4 Letter Word

542 12 9
                                    

TSIYWIOSSMC OFFICIAL ENTRY...ROUND 2

<<>>

"Hold your tongue, hold it tight

Or we'll be destined to fall like the sun did tonight..."

Hilam na hilam na sa luha ang aking mga mata. Gusto ko nang tumigil sa pag-iyak ngunit 'di naman matigil ang pagbuhos ng tubig mula sa mga ito.

Sa totoo lang, pagod na pagod na akong umiyak. Isang taon ko na din itong ginagawa. Isang taon na rin ang aking pagdurusa. Daig ko pa ang sumabak sa giyera. Tingin ng iba, wala akong pakialam. Ngunit gusto kong isigaw sa kanila na..."Meron! Meron akong pakialam!"

"Ate Rain..."

Ang malamyos na boses na iyon ang nagpagising sa akin mula sa karimlan na kasalukuyan kong kinasasadlakan.

Pupunasan ko na sana ang mga luhang walang tigil sa paglandas sa aking pisngi ngunit inunahan na ako ng maliliit at malalambot na mga palad ni Anne, ang aking nakababatang kapatid.

Nilingon ko siya. May mabining ngiting naglalaro sa kanyang mapuputlang mga labi. Napaka-inosente. Mukha ng isang anghel.

"Ano na naman ba ang nagpaiyak sa maganda ko na ate?" tanong niya gamit ang kanyang maliit at puno ng kainosentehang tinig habang ikinulong niya sa pagitan ng kanyang maliliit at malalambot na mga palad ang aking mukha.

Pilit kong itinago ang pait at poot na nararamdaman ko at ngumiti. Bata pa si Anne para ipapasan ko sa kanya ang kahirapan at kadiliman ng mundong ito. "Wala to, Anne. Sino bang may sabing umiyak ako?"

Ngumuso siya.

"Ate naman. Ako pa nga nagpunas sa mga luha mo, eh. isa pa, namumula 'yang mga mata at ilong mo. Mukha ka ngang si Dracula at Rudolf. Tapos sasabihin mo na hindi ka umiyak..." kunwa'y maktol niyang sabi na nagpatawa sa akin ng tuluyan.

Kahit man lang sa konting sandali, makalimutan ko ang pait.

Hinawakan ko ang kanyang mga malalamig na mga kamay. Nagbabakasakali na sa pamamagitan nito'y mapapahiram ko siya ng aking init...ng aking buhay...

"Anne..." basag ko sa katahimikang bumalot sa aming dalawa.

"Bakit po, Ate Rain?"

Tiningnan ko ang kanyang kulay kayumangging mga mata...mga matang namana niya kay papa...

"Anne, tandaan mo kahit ano ang mangyari, mahalaga ka kay ate..."

Ngumiti siya. Nakitaan ko ng kakaibang kislap ang kanyang mga mata.

"Mahal na mahal din kita, Ate. Mahal na mahal."

4 Letter WordWhere stories live. Discover now