Chapter twenty three: Envy

44 1 1
                                    

A/N: SORRY FOR THE LONG WAIT SA UD. Mental block ako eh. :) Matagal ko pa ito bago napost. Hehe. Pasensya na po talaga kung hindi ko na ito masyadong nauupdate.

--

Chapter 23: Envy

"HUH? SUSUNDAN MO SIYA SA STATES?"

Wagas talaga kung makareact 'tong si Bugok eh noh. -______-

"Oo nga Bes! Ano ka ba, mahirap yan!" Isa pa 'tong si Jen. Mag syota talaga sila.

"Huwag mo ng ituloy!"

"Pero ayokong maulit na naman ang nangyari noon. Ayoko ng tumagal pa ang sitwasyon na 'to. Di ako pwedeng basta ngumanga lang at maghintay ng milagro." Sagot ko sa kanilang tatlo. Nandito kasi sila sa bahay. Kumpleto sana kami kung nandito lang din siya.

"Pero paano mo naman gagawin yun? Papayagan ka ba ng kuya mo ha?" Sabi ni Lala.

"Huh? Di ko alam bahala na!"

"Huwag kang papasok sa isang bagay kung hindi ka sigurado. Mahirap masaktan. At ayokong mabigo ka lang ulit. Ayoko na Chi. Gusto naman kitang makitang masaya. Yung normal na tao kung saan palaging ngumingiti at hindi pinoproblema ang isang taong wala. Sana naman makita mo rin."

 

"Ako."

"Huh? Ano uli yung huli mong sinabi?"

"Look Chi, ayaw ka na naming mabigo. Ayaw ka na namin maging panandaliang sumaya sa umpisa dahil sa mga gusto mong gawin at sa huli, uuwi ka lang din na luhaan. Marami kaming nagmamahal dito sayo. Nandito ako, nagmamahal sayo ng patago kahit ang sakit sakit na."

 

What did he just say?

"Ano uli ang sinabi mo? Nasasaktan ka?"

"Oo, masakit na eh. Ang sakit sakit na. Yung tipong kahit nandito na ako si Jo pa rin ang hinahanap hanap mo. Yung tipong kahit nandito na ako, siya pa rin yung mahal mo."

 

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Kinakabahan ako.

"Oo, dakilang martyr kung martyr pero ayokong sumuko. Gusto kong mapatanuyan sayo na totoo ang pagmamahal ko. HINDI KITA IIWAN kahit gaano pa katindi ang sitwasyon."

 

Ni isa sa amin nila Lala, Jen at Carl ay walang umiimik. Speechless ako.

Hindi ko inaasahang marinig mula sa kanya ang mga salitang naririnig ko ngayon.

 

"Miguel, akala ko ba dati lang?"

"Yun din ang akala ko. Pero malaking kasinungalingan lang pala iyon. I know you're not the girl for me but I can't stop myself from loving you."

Willing to WaitTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon