May bestfriend akong guy na nakilala ko sa reunion ng dati kong school. Sya ay si Augustus. Physical? Cute, matangkad,maputi. 5 years na kaming magbestfriend at hanggang ngayo'y di pa rin nya naririnig ang malakas ng pintig ng aking puso para sa kanya hanggang sa isang araw.....
"Hailey."
"O? Bakit?"
"Tingin ko inlove na ako."
"Ha? Eh kanino naman?"
"Kay......." Eto na ba? DUGDUGDUG....
"Kay?"
"Kay Stella. Yung besfriend mo."
"Ha?!" Hindi ko alam kung malulungkot ba ako o matutuwa sa kanya bilang bestfriend niya.
"Pwedeng pa-favor?"
"A-ano y-yun?"
"Pwede mo ba akong itulay kay Stella?"
"Kaya mo na yan." Ang totoo ayaw ko.
"Sige na. Please?"
"O sya, sya. Sige na nga."
"Yahoo! Bestfriend talaga kita! I love you bestfriend!" Inakap niya ako pero ako na rin mismo ang bumitaw sa pagkakaakap niya.
"O sya, may gagawin pa ako."
"Sige. Salamat ulit bestfriend! Bye!"
"Bye."
Aray. Sana yung salitang "I love you" mo, hindi lang pang bestfriend. Palagi na lang niya kasi akong napapaasa sa tuwing sinasabihan nya ako ng "I love you bestfriend" o kaya nama'y "Miss na kita. Kita naman tayo." Hay ganito ba talaga ang feeling kapag na- bestfriendzoned ka? O sadyang binibigyan ko lang ng kahulugan ang lahat kaya eto, sa bandang huli ako 'tong nasasaktan.
-+-
*Ring.*
"Hello?"
"Hello Hailey."
"O! Augustus, bakit napatawag ka?"
"Labas ka. Nasa labas ako ng bahay nyo." Syempre ako naman si Bestfriend na masunurin ay lumabas nga ng bahay. Ang lakas ng tibok ng puso ko ng makita ko ang ngiti nya at ang dala-dala nyang bulaklak.
"Para kanino 'yan? Para ba 'yan sa a--"
BINABASA MO ANG
More than bestfriends (OneShot)
Romance"Mahal kita! Hindi mo ba 'yon maintindihan?!"