"Maam, gusto daw po talaga kayong makiusap ni Sir Aaron. Nagpupumilit na po siya," nag-aalalang sabi ni Ines.Sa totoo lang, hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba siya pumunta dito at sinabi yan. Hindi ba nakakaintindi ang Aaron na yun na ayaw ko siyang makausap?
"Tell him to get lost."
"P-Po?"
Napailing ako saka nagsalita ulit. "Tell him however you want to tell him basta ayoko siyang makita o makausap."
I tried so hard to avoid him. Ayoko siya makausap o kahit makita man lang. After dad and I talked, mas lalo akong nagalit kay Aaron kaya ni anino niya ay ayaw ko muna makita. I needed to cool down.
"Sige po." She went out of my office again.
I thought I made it clear na ayoko siyang makita. But on my way out of the building, nag-abang pa talaga siya sa labas ng kotse.
Mabilis akong pumunta sa kotse ko saka binuksan ang pinto at agad sanang isasarado ito nung hinarangan niya ang pagkasara sa pamamagitan ng paghawak sa pinto.
"Gwen," he called me seriously. Hindi ko nakikita ang playful na Aaron base sa aura niya ngayon. "Bakit mo ako iniiwasan?" Aburido na tanong niya.
"You're assuming," walang ganang sagot ko.
"I told you I like you. Gwen naman. Bakit mo ba ako pinapahirapan?"
Napangisi ako. Ang kapal talaga niya para sabihin sakin yan. Hindi niya alam na sa aming dalawa, ako ang mas nahihirapan. Hindi nga ni katiting ng pinagdadaanan ko yang nararanasan niya ngayon.
"Wala akong dapat ipaliwanag sayo. Paalisin mo na ako."
Akmang isasarado ko na ang pinto ng kotse pero mas lalo siyang humarang. "No, hindi ka aalis hanggat hindi mo sinasabi sa akin kung bakit ka nagkakaganyan. Hindi yan ang Gwen na kilala ko noon. You were not like this. She doesn't hurt people and she doesn't do revenge when she knows she could hurt others. Gwen, I'm telling you for nth times, I'm so sorry," he said apologetically.
I liked what I was seeing now. Nakikita ko kasing nahihirapan siya.
"Gwen! Answer me!" Nabigla ako nung bigla siyang napasigaw at napahampas sa kotse. Nagulat ako at kinabahan ng konti pero I managed to look tough.
Taas noo ko siyang tiningnan. "Wala akong sasabihin sayo."
Ngumisi siya. Tiningnan niya ako ng maigi saka napailing. He shook his head while smirking at me.
"Pwes ako may sasabihin. I will tell tito of what happened to us in the past."
Napanganga ako sa sinabi niya. "Don't you ever do that!" Galit na sabi ko especially that I didn't see that coming.
"I like you, Gwen. I really do. I was wrong with what I said to you last time. I want you now because I am serious about you. Hindi na ito laro. I realize that you are very special to me. Let's try again, Gwen. This time, hindi na ako papayag sa gusto mo na ilihim ang kung ano mang meron tayo. I will face your father's wrath kahit nakakatakot magalit yang daddy mo."
Napailing ako sa sinabi niya. "Sige, sabihin mo kay dad kung gusto mong bumagsak yang negosyo niyo ng daddy mo. You know how my dad works. Alam mong hindi niya magugustuhan ang sasabihin mo. Mas lalo siyang magagalit sa gagawin mo lalo na at ayaw ka niya para sa akin."
"But I am desperate now, Gwen! Kung yan lang ang paraan na babalik ang tiwala mo sa akin, gagawin ko. Gusto kong mabawasan ang galit mo sa akin diyan sa puso mo. Hindi ko kayang makita na nasasaktan ka dahil sa akin. It's been years pero nanjan parin ang sakit ng pag iwan ko sayo. Nakikita ko ang galit sa puso mo, and I regret it kasi alam kong ako ang gumawa niyan sayo. You're a great woman, Gwen. You don't deserve the hatred you're feeling right now. That was not the Gwen I knew. Kahit saktan ako ng dad mo, I don't care. Wala akong pakialam sa mangyayari sakin. I just want the old you back and most importantly, I want to free you from your secrets."
BINABASA MO ANG
Behind Her Innocence (Hughes Series)
RomanceGwen Hughes' story. Behind her so called innocent-looking and angelic face is the woman who has many secrets. Her family sees her as a good and innocent young woman who isn't capable of doing horrible things, but they are all wrong. All to herself...