BAKIT KAILANGANG MAKILALA MO PA ANG TAONG MAPAPATIBOK NG PUSO MO PERO, HINDI NAMAN PALA SYA PARA SAYO?
PARA SAAN BA SYA? TAGAHILOM NG SUGAT NG NAKARAAN? O TAGA DAGDAG NG SAKIT NA NARARAMDAMAN?
ANG PAG-IBIG HINDI LAGING PINAGLALABAN DAPAT ALAM MO KUNG KAILAN KA SUSUKO AT KUNG KAILAN MO DAPAT IPAGLABAN..
PAANO MO NGA BA IPAGLALABAN ANG TAONG MAHAL MO KUNG UMPISA PALANG TALO KA NA? AT KUNG IPAGLABAN MO MAN MADAMI KANG TAONG MASASAKTAN.
ALIN NGA BA ANG MAS MAHALAGA KASAMA MO ANG TAONG MAHAL MO PERO MALI..
KAYSA HINDI MO KAPILING ANG TAONG MAHAL MO KAHIT MAHAL NYO PA ANG ISAT' ISA DAHIL YUN ANG TAMA?
BAKIT NGA BA MINSAN KAHIT NA MAY MAHAL KA NA HINDI MO MAIWASAN MAGMAHAL NG IBA?
DAHIL BA MAY PAGKUKULANG SIYA O HINDI KA LANG TALAGA MAKUNTENTO SA KANYA?
SA PAG-IBIG HINDI PUSO LANG GINAGAMIT HINDI PURO PANG SARILING PANGKALIGAYAGAN LANG ANG INAALALA..
DAPAT MINSAN GAMITIN MO YUNG ISIP MO AT ISIPIN MO DIN ANG KAPAKANAN NG NAKARARAMI HINDI ANG SARILI LANG.
MAY MGA BAGAY NA HINDI MO NA PWEDENG IPAGPILITAN KAHIT GUSTUHIN MO MAN..
MINSAN KAILANGAN MONG PIGILAN ANG SARILI MO DAHIL BAKA PAG PINIGILAN MO ANG GUSTO MO MAGISING KA NA LANG ISANG ARAW NA MALI NA PALA ANG TINAHAK MONG LANDAS.
KAILANGAN MONG PAKAWALAN ANG TAONG MAHAL MO DAHIL YUN ANG NARARAPAT
HINDI LAHAT NG NAGHIHIWALAY AY HINDI NA NILA MAHAL ANG ISA'T ISA. MINSAN KAILANGAN MAGPAALAM DAHIL YUN ANG TAMA
MAHIRAP MAGPA-ALAM SA TAONG MINAMAHAL MO PERO MAS MAHIRAP TANGGAPIN ANG KATOTOHANAN NA HINDI NA KAYO PWEDENG MAGSAMA ULIT..
MASAKIT MAN ANG PAGHIHIWALAY NATIN HINDI AKO NAGSISISI AT NAGING BAHAGI KA NG BUHAY KO AT NAGING MASAYA AKO KAHIT SA SANDALING PANAHON NA NAKAPILING KITA.