ang araw na makikita kong nakasulat ang pangalan ng asawa ko sa lapidang ito...

He died in his sleep...

It's tragic how a beautiful love story ends tragic. Masakit pero kailangan kong tanggapin... Pero ang daya mo kasi eh.

Sabi mo kasi diba, promise, walang iwanan? Kaya bakit mo ko iniwan? Ang daya daya mo... Pumikit ako para pigilan ang pagbugso ng luha ko... Biglang lumakas ang hangin. Pagbukas ko ng mga mata ko may paro-parung nakapo sa lapida nya...

It's him...

He promised me na pag may nakita akong black with green spots na butterfly, sya yon.. Hinawakan ko ang lapida nya at dumapo ang paro paro sa kamay ko... Sira ulo talaga tong isang to oh, paro-paro na nga jujutsu pa...

Mahal na mahal parin kita..

"Lola, what do lolo look like?" tanong ng apo ko habang nasa kotse.

Napatingin ako rito, "Gwapo." sabi ko kaya humagikgik ang apo ko, "Lola naman po eh... Seryoso."

"Bakit mo ba itinatanong?"

"Kasi po lola dodrawing ko sya... Para di ka na lungkot." ay, oo nga pala, magaling magdrawing ang apo ko... Isa sya sa mga gifted children. Kaya nyang magsketch, at gumaya ng muka ng tao or kahit anong place...

"Sige, bigyan kita ng picture nya..." sabi ko sa 5 years old kong apo... Medyo hawig nya nga ang lolo nya eh... Siguro genes.

Pagdating sa mansion ay dumeretso na sakin ang anak kong nasa sala... Si Dame papuntang california kasi gusto makalimot sa girlfriend nya. Haaay...

Si Demi naman nagaadik nanaman sa mga bagong biling libro...

"Lola you promised meeeee!" ay nako, ang makulit kong apo...

"Oo na apo, ito na.." nagningning ang mga mata nya parang sa cartoon na pinapanood nya habang naglalakad kami sa stairs... Nang biglang nagsalita ang apo ko..

"Lola alam nyo po ba may lalaking nagkukwento sakin ng maganda story tungkol sa girl na love na love nya.. So sweet.." napatingin ako sakanya, "Anong sabi nya apo?" tanong ko habang binubukasan yung kwarto namin ng asawa ko na kwarto ko na ngayon...

"Wow lola, ganda mg room nyo! I want to lay on the window couch na lola can I? Can I?" tanong ng habang nagtatatalon. Napangiti naman ako at tumango, "Yeheeeey! Love you, Lolaaa!" sigaw nya sabay yakap sakin at takbo papunta sa couch...

Ako ako naman, kinuha ko yung pictures namin ng asawa ko... Kinuha ko yung latest. At yung stolen shot ko sa company nya...

"Eto oh, apo." sabi ko sabay bigay ng picture, "Lola sabi nyo po gwapo... Di naman eh!" napangiti ako. Tong batang to, ang pogi kaya ng asawa ko kahit matanda na...

"Oh sige kukunin ko picture namin nung kabataan pa." ngumiti sya tapos nag thank you...

Kinuha ko yung binigay kong scrapbook sakanya nung 1st anniversary namin..' Pictures yon namin mga stolen at selfies... Lalo na nung magbest friends pa kami...

"Oh, ang demanding mo apo ha." tumawa lang ang apo ko at bunuksan ang scrapbook, tiningnan nya yung pictures namin close up, meron din dun stolen na nagbabasaan kami nung birthday ko... Hanggang napatigil ang mga mata nya sa last page na picture ng lolo nya sa roof top nakatingin sa grounds ng campus... May nakasulat pa dun na message..

"Lola can you please read this?" sabay turo sa handwriting ko, "I want those eyes stuck on mine, no matter what I just what them looking others eyes but mine.. Just mine." sabi ko habang inaalala yung mga oras na yon..

"Lola that phrase and this man is familiar.'." sabi nya, "Baby, of course, kamuka nya kaya si daddy mo..." umiling sya habang inisip kung saan nya ba nakita ito...

Maya-maya lumaki ang mata mata nya, "Lola he's the one telling me stories in my dreams!" kaya naman nanlaki ang mga mata ko, "Sabi nya," pumikit ito, "Pakisabi kay lola mo, yung promise walang iwanan namin totoo, di ko naman sya iniwanan eh... Nandito lang ako lagi nakatingin, nakabantay, nakikinig sakanya... Pakisabi hihintayin ko sya... At mahal ko sya at katulad ng dati, promise walang iwanan.." sabi nya at minulat nya ang mga mata nya...

Nagulat ako ng biglang bumukas ang bintana at tumunog ang wind chimes ko pero ang pinakanakinig ko ay, "Sabi ko sayo eh, Walang iwanan..."

Sabi sayo eh, Walang iwanan(Short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon