eto po ang unang ginawa ko whaaaaaaa sana ma gustohan ninyu :) (tnx kay bob ong)
comment na din po kahit anu :D bad or good , tangap ko and vote na rin if you like it salamat!
Ako si Glendo Magpalo o mas kilalang Glen, isang batang Mabait, Tahimik ,walang imik pero matinik ( bangus?), Madaling mabagot at mahilig matulog ( BATUGAN!), matakaw pero payat, Mahilig magbasa at tamad magsalita. ( pero madalas pariho lang na hindi ko ginawaga yan ) at syempre ang pinaka huli GWAPO!,. Oo GWAPO! Ehem! Gulat kayu noh, (sabi ng nanay ko gwapo ako! at na nini-wala naman ako) cge! cute na nga lang! (kumontra ka pa kasi!).
First day of school , bigla na lang akong na medical emergency in which the organs and tissues of the body are not receiving an adequate flow of blood, in short na SHOCK ako ! Ibang iba talaga ang high school sa elementary, di hamak na mas matitibay ang mga classroom ng mga high school kumpara sa mga elementary, Iba-iba ang mga na sa high school student, halata sa mga estudyante na mayayaman at may kaya sila sa buhay, merong mga estudyanteng isang tingin mo pa lang alam mong bobo na, meron din namang di makabasag pinggan na alam mong mag mamandre pag laki, merong magaganda na parang model ng Johnson’s face powder (sigurado, pag na wala ang mga estudyanteng eto e malaki ang lugi ng kumpanyang Johnson ), meron ding mga estudyante na isinilang sa mundo para mag pa-cute ng mag pa-cute sa mga crush nila, at marami pag iba’t bang uri ng mga estuyante.
Kung noong elementary nag babago ang itsura mo lalong lalo na sa high school, kaasar!!! Ang na ngunguna na dyan ang best enemy ( ko ) ang tigyawat . nakakahiyang ilantad ang malaki at ma pupulang mga tigyawat na aakalain mo e parang sakanya ang buong mukha mo, at talagang para ka ng tig-ha ( tigyawat na tinubuan ng mukha! ) Kaya yong classmate kong lalaki, laging may dala dalang mahiwagang suklay at isang cream na PAMPA ( garnier ) sa kanyang bag, para daw ma iwasan ang ganitong sinaryo. Kaya kada sampung minuto pumupunta sa CR upang manalamin, mag susuklay tiyaka mag papahid ng kanyang beauty secret ( GARNIER ) kram.
Iba din ang mga teacher maraming magaganda at mukhang bata pa. Sure ako! Kilala mo sina Marietta Subong, Jose Marie Viceral, Walter James Bayola, at Ariel Manalo, siguro para madaling tandaan at maging kwela kaya ginawang Pokwang, Vice ganda, Wally, at Jose. Pero sure parin ako (i swear to God ), hindi mo na kilala sina Mam Dragon, Mam Max at Sir Pan’s. kong kilala mo sila malamang magka-batch tayo at nagaaral sa iisang eskuwelahan. Alias ng mga teacher namin ang binangit ko.
Kawawa ang mga nasa harapan ng klase dahil laging tumataksik ang laway ni mam Dragon tuwing nag le-lecture siya, laging galit, at tuwing uubo naman e parang may laging nakasabit na supot sa kanyang lalamunan na hindi niya ma evict evict sa subrang kapit. Samantala kaya naman naging Mam MAX ( teacher ko ng MATH 3rd year ) dahil parang kasali siya sa commercial ng MAX ( candy ) dahil laging makintab ang damit, pamaypay at sapatos. Pag pula ang damit niya dapat pula rin ang sapatos, bag, pamaypay, panyo, payong, at hikaw. Laging terno. Minsan blue, pink, yellow at violet. Meron din syang glow in the dark ( bungga! Diba? ) pero mabait siya at matalino kaya saludo ako sakanyan. Si sir Pan’s naman eh,! ( hmmmmm! SANDALI!! Hehe pass mo na nakalimutan ko! ).
