1

25 1 3
                                    

Maingay nang pumasok ako. Maraming bata ang nagtatakbuhan sa loob ng silid, ang iba ay nagkukuwentuhan na para bang matagal na nilang kilala ang isa't isa habang ang iba ay nakaupo lang sa isang gilid, nagmamasid.

"Shh! Kids, andyan na si teacher. Upo na, upo na! Oh what will you say?" Tanong ng teacher's aide na si Mary sa mga bata.

"Good morning, teacher!" The kids sang in chorus. It never fails to warm my heart—to be called teacher. It was a dream I had ever since I was little. Naalala ko noon, kapag naglalaro kami ni Asia, ako ang teacher at siya naman ang student. She was very patient with me and I with her. I cleared my throat before I speak just as I cleared my mind of any thoughts of her.

"Good morning, kids. My name is Teacher Taliea. You can call me Teacher Eia nalang, okay kids?" I billowed enthusiastically.

"Yes, teacher Eia!" The kids responded with the same enthusiasm I had.

It's first day of school for these children. Nagsimula ang klase sa pagdarasal, sunod ay tumayo sila isa isa sa kanilang mga upuan para magpakilala. We sang songs and played. That was for their first day. Sa unang araw ay mayroon na agad silang assignment: kinakailangan nilang pag-aralan ang lyrics at tono ng national anthem. Teaching kindergarten students means teaching them the basics—from the virtue, the songs, the prayer, simple writing and reading, even discipline. It wasn't much but it was fun. It completes my day to day life.

"Good bye, children! See you tomorrow." Paalam ko.

"Good bye, teacher Eia! Thank you for today, see you tomorrow!" Masigla nilang paalam. Mary kindly instructed them to fall in line properly while going out. Dahil mga bata pa sila, mahirap pa silang pasunurin dahil una pa sa kanilang isip ang paglalaro. Madali rin silang madistract, although not in general. Some students are shy and timid that they barely talk and simply follow the instructions. Some are noisy but listens. Iba iba ang personality ng mga bata kaya kahit mukhang simple ang trabahong ito ay doble ang pagod.

Two girls huddling together caught my attention. They were at the end of the line, giggling over something.

"Paalam ka ah? Para bukas sa bahay tayo," said the little girl whom I remember as Isabel.

"Oo, ipapakilala rin kita mamaya kay mommy. Tapos magdadala ako ng barbies." René grinned. The two seem excited about their plan.

Mabilis na bumalik sa aking isipan si Asia. Noong mga bata kami, madalas niya rin akong imbitahan sa kanilang bahay. Our house wasn't much back then, anyway. Magsasaka ang aking papa habang haciendero naman ang mga magulang ni Asia. Sa lupain na pag-aari ng mga Guillermo nagsasaka ang papa ko. Si mama naman ay sa kusina nila nagtatrabaho. Kahit parehas silang naninilbihan lamang sa mayamang pamilyang iyon, hindi kailanman ako nakagawa ng gawaing bahay. I was the princess of our small family and Asia was theirs. Mayaman nga lang sila, at mahirap kami.

Dahil nga malapit lang ang aming bahay sa mga Guillermo, pinapayagan ako nila mama at papa na makipaglaro kay Asia. Hindi rin mahigpit at mata pobre ang mga Guillermo kaya masaya silang may kalaro si Asia. They even enrolled me in the same private elementary school Asia was studying in dahil sa kahilingan ng aking kaibigan. Masipag akong mag-aral kaya hindi nasayang ang pagpapaaral nila sa akin. Asia had very few friends, I included. She was rotten spoiled by her parents dahil siya ang bunso. May tatlo siyang nakatatandang kapatid: dalawang babae at isang lalaki. May pagkamaldita siya kapag ayaw niya sa isang tao but she was very nice to me. She was the only person I can consider my sister and I know in my heart that she considered me as hers.

"Eia, tara bilis! Tignan natin yung padala sakin nila ate galing US!" Pagkababa palang ng sasakyan nila ay tumakbo na siya paakyat sa hagdanan ng entrada ng kanilang mansyon. She was about to open the enormous wooden door when she realized that I just got out of their car. Madalas niya akong hinihintay sa paguwi para lamang isabay ako. Sa parehong high school rin kami nag-aral dahil nakakuha ako ng scholarship dito. Sa mga pagkakataong kailangan kong magpagabi para mag-aral sa library, minsan ay naghihintay pa rin siya sa akin. Tuwing hindi niya ako mahihintay, na sobrang bihira naman, ay nagtatricycle ako pauwi. Tumakbo siya pababa para lamang hilahin ako muli paakyat.

Closer now Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon