Scarlet's POV
Flashback
"Babe kausapin mo naman ako,please nag mamakaawa ako sayo. Babe please sorry na. Maniwala ka minahal kita nang totoo at oo inaamin ko nag kamali ako . Gagawin ko ang lahat para mapatawad mo ako." Sigaw ni Jb sa gate habang ako naka silip lang sa bintana. Walang emosyon yung mukha ko para ipadama ko sakanya na galut ako at hindi ako mag papaepekto sa kanya.
Nag dadalawang isip ako kung bababain ko ba siya. Hindi mo parin maaalis saakin na maawa at kausapin siya dahil may pinag samahan din kaming dalawa.
Bumaba ako at nilapitan siya,hundi ako lumabas ng gate. Nasa loob lang ako gusto ipakita sakanya na hindi ako naaapektuhan sa pinag gagagawa niya.
"Babe bigyan mo naman ako ng isa pang pagkakataon kahit isa lang para patunayan sayo na mahal talaga kita." Pakiusap ko sakanya.
Mukha naman siyang sincere sa sinasabi niya,pero ano? Ganon ganon nalang yun ?
"Hmm gusto mo talagang bigyan kita ng isang pagkakataon? O sige dahil mabait ako bibigyan kita , diba sabi mo lahat gagawin mo para patunayan sakin na mahal mo ako?" Sarcastic kong pagkakasabi.
Nabuhayan siya ng loob pero halata sa mukha niya na kinakabahan.
"Ahh,ehh oo lahat gagawin ko para sayo!"nauutal kong niyang sagot.
"Well madali lang naman yung ipapagawa ko at pag nagawa mo maniniwala na akong mahal mo ko." Seryoso at walang emosyon kong sagot.
"Ano ba ang ipapagawa mo, kahit ano gagawin ko." Lakas loob niyang tanong.
"Ok madali lang, layuan mo ako at wag kanang magpakita saakin lalong lalo na sa anak ko, ayokong makakita siya ng manlolokong tulad mo. MADALI LANG DIBA?" Lakas loob kong sagot.
Kahit nag aalangan ako sinabi ko pero sa totoo lang kinakabahan at na gi-guilty ako sa sinabi ko.
"Babe wag naman ganon,hindi ko nga kayang nawala ka lalo pa yung anak ko, hindi ko magagawa yon . please kahit ano wag lang yon nag mamakaawa ako sayo." Pag mamakaawa niya saakin.
Gusto ko sanang bawiin yung sinabi ko nung marinig ko yung sinabi niya pero wala na nasabi ko na sakanya, ano nalang iisipin niya kung sakaling bawin ko.
"Alam mo wag kang lumuhod diyan , tumayo ka nga hindi ka nakakaawa. Umalis kana tapos na ang usapan natin. Tandaan mo ayoko nang makita yang mukha mo." Seryoso kong sambit,pero sa totoo lang ang sakit - sakit dahil mahal ko rin siya pero kailangan ko tong gawin.
Agad akong tumalikod at iniwan siya na parang akala mo wala kaming pinag samahan.
End of Flashback
Eto ako ngayon nag mumumok sa sulok. Pano ba naman kasi hindi ko kayamg isipin na nagawa ko yon sakanya at lalong ayokong isipin na walang tatay yung anak ko pag laki.
"Knock"
"Knock"
"Knock"
"Come in" sigaw ko.
Nagulat ako nang makita ko si mom na pumasok.
"Mom bakit kapa umakyat dito, baka mapano ka,napaka risky nang hagdan para sayo." Nag aalala kong sambit. Hindi pa naooperahan si mama kasi until now wala paring donor na compatible kay mom
"Ano kaba anak. Don't mind me, im fine."maikling sagot ni mom.
"I know you're fine but you can't." Hindi kona tinuloy yung sasabihin ko dahil baka masaktan ko yung damdamin ni mom.
BINABASA MO ANG
Ang Nabuntis kong Pangit
Roman d'amourguys new book nanaman .. sana magustuhan niyo .. masyado lang ako nadala sa kwento na gawa ni " @ad_sesa " kaya naman naisipan ko rin gumawa ng kwento.. kinopya ko ung title niya dahil inspired ako sa kwentong yun. actually nga di pa ako maka move o...