Hindi ako ang may pakana ng mga bansag ng mga teacher namin, hindi ko alam kung papaano at kong bakit sila nag ka roon ng alias, hindi naman lahat ng nabigyan ng alias ay terror at hindi din naman lahat ng terror ay may alias. Malakas mag asar ang teacher ko noong 2nd year ako gugulantangin ka niya sa recitation, tatadtadin ka niya ng mga tanung at wag na wag kang magbibitaw sa kanya ng mga hindi kalkuladong salita dahil pag iba ang pag kaka-intindi niya, aabot ka sa Senado kakapaliwanag at ma iisip muna lang bigla na mas mabuti pag umopo na lang sa wheelchair at mag kulong sa hospital. Si Sir Cabaya naman ay moody, laging seryuso at hindi mo siya gugustuhing makabangga pag mainit ang kanyang ulo. Dahil makikita mo talaga siyang nag su-super saiyan sa galit at nilalabasan ng usok sa kanyan ulo at…. At….. At……At ……. Titigil na ako dahil kilala niya ako, malapit lang ang bahay nila sa amin. Mahirap na!. Kung teacher ka naman at hindi ka marunong gumamit ng index cards para patayin sa sindak ang mga estudyante mo tuwing recitation, kailangan mong mag-seminar kay Sir Baon. Oo index cards. Doon nakalagay ang mga pangalan ng mga bawat estudyante. Lagi niyang binabalasa at dun niya bubunotin ang pangalan ng mag re-recite. Hindi ko makakalimutan ang una niyang pag bunot sa binalasang index card, binasa ang pangalang nag mag re-rectite ( anak nag kabayong may bang’s naman oh! ), Glen! ( nickname lang ang sinasabi niya at hindi ang last name o full name ), dahan dahan akong tumayo mula sa inu-opoan ko, pero ang hindi niya alam, nag dadasal na ako na sana lumindol at bumuka ang lupa, tapos mag kasunog, mag ka giyera, bumagyo, bumaha, at magunaw na ang mundo. Malas hindi nag ka totoo. Sa subrang kaba ko sinabi ko na ka agad ang magic word na PASSsss! Sabay upo, Kahit na alam kung hindi pa niya tapos sabihin ang kanyang tanong sakin! ( sadami dami naman kasi ng mga pweding ma bunot, AKO PA! ). Meron din namang mga teacher na ubod at saksakan ng yabang, (eto yung kinaiinisan ko o natin na teacher ) aminin natin. May na encounter na tayung teacher na ganito kahit isa man lang.
Pero sa bandang huli, naging malaking parte ang mga teacher natin, hindi lang sa pag tuturo kunti pati na rin sa paghubog ng ating isipan at pagkatao. Sa eskwelahan naman tayo natuto sa mga pagkakamali, unang na inlove , nasawi, natutong makihalubilo, natutong mangopya, natutong magpakopya, natutong tumangap ng zerong score, natutong gumawa ng katangahan, magkunwaring nakikinig habang nagtetext, magsulat, magdrawing sa likod ng notebook at kung ano-ano pa. At sa mahabang panahong akoy nagaaral ( pumapasok ) ay may mga bagay bagay akong namimiss ngayong ako’y graduate na tulad na lang ng pagiging cleaners of the day at ang pagmamadali mong pagtakas kapag uwian, Ang pagaabang sa TV/ Radyo kung may pasok kasi signal number 1.5 ang bagyo, Ang mga inuman session after examination, ang pag tabi kay crush na kunwari nag susulat yun pala gusto mo lang makipag kwentohan, ( makipag landiin ) at makita siya ng malapitan, Ang pangongopya ng assignments ( 3 minutes bago ang klase ), pati na rin ang pag kupya sa katabi pag exam ( tapos, sabay tanong sa pinag kupyahan mo “tama ba to?”, “sigurado ka?” ), Ang pag cucutting classes at pag-akyat sa bakot upang makatakas lang sa nag huhuling Guard, ang pag tambay sa puno ng mangga ( pero balita ko pinutol na lahat ng puno ng mangga sa school namin dati dahil mag papagawa daw sila ng parking lot, kaya pinag-puputol. Sayang marami pa naman akong ala-ala sa punong yun ) , at ang pinakahuli Ang kasimplehan ng buhay estudyante.
Naisip ko ang kasimplehan ng buhay noong bago ko mahawakan ang diploma. Na ang pinaka problema ko lang ay ( mangopya ) magaral pag-exam , maghabol ng lecture , gumawa ng assignments , project , special project , magwalis para makapagpapirma ng clearance at malagpasan ang stress na dulot ng thesis.
Tunay ngang memorable ride ang buong experience natin sa pagpasok sa eskwela. Pero sa bawat saya ay may pagdurusa , sa bawat kaligayahan ay may kalungkutan , ( sa bawat pagsusulit ay may katabing nangungulit ) at sa bawat pinagdadaanan ay may mga bagay tayong hindi natin masyadong nagugustuhan.
Ngayon , ako ay nagaaral pa din at ang buong mundo na ang aking paaralan. Kung dati sinusubo sa bibig ko ang dapat kong matutunan ngayon kailangan ko ng hanapin, piliin at pagsumikapan ang mga aral ng buhay. Ang bawat taong nakikilala ko ay ang mga nagsisilbing guro sa kani-kanilang paraan. May mabait at may terror. Pero ang mahalaga ay ituturo nila sa akin kung paano ang totoong kalakaran ng mundo. Hindi mo na kailangan ng ID dahil ang pagkatao mo na ang magsasabi kung sino ka at hindi mo na kailangan ng bolpen sapagkat ang mga natutunan ay hindi na sa papel nakasulat kundi sa puso at isipan mo na.