A/N: waaaaahhh.. ahaha.. ewan.. bahala na.. ^_^ ahaha.. nakakaloka.. ^_^ ahaha.. (baliw na..) :)
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
"Hoy, Trevor!" sigaw ko kay Trevor ng makita ko siyang naglalakad sa hallway.. Lumingon siya.. Nilapitan ko siya.. "Hinahanap ka na naman ng stalker mo." sabi ko sa kanya.. Si Trevor.. Kababata ko.. Kalaro.. Tagapagtanggol ko.. Kinakapatid.. Kapit-bahay.. At sana.. Kapit-puso..
Oo.. Mahal ko siya.. Mahal na mahal.. Mga bata pa lang kami.. Tumibok na ang batang puso ko.. Para sa kanya.. Bata pa lang kami.. Pinangarap ko na.. Na sana siya ang lalaking nakalaan sa akin.. Ang lalaking magmamahal sa akin ng tapat.. Ang lalaking makakasama ko sa habang-buhay..
Pero mukhang malabo na mangyari ang mga pangarap ko.. Dahil hindi ako ang tipo niya.. Oo.. Alam kong mahal niya ako.. Pero bilang kaibigan lamang.. Bilang kapatid.. Pero kahit ganoon.. Umaasa pa rin ako.. Umaasang balang-araw.. Mababaling sa akin ang pagmamahal niya..
Marami na siyang naging girlfriends.. At ako ang laging niyang takbuhan kapag nagkakaproblema siya sa girlfriend.. Kahit masakit.. Inaalalayan ko siya.. Pinapayuhan.. Handa akong maging panyo niya.. Sa bawat luhang pumapatak sa mga mata niya kapag nasasaktan siya.. Handa akong maging hingahan niya ng sama ng loob.. Handa ako sa lahat.. Basta para sa kanya..
"Huh?" natarantang tanong niya? "Asaan?" nagpalinga-linga pa siya..
"Wala na. Pinalayas ko na." nakangiti kong sabi.. Isa yan sa mga handa kong gawin para sa kanya.. Ang maging tagapagtanggol niya.. Tagapagtanggol sa mga babaeng aaligid-aligid sa kanya na hindi naman niya gusto..
"Ahahaha." nakamanteng tawa niya.. "Iba ka talaga. The best." sabi niya at inakbayan niya ako.. Heto na naman po ang puso ko.. Sa tuwing lumalapit ako sa kanya.. Bumibilis ang tibok nito.. Hindi na nasanay sa presence ni Trevor.. Lagi ako tense kapag kasama ko siya.. Pero hindi ko pnahahalata.. Gustuhin ko man na malaman niya ang nararamdaman ko.. Ayoko naman na maging dahilan ito ng pagkasira ng pagkakaibigan namin..
"Syempre naman. Ako pa." pagmamayabang ko pa kahit kabado na ako sa pagkakalapit namin..
"At dahil dyan. Libre kita." sabi niya at inakay niya ako papunta sa canteen..
"Dapat lang." sabi ko naman.. Pinilit kong ngumiti.. Para hindi niya mahalata na nate-tense na ako..
Nang makrating kami sa canteen.. Naupo kami sa bakanteng mesa.. Agad na siyang nag-order.. Pinagmasdan ko habang nasa counter siya.. Biglang may lumapit na babae sa kanya.. Si Lizzie.. Isa sa mga ex ni Trevor.. Nag-usap sila.. Naririnig ko ang tawanan nila.. Bakit ganoon? Tila may kumudlit sa akin puso.. Nagseselos ako..
Kahit madalas kami magkasama ni Trevor.. Kahit alam kong masaya siyang kasama ako.. Ni minsan hindi ko siya nakita na ganyan kasaya.. Si Lizzie ang pinakamatagal na naging girlfriend ni Trevor.. Halos apat na taon ang itinagal nila.. Akala ko nga.. Sila na nga hanggang sa huli..
Pero nagbreak sila.. Naalala ko ng magbreak sila ni Lizzie.. Grabeng lungkot noon ni Trevor.. Ilang araw siyang hindi kumain.. Ilang araw na hindi makausap.. Hindi na siya ang dating Trevor na nakilala ko.. Nasaktan ako noon ng makita ko ang ayos niya..
Na-realize ko.. Kahit ano palang gawin ko para mapagaan ang loob niya.. Walang epekto.. Mahal na mahal niya talaga si Lizzie.. Hinayaan ko muna siya sa gusto niya.. Hinayaan ko siya na maka-recvor.. Hanggang siya na mismo ang lumapit sa akin.. At nakita kong muli ang dating Trevor na masigla at palaging nakatawa..