Sa mga oras na tumatakbo ako papuntang bahay, 'di ko na namalayan kung gaano kadaming tao ang mga nabunggo ko at napamura sa mga oras na 'yun. Walang ibang tumatakbo sa isip ko kung hindi maka-uwi na.
"Nandito ka?" ang tanong ni Mark na parang pumintig ang tenga ko. Halata ba?
Tumayo ako at kinuha ang bag ko sa gilid. Pinilit ko namang lumabas ng pinto kahit mandoon siya.
"Oo. Kaso aalis na ako." Bumaba ako ng hagdan. Nasira na nang sobra ang araw ko. Ayaw ko na. Masyado na akong bombarded ng mga bagay na ayaw ko na uli't makita. Hindi sa hindi pa ako naka move on pero hindi ba pwedeng ayaw ko na lang makita ang past. Kung mayroon man.
Ipinasok ko ang kamay ko sa loob ng gate at hirap na hirap buksan. Halos ang pawis ko ay parang tubig sa gripo sa sobrang bilis nang pagtulo. Ang hirap nitong buksan kaya nasisigurado kong wala pa sina Mama at Papa.
Napakasarap sa tenga ang napaka tahimik na paligid. Dumiretso ako sa sofa at ibinaba ko ang bag ko at umupo. Parang lumulutang ako at humihiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko sa sobrang relaxation.
Halos manigas ako at mapatalon sa tunog na ginawa nang pusang palibot na si Hanger at ngayon ko lang siya ulit napansin.
"Uy! Hanger. Saan-saan ka nagpupunta? Masyado ka nang party goer! Sa bahay ka nalang magstay!" Sermon ko sa kaniya na akala mo naman talaga ay naririnig niya.
"MEOWT!" sagot niya o natural lang na tunog dahil pusa siya?
Hinimas-himas ko lang ang ulo niya na nakatutulong sa mas lalo ko pang ikare-relax. Ilang minuto ang nakalipas napatalon ako sa sobrang gulat. May kumakatok. May tao. Ibang tao.
Ini-ayos ko muna ang mga ilang kalat sa bahay at sumilip sa screen door. Nagkamali ako dahil hindi ko makita ang tao sa labas. Masyado siyang blur.
Binuksan ko na yung pinto at nang palapit na ako ng palapit, nakita ko ang lalaking walang bahid ng kasalanan sa mukha. Ang medyo singkit niyang mata ay nababagay sa kaniyang kilay na halos saktong-sakto ang kapal. Ang matangos niya namang ilong ay nababagay sa katamtamang nipis at pula ng kaniyang labi. At ang buhok niya na clean cut ang nagpapa perpekto ng mukha niya. Mayroon din siyang nunal sa may gilid ng ilong pero parang tuldok lamang iyon pero nagpapadagdag ng apeal niya.
Pero bakit siya nandito?
At paano niya nalaman ang bahay namin?
"Ba't nandito ka?" Medyo katangahan kong sinabi sa araw na ito. Pero nakabibigla talagang makita siya rito lalo na dahil hindi ko naman sinabing dito ako banda nakatira.
"You're order?" Masaya niyang sabi. Namumuro na ang kasiyahan niya sa labi. Parang nang nagpa-ulan ng kasiyahan ay nasalo niya lahat. Habang ako, tulog. Tamad. Batugan.
Sa totoong buhay talaga hindi mo na sasabihing bakit mo pa dinala rito? Kasi alam mo na kung bakit. Dahil masasayang.
Binuksan ko naman ang gate at halos makalas pa dahil sa bilis kong pagbukas nito.
"Tara, pasok! 'Wag kang mahiya, wala pa namang tao." Nakatayo ako sa loob habang siya naman ay nasa labas pa rin nang nagsalita ako.
Naglakad naman siya papasok at ngumiti na naman. Hinintay niya muna akong matapos sa pagsara uli't ng gate at pina-una sa daan papasok.
Tinanggal niya muna ang sapatos niya habang bitbit pa rin ang mga pagkain. Napahawak tuloy agad ako doon para hindi matapon. Successful kasi nakuha ko ng maayos pero. . .
Nakahawak ako sa kamay niya. Kakaiba. 'Di ako sanay.
Agad ko na tuloy nahatak ang pagkain at buti na lang talaga, hindi natapon. Binuksan ko ang ilaw pagpasok ko at itinuro sa kaniya ang sofa para maka-upo. Hindi naman siya umayaw pa at ginawa naman niya.
BINABASA MO ANG
Almost A Love Story
RandomIf two ordinary stories collide. Is there a possibility that it will be an extraordinary one? The author who lives with Her own mess. Her own story that she calls a life. The normal human being who lives with His own havoc. An author. Not a stranger...