High School Lovelife (storya ng isang Torpe)

177 0 0
                                    

= Part 1 =

Noong high school ako ang daming gimik, barkada, kulitan at problema. At katulad ng ibang high school students diyan, may isang napakatindi na problema akong hinarap. Lovelife. Actually, wala namang dapat problema sa lovelife eh “kung” mahal ka rin nung minamahal mo o kaya may feelings siya sayo.Ang masakit lang kase ikaw lang yung nagmamahal. Ako nga pala si Seth Gonzales, 2nd year high school, at ito ang storya ko.

Isang ordinaryong araw lang sa school, may teachers, nagsisigawan mong classmates kahit magkakalapit sila, tulakan sa canteen na akala mo papatay ng tao yung mga students para makabili lang ng pagkain at mga kopyahan ng assignments tuwing recess at lunch. Nasa loob kami ng classroom, hindi alam kung kakausapin ko ba yung babaeng mahal ko simula pa nung elementary. Hindi ko tuloy maintindihan yung tinuturo ni ma’am. “ano kakausapin ko ba? Sige na ngaaa” isip isip ko. “ Mags, ano sagot mo sa no.4?” tanong ni ko. Maggie villenueva, isang maganda,matlino, mabait pero minsan mataray pero maganda naman yung kalooban niya.. mahal ko na siya since nooong elementary palang, simula noong pinagtanggol niya ako sa mga nangaaway saken na classmates namin, akala ko talaga wala na akong kaibigan sa mundo.. simula noon, may crush na ako sa kanya hanggang nahulog na yung loob ko sa kanya, at sumumpa ako sa sarili ko na pprotektahan ko siya kahit anong mangyare.

“ha?” sagot niya. “eto,nasa mars ka nanaman.” Sabi ko na sabay batok, hindi ko naman sinasadya. “shet sorry.” Isip isip ko.  “aray ah,wagas makabatok. Alam mo ba na pwede akong magkafracture diyan o madislocate yung spinal cord ko?!” sabi niya, ang cute talaga niya pag nagagalit, namumula yung cheeks niya at yung nguso niya biglang hahaba.

“eto naman, ang hina hina ng batok ko, parang naman tumalsik yung ulo mo sa harapan.” Sabi ko. “miss villenueva and mr Gonzales, ayan nanaman kayo.” Sermon ng bio teacher namen. “ah, wala ‘to ma’am, normal lang po samen ‘to.” Sabi niya, grabe wala atang araw na hindi ko siya natitigan.. “well, will you keep it down, your other classmates is trying to listen.” Maka-english ni ma’am. “yes ma’am, sorry po.” Sabi ko, nagalit ata si mags saken, hala. Pano ‘to?

*bell*

“uy mags, galit ka?” sabi ko, hindi ko na kinaya yung taimik niya.  “hindi ba halata? Gusto mo i-obvious ko pa ng bonggang-bongga?” sabi niya. Pano ‘to? Ah! Yung m&m’s nga pala na binili ko kanina sa 7eleven para sa kanya kaya muntik na akong malate nasa bag ko.. favorite nga pala niya yun. “sus, ‘to talaga” sabi ko. Pumunta ako sa bag ko at kinuha ko yung tatlong m&m’s.. I LOVE YOU ang meaning. “oh, sorry na.” sabi ko na inabotko yung tatlong pack ng m&m’s. “ano? ayaw mo?” tanong ko sa kanya. Tanggapin mo na. muntik na akong malate kanina dahil dyan.

“I hate you.” sabi niyang sabay kinuha yung tatlong m&m’s. “I know.” Sabi ko na sabay nag-smile, yes! Tinanggap niya. “ano ‘to? I love you?” tanong niya habang nakatingin sa m&m’s. hala. Aamin na ba ako?! Shet no sasabhin ko? Bahala na nga. “hindeeee, so-rry na… gets?” palusot ko sa kanya  habng nagbilang ako tatlo sa daliri ko, pero ang totoo, I love you yon. “ahhh..” sagot niya, nahalata kaya niya?

“ang sweet niyo talaga.” Malanding sabi ni lovely. Lovely orencia,friend naming since first year, isang fashonista na may kalandian, hindi yung kalandian sa mga lalake, yung hindi siya mabubuhay ng isang araw na walang salamin at suklay sa kamay niya. “gaga, epal ka talaga.” Sabi ni mags. “arouch.tagos ‘te. Abot kidneys.” Sabi ni lovely kay mags. “sus, hayaan mo na yan lovely, menopause lang yan.” Sumbat naman ko sa kanya.

Hay nako, hindi talaga nakakaintindi ‘to si lovely, noong first year ko pa siyang sinabihan na may mahal na akong iba.. kinukulit parin ako.

“anong menopause?! Halos nga wala pang kalahati yung edad ko sa menopausal eh.” Sabi niya saken, ang cute niya talaga “kumain ka na lang.” sabi ko. Nako tuigil ka na baka mahalikan lang kita ng wala sa oras. “uii, seth. Samahan mo naman ako sa canteen, bili tayo.” Sabi ni lovely saken. “ah, sige.”sabi ko,sa totoo lang aalukin ko n asana si mags bumaba eh.. alam mo namang tumanggi ako. “tara.” Sabi ni lovely na sabay hinatak ako sa braso, hay nako. Ang kulit talaga. “ui! Mags, di ka sasama?” tanong ko sa kanya,sumama ka na..ayaw kitang iwan mag isa.“eh, wag na. eenjoyin ko na lang yung moment namen ng m&m’s ko.”sagot niya “sige,babalik ako kaagad.”isip isip ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 19, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

High School Lovelife  (storya ng isang Torpe)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon