"Bal"

49 3 5
                                    

"BAL"

Di maiwasang sumagi sa isipan ko ang mga ala-ala nating dalawa.Noong mga panahong wala pa tayong problema, noong wala pang komplikasyon sa'ting dalawa,nung nandito ka pa.

Di ko maiwasang mapangiti nang maalala ko kung paano nabuo ang tawagan nating,Bal.

"Bal! Bal nalang! Astig eh." Malaki ang ngiti mo noong sabihin mo yun.

Nasaway pa nga tayo ng mga kaklase na malapit sa atin dahil himbis na makinig tayo sa teacher na dada ng dada sa harap ay nagkwekwentuhan tayo ng kung ano-ano.

"Ang corny naman nun JL. As in sagad." OA kong sabi at tumawa ka naman dahil 'dun.

" 'Yaan mo na. Mas matino naman 'yun kesa sa 'bes' mo, ginawa mo pa kong bakla." Di maipinta ang mukha mo kaya ako naman ang natawa.

"Okay naman 'yun ah! Diba 'bes' baman 'yung kadalasang tawagan ng magkakaibigan? Kina Jam at Den nga eh 'bes'." Katwiran ko pa.

"Eh malamang bakla 'yang si Den. Walang straight na lalaki ang papayag diyan no." Sagot mo naman.

"Kaya nga pumayag ka na, hindi ka naman straight eh. Hahaha." Tumawa ako ng hindi kalakasan dahil baka masita tayo ng prof.

Patuloy parin ako sa pagtawa pero napatigil din dahil sa hindi inaasahang ginawa mo. Hinalikan mo kasi ako.... Sa pisnge.

Nanatiling malapit ang mukha mo sa'kin kaya naman halos maduling ako.

"Ngayon sinong bakla? Hah?" Nakangise mong sabi na nagpalambot ng aking tuhod, mabuti nalang eh nakaupo ako kundi kanina pa ako nakasalampak sa sahig.

"S-si D-den." Mahina kong sagot at kinagat ang pang-ibabang labi ko na ginagawa ko lang kapag kinakabahan ako.

"Ayan mabuti nang nagkakalinawagan tayo, bal." Huli mong sabi bago ka tumayo at lumabas ng classroom dahil kanina pa pala nag ring ang bell.

Hindi ko parin nakakalimutan ang pakiramdam ko na naramdaman ko noong oras na iyon. Kung gaano kabilis at kalakas ang tibok ng puso ko 'nun.

Nagalit ako sa'yo 'nun at halos isang linggo 'rin kitang hindi pinansin. Marami ka pa ngang ginawang mga pakulo para lang mapatawad kita pero noong pang-lima mong subok ay hindi ko na napigilang tanggapin iyon.

Dahil sobrang lapit natin sa isa't-isa ay tinukso tayo ng mga kaklase natin. May LQ daw tayo pero sinagot mo nalang sila na hindi LQ kundi FQ dahil magkaibigan lang naman tayo.

Naaalala mo pa ba si Francheska? Isa siya sa mga kaibigan ko na nababa-litaang may gusto daw sayo, di niya man inaamin ay parang totoo nga.

Di ko alam kung bakit sumikip ang dibdib ko noong nalaman ko 'yun. Pero ngayon alam ko na, dahil pala may nararamdaman na ako sayo 'nun.

Nang sumunod na taon, graduating na tayo ng ating sekondarya. Mas naging malapit pa tayo sa isa't-isa at natigil narin ang issue sa inyong dalawa ni Francheska dahil lumipat na siya at sabi niya ay wala naman talaga daw siyang gusto sayo dahil si Echarri daw talaga ang gusto niya na sa ibang section.

Mga ika-apat na buwan ng ating pasukan nang mapansin ko na parang may kakaiba sa kilos mo, parang palaging malayo ang iniisip mo at tuwing tinatanong kita kung may problema ba ay umiiling ka lang at ngigiti ng matamlay.

Minsan naman ay bigla-bigla ka nalang nangyayakap at kung tatanungin kita kung bakit ay guguluhin mo lang ang buhok ko at ngingiti nanaman ng matamlay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bal (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon