Sa bawat buhay may kanya-kanya tayong tadhana, pero sa kalagayan ko hindi ko masabi kung magiging masaya ba ang aking tadhana.
"Hoy Ashengggg!! bilisan mo naman. Mabagal ka pa sa pagong eh." sabi ni ng bestfriend ko,
"oo na, rtoh na nga eh." sabi ko naman.
"malelate na kaya tayo!" bulyaw niya. Pagkalabas ko palang sa pinto ay kinuha niya na yung bag ko at siya ang nagbitbit.
Pagkadating namin sa classroom ay ibinaba niya na yung gamit ko sa upuan ko.
Dumating naman kaagad yung teacher namin at nagturo na.
Hindi ko na alam kung tinadhana ba sakin ito'ng kaibigan ko na si Nicolo, pero isa lang ang sigurado ako, inlove ako sa bestfriend ko.
"Ms. Ashley Mendoza, mukang malalim ang iniisip mo." sabi Gng. Melinda, umiling naman ako. "kanina ka pa tulala diyan." sabi pa niya,
"pasensya na po ma'am." sabi ko.
Nagturo nalang ulit si Ma'am.
Gusto ko'man sabihin ang totoo kay nicolo pero hindi ko magawa dahil meron siyang ibang nililigawan alam kong mahal niya toh.
Makalipas ang ilang araw ay hindi na ko masyadong napapansin ni Nicolo, hindi niya na din ako nasusundo sa bahay ko para sabay kami pumasok.
Sabado ngayon, at walang Nicolo na kakatok sa pintuan ko dahil abala siya sa panligaw niya. *TOK-TOK* biglang may kumatok sa pintuan, agad naman akong pumunta sa may pintuan para bukasan,bumungad sakin si Nicolo na may ngiti sa labi...
"oh?!! napadalaw ka?" tanong ko.
"May maganda akong balita. Kami na ni Julia!!" sabi nya ngumiti naman ako sakanya, hindi ko alam kung dapat ba ako matuwa o dapat ba akong masaktan,
"Ahh!! Mabiti naman" sabi ko naman.
Pinapasok ko muna sya sa bahay ko.
"Alam mo ba ang saya ko ngayon, Sobra!! Hindi pa din ako makapaniwala na kami na!!" Sabi nya, ngumiti lang ako sakanya.
Hindi ko alam kung paano ko pipigilan ang pagluha ko, dahil sa sakit na nadadama ko.
Makalipas ang ilang linggo at hindi na kami masyadong nakakapagusap ni Nicolo, palagi nya kasing kasama si Julia, kung dati nakakapagusap pa kami, ngayon ay hindi na talaga.
"Ashley, tara sabay na tayo maglunch" sabi ni Kevin, ngumiti at tumango ako sa pagsang-ayon. Habang naglalakad kami sa loob ng canteen ay napansin ko na nakatinggin sakin si Nicolo at Julia,
"Ashley, sabay na kayo samin" sabi ni Julia,
Timingin naman ako kay Kevin, umakbay naman sya sakin at tinungo na kung saan ang pwesto nila Julia.
Medyo nakakailang nga lang, hindi ko alam kung bakit.
"Ashley, ako nalang ang bibili ng pagkaen mo!!" sabi ni Kevin", tumango naman ako.
"Sama 'ko, bibili ako ng dessert ko" sabi naman ni Julia.
Pagkaalis nila ay nagkunwari akong nagtetext ako, para hindi mapansin na naiilang ako. "Nililigawan ka ba ni Kevin??" tanong sakin ni Nicolo,
"Hindi ahh" sabi ko, "Ehh bakit sya umakbay sayo??" tanong pa nya,
"Hindi ko alam" sabi ko.
Pagkabalik nila Kevin ay agad akong kumain,
"Tutal, Bestfriend at girlfriend ng bestfriend ni Ashley ay nandito, gusto ko sana na malaman nio na gusto kong ligawan si Ashley" sabi ni Kevin, nagulat naman ako sa sinabi nya, si Nicolo naman ay tumayo at umalis, ako naman ay sinundan sya.
Napagisip-isip ko na siguro Okay lang sakin na ligawan ako ni Kevin, Unti-unti naman nang nawawala ang pagmamahal ko kay Nicolo, Oras na siguro para buksan ko ang puso ko para sa iba.
Nang mahabol ko si Nicolo ay hinarangan ko ang dinadaanan nya, "Bakit ka umalis doon?" tanong ko.
"Hindi ko din alam Ashley, Pero alam mo ito lang ang masasabi ko na-miss kita ng todo. Ngayon ko lang napagtanto na hindi pala si Julia ang tunay ko'ng mahal, kundi Ikaw Ashley" sabi nya, hindi ko alam ang sasabihin ko,
"Nicolo, nawawala na ang pagmamahal ko sayo. Oo, mahal pa rin kita pero bilang kaibigan nalang. Nung naging kayo na ni Julia, Nagalit, nalungkot at nagselos ako, pero iba na ngayon Nicolo. Kaya ko na ulit buksan ang puso ko sa para sa iba" sabi ko, napansin kong maytumulong luha sa kaliwang mata nya,
"Pwede ba'ng sakin mo nalang ulit ibukas ang puso mo??" nasa tono ng boses nya ang pagmamakaawa.
"I'm sorry Nicolo, pero pagmamahal nalang bilang kaibigan ang kaya ko", at tuluyan na akong naglakad palayo sa kanya.
Ito ang naging TADHANA naming dalawa ni Nicolo. Nung una ako ang nagmamahal sakanya ng patago, pero nung minahal nya naman ako doon nawala ang pagmamahal ko sakanya.
*~~~~~*~~~~~*~~~~~*~~~~~*~~~~~*
Sana po nagustuhan nyo!! ^_^
MARAMING SALAMAT!!