Kabanata 31. Probabilidad

253 14 1
                                    

Natasha's POV

"Nako naman, Tasyang anak, bakit ka nagpaulan? Sana nag-text ka sa angkol Syano mo para napuntahan ka. Nasan pala si Oyang?" bungad sakin ni Ante Tuya,

"May ginagawa pa po sa school si Oyang." Sabi ko lang tapos naglakad na ako papunta sa bahay ko,

"Ipaglalaga kita ng dahon ng lagundi para hindi ka magkasakit ha."

"Ayos lang po ako ante, salamat po." Sabi ko at tuluyan nang pumasok sa bahay ko.

Nagbihis ako kaagad dahil basang-basa yung damit ko. Agad kong isinalampak ang sarili ko sa kama. Tsk. Wala pa rin si Oyang. What's taking him so long? Ridiculous. Stop thinking about him! Jeez.

Maya-maya pa ay narinig ko na si Ante.

"Oyang. Bakit ang tagal mong umuwi? Kanina pang nakauwi si Tasyang ah." Sabi ni ante,

Lumapit ako sa may pinto para maparinig ko.

"Hinatid ko po si Mimay, wala kasi syang payong."

Hinatid nya si Mimay? Wow! Ang sweet naman nila..

"Ah, sya tawagin mo na si Tasyang at kakain na." sabi ni ante kaya dali-dali akong bumalik sa bed ko,

Maya-maya ay narinig ko na ang pagkatok ni Oyang sa pinto ng bahay ko.

"Tasyang. Kakain na." sabi nya, hindi ako sumagot at nagtulug-tulugan lang ako.

"Ma, baka natutulog na." sabi ni Oyang, wtf? Isang beses pa lang syang tumawag ah. What? Did I expect him to...ugh. Never mind. Better go to sleep then. I hate him so much.

...

Napabangon ako nung makatanggap ako ng email mula kay Mr. Alcantara. Nakatitig na pala ako sa kawalan for like an hour.

Mr. Alcantara:

Miss Natasha, how's your mission going? We truly know that this is a difficult mission, but we don't want it to take too long, do we? Hindi ko gustong i-pressure ka pero sayo nakasalalay ang clinic na ipinatayo ni Mrs. Seville. Few steps closer to the finish line, Miss Natasha. Malaki ang ipinagbago ng relationship nyo ni Oyang Ambrocio, sa palagay ko ay nakukuha mo na ang kalooban nya. So, that's a good start. Now, it's up to you kung paano mo makukuha ang impormasyong kaylangan mo, the location of the treasure. If I were to suggest, ask him to take you to a place that is very sentimental for him and for his family. Then that will lead us to the conclusion for our hypothesis that the treasure was hidden somewhere else. All the best.

Itinabi ko na yung phone ko nang mabasa ang long message ni Mr. Alcantara. Actually, napapaisip din ako. Ano nang gagawin ko? Dad will not accept me if I fail this. He will cast me out. Ganun kahigpit si dad. He does not care about blood ties, at all. Walang pami-pamilya.

I could keep going and maybe, succeed with this mission. But I won't do that. I just can't fool people dahil para ko na ding niloloko si mom. Laging nakatatak sa isip ko ang sinabi nya sakin, before passing away.

"Promise me that you'll only do things to help people. That you'll never trade your dignity for money. There are many ways to earn money, but it's not easy to gain your dignity back. Neither does people's trust."

Kaya ang pagtapak ko sa misyon na to, ay para na ding pag-break ko sa ipinangako ko kay mom. Baka may iba pang paraan para maisalba ko ang clinic ni mom. O kung hindi ko kaya, it'd be better to just accept it, dahil ganun din naman eh, guilt will hunt me forever.

Lumapit ako sa pinto nang marinig kong may kumakatok. Tiningnan ko sa maliit na butas at nakita ko si Oyang. Waahh bumilis kaagad yung tibok ng puso ko. Jeez. Ilang ulit pa syang kumatok. Inayos ko muna yung itsura ko bago ko buksan ang pinto. At pagbukas ko ay nakatalikod na si Oyang, pero humarap sya ulit nang marinig ang pagbukas ng pinto.

Mission: Act Like a ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon