epilogue.

8.5K 202 36
                                    

Epilogue.

Tunog ng sirena mula sa sasakyan ng mga pulis at ambulasya. Isang aksidente ang bumulagta sa akin pagdating ko sa pinangyarihan ng aksidente. Nakita ko kasi ang pamilyar na sasakyan kanina at umiba ang pakiramdam ko nang makita ko ang mismong aksidente! Hinahanap ng aking mga mata ang taong kailangan kong makita. Natigilan lang ako nang may nakita akong isang pares ng medic na may hawak-hawak na stretcher. Namataan ko kung sino ang nakahiga doon. Agad ko iyon nilapitan at hindi nga ako nagkamali.

"Sir!" Malakas na tawag ko sa may-edad na lalaki. Napatigil ang dalawang medic. Duguan siya. May iilang bubog na nakadikit sa kaniyang katawan.

Bahagyang iginalaw niya ang kaniyang ulo at tumingin sa akin sa pamamagitan ng mapupungay niyang mga mata. "R-Raziel..." Nanghihina niyang tawag sa akin.

Sinikap niyang mahawakan niya ang aking kamay. Pilit siyang ngumiti sa akin."B-bantayan mo ang a-nak ko, R-Raziel...P-pakiusap... E-Elizabethany..." And he slowly close his eyes.

Natigilan ako. Kusang umalis na ang mga medic sa harap ko. Nanatili akong nakatayo na parang wala sa sarili. Elizabethany? Elizabethany Arles?

Professor Arles is such a great man. Hindi lang siya propesor kung ituring sa Stoneford, kungdi magulang sa aming mga estudyante niya. Kaya nang nalaman ng buong eskuwelahan tungkol sa pagkamatay niya—pati ng asawa niya ay labis nagdalamhati ang naramdaman nila... Lalo na ang naiwan nilang anak.

Hindi ko gaano maaninag ang mukha niya dahil nakatalikod ito sa akin. Panay iyak niya habang inaalo siya ng isang babae. Pero nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. Tulad ng gusto ni Prof. Arles, poprotektahan ko ang anak niya anuman ang mangyari.

Sinundan ko siya hanggang sa unang pagkakataon ay nagtama ang mga mata namin. Sa isang Coffee Shop malapit sa Unibersidad. Hindi ko mapigilang mamangha sa kagandahan niyang taglay. Parang tumigil ang nasa paligid ko at ganoon din ang naramdaman ko nang mga sumunod pa.

"What do you want from her?" Seryosong tanong ko sa lalaking ito nang marahas ko siyang isinandal ko sa pader sa isang eksinita. Nagpapanggap siyang PE teacher ngayon. Tss.

Ngumisi siya nang nakakaloko sa akin. Pinagpag niya ang kaniyang sarili at hinarap niya ako ng maayos. "She's my host." Kaswal niyang sagot. "She's gonna be the mother of my child."

Nagtiim-bagang ako. "I will never let that happen." Mariin kong sambit.

"But you're late. I touched her last night."

Parang nayanig ang mundo ko sa aking narinig. What the...? Walang sabi na kinuwelyuhan ko siya. "How dare you, you demon!"

Marahas niyang tinanggal ang mga kamay ko sa kaniya. "Don't ever touch me, you fucking angel!" Sigaw niya sa akin. "If I were you, don't butt in. She's my fucking business for hell's sake." And he left.

Kinuyom ko ang aking kamao. Pumikit ako ng mariin. I feel I lost. I feel I'm failed to protect the innocent and lovely girl.

Gumawa ako ng paraan para tuluyan nang makalayo ang demonyo na iyon kay Beth. Hindi pwedeng hindi. Kailangan maputol ang nakatadhana para sa kawawang dalagita. Hindi siya pwedeng maging ina ng cambion dahil malagim ang sasapitin niya sa takdang panahon. Kaya sinabi ko sa kaniya ang tungkol sa mga incubus. At hindi nga ako nagkakamali. Gumawa na siya ng aksyon para mataboy ang demonyo na tulad n'on.

Hinayaan ko muna si Beth sa loob ng walong taon. Hindi ako pwedeng lumapit sa kaniya ng basta-basta ulit. Kailangang mabura sa isipan niya ang tungkol sa masamang nilalang na iyon.

Isang beses ay bumisita ako kung saan siya nagtatrabaho.

"Hmm, may I know where's Bethany Arles?" I asked.

Haunt By The Demon #Wattys2018 (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon