Para sa mga may ka-MU na hindi naging ka-ON. Para sa mga friends with benefits na hindi ka naman nagbenefit. Para sa mga nagmahal ng mas sobra sa dapat.
Para sa mga nakaranas ng..
MUNTIK NA PAG-IBIG.
May commitment? “Nope, wala.”
Eh seryoso? “Well, not really.”
Pero may tawagan? “Uh, oo?”
Walang label? “Yes yes!”
Ano yan, MU? “Pwede.”
Hindi ka ba nahihirapan? ”Medyo pero keri lang.”
Ayaw mo bang i-level up? “Baka iwan niya lang din ako.”
Takot? ”Oo.”
Labo niyo. ”Sobra.”
Mga tanong na iisa lang lagi ang sagot ko. Ewan ko ba, kahit ako nalalabuan sa ‘ming dalawa. Hindi kami, pero parang kami. Kumbaga, more than friends but less than lovers.
Hindi ko alam pano kami umabot sa ganito. Basta isang araw na lang, pareho na kami ng nararamdaman sa isa’t isa.
Pareho pero may hangganan. Hindi all out love.
Bakit? Takot kasi siya sa pagseseryoso, sa commitment.
Ewan ko ba kung bakit.
Pero masaya naman kami.
Kapag magkasama, kapag magkausap, kapag naglolokohan lang.. masaya, sobrang masaya.
Pero may pero.
Pero may kulang.
Nasasabi namin yung “I love you” o kaya yung “miss na kita” sa isa’t isa. Pero hindi kasiguraduhan yon na hindi na matatapos ang lahat.
Babae ako.
Syempre gusto ko ng security. Gusto kong masigurado na, ako lang. Pero malabo.
Minsan parang gusto ko na siyang tapatin. Pero natatakot ako baka lumayo lang siya. Baka bitawan niya yung kung ano man ang meron kami.
“Babe, dinner tayo mamaya. Pick you up at 6.” Text niya.
Bumuntong hininga ako at ngumiti ng tipid. Eh kung sabihin ko na kaya? Kung tapatin ko na?
Diba kung mahal naman talaga niya ko, papayag siya? Ang hirap talagang magmahal ng lalakeng takot sa commitment. Ready naman ako eh, kahit nasaktan na ko noon. Ready akong magtake risk.