I Want To Give You The Best

2.3K 74 16
                                    

Nagplano si Vice ng birthday celebration para kay Jaki. Hindi ito supresa kasi parang friends getaway na rin ito.

1 day before ng birthday ni Jaki, lumipad sila papunta sa isang private beach sa El Nido. Kasama nila sina Anne, Vhong, Jhong, Jugs, Teddy at si Maddie. Hindi nakasama si K kasi meron silang business trip ni Yael.  Nag charter din sila ng private plane. Magkatabi sa eroplano si Jaki at Maddie. Hindi kasi masyadong close si Maddie sa mga hosts kaya tinabihan siya ni Jaki.

Anne: Maddie, wag ka nang mahiya sa amin. Friend ka na din namin no

Maddie: hehe salamat po Ate Anne

Anne: Wag ka ng magpo. Di naman ako ganun katanda haha

Nung nakalipad na yung eroplano, napansin ni Maddie na parang di masyado nagsasalita si Vice. Magkakaharap yung mga upuan sa private plane. Samantala yung iba, ang saya saya.

Maddie: Girl, bakit ganun boyfriend mo? Nagaway nanaman ba kayo?

Jaki: Hindi ah. Ewan ko dun.

Maddie: Baka naman nagseselos kasi ako tinabihan mo

Jaki: Grabe naman. Araw araw na nga kami magkasama eh

Maddie: Clingy type yata si Vice eh

Jaki: Puntahan ko lang siya

Nilapitan ni Jaki si Vice

Jaki: huy Baby. Ok ka lang ba? Bakit di ka nagsasalita?

Vice: Sinong kakausapin ko?

Jaki: Hala ayan o yung mga kaibigan mo. Nagkwekwentuhan nga sila eh

Vice: Wala akong katabi eh

Jaki: Ah so yun nga...napaka cute mo *pisil sa pisngi ni Vice* Tinabihan ko si Maddie kasi hindi pa siya ganun ka komportable kasama yung mga friends  natin. Pagdating dun, hindi kita bibitawan *hinawaka ni Jaki ang baba ni Vice at itiningin sa kanya*

Vice: Kiss mo ko

Hinalikan naman siya ni Jaki.

Vhong: Excuse me, hindi lang kayo tao dito. Saka pwede maghintay kayo hanggang dumating tayo sa resort bago kayo mag labing

Tumawa na lang silang lahat at bumalik na si Jaki sa tabi ni Maddie.

Maddie: Ang galing mong mangsuyo ah

Jaki: Simple lang naman si Vice eh

Maddie: Buti wala pa kayong anak sa sobrang kaclingy niyo. Sa DR nga nagawa niyo na eh....

Jaki: Pano mo alam yun??

Maddie: Ah...sumilip kasi kami after showtime tapos nakita namin yung punit mong damit sa sahig kaya nagassume kami...so meron nga?

Namula ang pisngi ni Jaki

Maddie: Girl ah. Marupok ka din pala

Jaki: Ang hirap iresist ni Vice eh. Ang hot kaya niya

Maddie: Buti na lang magkahiwalay matutulog ang boys and girls sa resort. Kundi may junior na si Vice

Destiny's ReturnTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon