CHAPTER 10: Destiny

288 5 0
                                    

Chad's POV:

Nandito kami sa isang bench at ayun nag-aasaran yung dalawa, ayoko nga puntahan tong si nerdy girl pero pinilit nila ako. Tsk.

~~~Flashback~~~

Nakaupo ako dito sa foodcourt at naglalaro ako sa phone ko ng 'flappy bird' minsan nga ang sarap ihagis ng phone ko, kung kailan kasi mataas ka na saka ka matatalo. Diba sinong hindi maiinis?! Naka-491 lang naman ako dito sa flappy bird. Hindi ako nagmamayabang ah, nahiligan ko lang laruin.

Tinigil ko na ang paglalaro ko ng biglang nag-vibrate ang phone ko.

From: Kent

San ka na? Nandito na ako sa mall.

From: Ivan

Gago! Nasan ka na? Hilo na ako sa kakahanap sayo! Tangina hindi mo lang sinabi kung saan magkikita!

Naiinis na si Ivan kapag ganyan. Kaya siya ang una kong tinext.

To: Ivan

Gago ka din! Nandito ako sa foodcourt.

To: Kent

Nandto ako sa foodcourt.

Mga 5 minutes din at may naramdaman akong umupo sa harap ko.

"Oh, Kent Ivan" sabi ko sa kanila with poker face. Nakakunot ang noo ni Ivan at si Kent naman seryoso lang nakatingin sakin.

"Ano bang trip mo? At bigla mong gusto mag-mall ha?" inis na tanong ni Ivan.

"Wala lang trip ko lang." I simply answered.

"Dahil pinahirapan mo kami, ilibre mo kami ng ice cream." - Ivan

"Tss. Yun lang? Para kayong bata. Cheap!" tumayo na ako. "Oh, ano pa ginagawa niyo? Ayaw niyo ba?" pangaasar ko sa kanila.

"Eto na nga oh, tatayo na." sabay na sagot nilang dalawa.

Naglalakad kami at naghahanap ng ICE CREAM DAW. Tss.

"Teka lang si Princess nerd ba yun?" kaya napatinignin kami kay Kent kaya napatigil kami.

"Oo nga si Princess nerd yun, tara puntahan natin." Sabi naman ni Ivan.

"Tara." akmang maglalakad na sila ng pigilan ko.

"Teka, akala ko ba gusto niyo ng ice cream?!"

"Oo nga, pero mamaya na lang, mahaba pa naman oras eh. Puntahan muna natin si Princess nerd. Halatang nagiisa din siya oh." Sabi ni Ivan.

"Bakit niyo ba gusto puntahan yang nerd na yan? May gusto ba kayo sa kanya?" naiinis kong tanong.

"Wala kaming gusto sa kanya, okay? Masaya lang siyang kasama yun lang yun, kaya tara na." sagot ni Ivan.

Hihigitin na sana ako ni Ivan kaya lang bigla ko yun iniwas.

"Ayoko nga! Edi' kung gusto niyo kayo nalang pumunta. Tss."

"Bahala ka nga dyan. Bahala ka aasarin ka namin kay Princess nerd. Haha." sabi ni Ivan. Pero rinig ko yung pabulong na sabi niya. Kilala ko tong si Ivan eh. Gagawa ng kwento na hnidi naman totoo.

"Ok! Fine!" nauna na ako maglakad sa kanila. Pero alam kong nasa likod ko lang sila.

Nang makarating na kami dito sa bench. Biglang nagsalita si Ivan na ikinagulat naman ni NG.

"HEY!"

"Ay anak ka ng pagong!" nakita ko pang muntik na mahulog ang hawak niyang ice cream buti nalang hindi. Talagang babae na to magugulatin.

The Conceited Boy Meets Nerdy Girl [ONGOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon