Clair
I feel cold as if I've been exposed to the AC for quite too long. I opened my eyes seeing the Electric fan blowing directly at me while the AC is also on. -they're trying to kill me that's for sure- but then I noticed it, that same sensation I had in the hospital. But I am in a different place where there are only two beds divided by the curtains.
Bumangon ako ng nakaupo at may naramdamang kunting sakit ng ulo. Inusisa ko ang paligid. Nakikita ko ang dalawang wall cabinets on each side of this room, mayroon ding shelves ng sari-saring gamot at mga jars na may some kind of liquid substance. Nakita ko din ang Nurse's table na may nakapatong na kaunting papeles, ballpen, receipt, lamplight, termometros, istetoskop, at isang family photo at malapit roon ay may nakasabit na corkboard na may nakapaiskil na squared papers.
Narinig kong biglang bumukas ang pinto, sa sobrang pagkabigla ko agad akong bumalik sa pagkakahiga at nagkunwaring natutulog. Mabuti nalang at natatabunan ako ng kurtina. May mga naririnig akong boses. Narinig ko si Shon na biglang bumangon sa kabilang higaan.
Mukhang hindi siya nandito sa infirmary dahil may karamdaman siya. Mabuti naman. Pero sino kaya yung idinala dito. Andami kasing mga boses ng mga estudyante ang nasa kabila. Narinig kong biglang bumukas uli ang pinto kasabay ng tunog ng takung. At agad na narinig ang boses ng Principal slash Guidance Counselor namin. Buti na nga lang at hindi din siya naging nurse dahil kung ganon, hinding hindi na ako mahihimatay.
"Aba,aba,aba" saad ng aming principal. Sa tunog ng boses niya, halatang hindi na siya na bigla sa inasal ng estudyanteng idinala dito.
"Mr. Black and Mr. White, anong masasabi niyo sa inyong sarili? Hm?!" Saad ni Ma'am Veil -principal/guidance counselor- Pinipigilan ko ang sarili kong mapatawa sa pag-address ni ma'am sa last names ng dalawa.
Is it just coincidential?
"Ano po ang nangyari Maam?" Mukhang dumating na rin ang nurse.
"Hindi pa ba halata?! Hindi pa ba sapat ang ebidensyang may Black eye si Mr. White at may spilled drink sa shirt ni Mr. Black?!" Maam Veil snapped. " Eh kung sesantehin na kaya kita at ako nalang din ang mag nurse, ano?!" Siguro kaya na sesante din ang former Guidance kasi baka may ginawa or may sinabi din siyang katangahan. I can say.
"Sorry po, maam" pagbibigay pasensya ng Nurse.
"Sige! Magpagamot ka muna Mr. White at ikaw naman Mr. Black ay magbihis ng Casual clothes and meet me at the office" saad ni maam veil "At kayo naman! Bumalik na sa mga Klase niyo. Sige! Kung sino mamumukhaan ko sa inyo may penalty points!" agad na nagkagulo ang mga estudyante at nagsibalikan na sa kanilang mga klase at unti-unti nang tumatahimik ang paligid and by the sound of her heels fading away in the halls of the corridor. Mukhang umalis na din siya. The Terror of dealing with the Principal slash Guidance Counselor nga naman oh.
Tumahimik ang buong paligid dito sa infirmary.
At nang sumalita ang Nurse agad akong napahinga ng malalim.Salamat naman at hindi ako maiiwan sa dalawang ito mag isa dito sa infirmary.
"Mr. White, correct?" Tanong ng Nurse
"..." no response from him. Well...
"Ako na po ang bahala sa kanya, Miss" Miss ang tawag ng mga estudyante sa isang Nurse dito pero dun sa isang Nurse na wala ngayon eh... doc.
"Ahh. Gayon ba? Sige ito ang ice bag. Aalis muna ako't may kukunin lang hah." Pagbibilin ng Nurse kay Shon
"Opo" saad ni Shon. At bumukas ang pinto the sumarado. And another silence occured.
Bakit ba palagi nalang akong naiiwang kasama ang dalawang ito?
Nabigla ako ng biglang may umusod sa curtains exposing me in fake slumber.
Ano ba naman yan? Edi mas lalo akong mahahalataang hindi natutulog eh. Ang Awkward! Sino ba kasi ang umusod niyan?!
"Salamat naman at ok lang siya" saad ni Shon
"Aray! Tsk!"
"Huwag ka kasing masyadong gamulaw." Shon demanded
"Akin na nga yang icebag" narinig kong marahas na kinuha ni Josh ang icebag sa kamay ni Shon
"Ok" wala nalamang siyang ginawa at mag-'Ok' nalang.
Then another silence. Kung pwede lang sana akong bumiglang bumangon at mag start ng conversation eh, gagawin ko just to break the ice. Kaso...
"Ano nanaman bang nangyari jan" pawalang ganang tanong ni Josh. Ewan ko ba. Bat parang hindi patanong yang sinabi niya. Ganun na ba talaga siya kawalang pake?
"Ayan nahanap kong nakahilatay sa Girl's restroom"
"Ano?! Pumasok ka sa restroom ng mga babae?!" Nabiglang tanong ni Josh
"Sabi ko nakita ko siyang nakahilatay sa sahig ng girl's restroom!" pag-cocorrect naman ni Shon sa kanya. Sa mga oras na ito siguro kung hindi ako nagkukunwaring natutulog, kanina pa siguro ako nagising sa ingay nila.
"Eh paano mo nalaman na nakahilatay siya dun?" Pagtatanong ni Josh
"Ganito kasi yan. Kalalabas ko lang Restroom ng biglang may nakasalubong akong babae na papasok ng Restroom ng bigla siyang napatigil sa nakita niya kaya pati ako napatingin din--" hindi pa siya natapos ng pinutol siya ni Josh
"Hindi ka man lang nagtaka kung ano yun?! Malay a--"
"Sandali lang kasi!" promise talaga sa kakasigaw nilang dalawa magigising na talaga ako. I moved to my side still fake sleeping a sign na dapat nilang mapansin na may natutulog!
"So... ayun nakita ko siya then syempre binuhat ko siya at dinala dito"
"Pero pumasok ka ng Girl's restroom" pang-aasar ni Josh.
"Eh malamang"
"Halaaaa bastos"
"Bastos! May muntik nang mamatay tapos Bastos ang nasa isip mo?! Di wow!" Naasar na ng tuluyan si Shon at ako naman punong-puno na.
"Pwede ba?! Tumahimik kayo! Natutulog ang tao eh!" Sigaw ko sa kanila.
"Anong tulog ka jan!" Pagsisynchronize nilang dalawa.
Hah? Ano? So... alam nila na gising ako?
"Alam niyo?" Hala pano na
Hindi ko inakalang ang magkapatid na ito pala ay may tinatagong hindi ko maintindihan. Something about them makes me feel nostalgic and that feeling is good? Right?
_________________________
I WANT YOUR SUPPORT 😄 CLICK THAT VOTE BUTTON RIGHT THERE. THANK YOU FOR READING LOVES.
BINABASA MO ANG
Black Beauty
Teen Fiction❇A GIRL WITH AN UNDESIRED COMPLEXION MAKES A DIFFERENCE❇ Cant keep up with those so-called "Beauty Standards" Nothing in this world can change who you really are. Just be yourself. You are born that way. Be proud of it.