Chapter One
“MOMMY! You can’t do this to me!” reklamo ni Misha sa kanyang ina habang hinahabol ito palabas ng kanilang malaking bahay.
“Watch me, my daughter,” nakangising sabi ng kanyang ina saka pinasok sa van ang maleta nito.
“Mommy, paano na kami ni Mitto kung iiwan mo kami nang walang kasama sa bahay? Hindi ko kayang asikasuhin ang lahat nang nag-iisa!” naiiyak na sabi niya.
Hinarap siya ng kanyang ina at tinanggal ang malaki at itim na sunglasses na suot nito. “Really now. Hindi ba’t nagawa mo nga kaming lokohin ng Daddy mo sa loob ng ilang taon? Inilihim mo sa amin ang pagkuha mo sa kursong hindi namin gusto para sa’yo. You did that because you wanna prove to us that you’re old enough to decide for yourself. You want to be independent now?Fine! I’m giving you all the freedom you want!”
“Mommy, that’s not true!” kaila niya. “Hindi ko kayo sinuway para lang patunayang kaya ko nang tumayo sa sarili kong mga paa. It’s just that… I want to live my life the way I want to. Pero hindi naman ibig sabihin no’n ay binabale-wala ko na kayo ni Daddy. I really want to be a writer kaya Creative Writing ang kinuha kong kurso.” Oo. Matagal na niyang pangarap ang makapagsulat ng isang libro na fanstasy and adventure ang genre.
“Hija naman! Ikaw ang panganay na anak namin. Ikaw ang inaasahan naming magmamana sa kompanya natin.”
Iyon nga lang ang problema.
“Pero Mommy! Ito po talaga ang gusto ko.”
Buong-giting siyang nakipagtitigan sa kanyang ina- hoping that her mother could see the gravity and determination in her eyes.
Bumuntong-hininga ang kanyang ina. “Bakit sa dinami-daming magagandang genes namin ng Daddy mo, ‘yang katigasan pa ng ulo ang namana mo?” iiling-iling na bulong nito.
Nabuhayan siya nang pag-asa nang hindi na niya narinig sa boses ng kanyang ina ang galit. “Mommy, ibig bang sabihin, hahayaan niyo na akong–”
“Hahayaan ko nang si Seth ang magdesisyon kung papayagan ka ba naming ipagpatuloy ang kurso mong ‘yan o hindi,” deklara ng kanyang ina.
Sa taas ng tirik ng araw ay nagawa niyang pagpawisan ng malamig nang marinig ang pangalan ni Seth– ang kanyang half Filipino-half Japanese fiancé. Hindi pa yata siya ipinapanganak ay itinalaga na ng mga magulang niya si Seth Sawada bilang kanyang future husband. Best friend kasi ng kanyang ina si Tita Monta, ang ina naman ng binata.
Malayung-malayo sa magandang samahan ng kanilang mga magulang ang pakikitungo nila ni Seth sa isa’t isa. He was cruel to her. She hated him.
And what she hated most was, her parents would always let him control her life. Si Seth ang gumagawa ng lahat ng desisyon na siya lang dapat ang gumagawa.
“B-bakit naman nasama s-si S-Seth s-sa usapan?” At ang masaklap pa, kahit ano’ng galit niya rito, her whole system couldn’t deny the fact that she was still afraid of him. After all, she couldn’t forget what she had to go through during her high school days because of him.
“Because he knows what’s best for you.”
Sumimangot siya.
“I have to go, Misha.” Sumakay na ang kanyang ina sa van. “Magkikita kami ng Tita Monta mo sa Paris. Magbabakasyon muna kami doon so behave, ha? Kayo na ang bahala ni Seth sa mga bata.”