Rey Evan CadwellHindi ko maintindihan kung bakit simula nung nag usap kami last week ni Mother Ping hindi na ako tinantanan nang babaeng 'yun sa isip ko. This is not me. I mean, come on! Bakit ba ako masyadong nacucurious kung sino ba talaga ang babaeng 'yun?
Bakit nga ba? Well, maybe because she was the only one who rejected Mother Ping ever since. That's why ganito ako ka eager malaman kung sino siya at kung ano ang dahilan niya kung ba't niya ginawa 'yun. Tama. Yun nga lang 'yun.
Yun nga lang ba? Hays! Naramdaman ko nalang na may yumakap sa'kin mula sa likuran ko. Pag tingin ko si Mommy lang pala. Hinawakan ko ang kamay niya at sinandal ko ang ulo ko do'n.
"Ang lalim naman ata ng iniisip ng gwapo kong anak. Mind if you share it with me?" I chuckle. I squeezed her hand and patted it.
"Wala lang 'to, Mommy. Na-sstressed out lang talaga ako ngayon sa Basketball training namin." I lied. Hindi ko naman kasi pwedeng i-share kay Mommy ang problema ni Mother Ping. It's only between me and Mother Ping, alone.
"Hmm. You sure about that My Dear Evan?" Niluwagan niya na ang yakap niya sa'kin kaya humarap na ako sakanya. I smiled at her and nodded.
"Super sure, Mommy." She smiled at me and kissed my forehead.
"Okay anak, whatever you say. Basta ang samin lang ng Daddy mo, wag ka masyadong mag pakapagod dyan sa kaka Basketball mo and also don't forget your priorities, okay? Priorities first before anything else." I nodded
"Yes Mom. I know my limitations and also my priorities. Yun ang bagay na hinding hindi ko kakalimutan sa lahat. I promised."
"Then, that's good to know, anak. Buti at hindi ka nakakalimot sa mga dapat mong unahin. Osiya, maghahanda muna ako ng kakainin natin, ha? Sumunod kana maya maya sa baba, okay?"
"Okay Mom. Mag iingat, okay? Mamaya dyan makasunog ka nanaman ng kawali." Pinalo niya ako ng mahina sa braso ko kaya natawa nalang ako.
"Ikaw talaga. Manang mana ka talaga sa Daddy mo. Makapang asar ka, at least diba nagtatry akong mag luto." Tumayo na ako at niyakap ko siya ng mahigpit. God! I missed this kind of conversation with her.
"Of course, Mom. Kahit ilang beses kana nakakasunog ng kawali dyan sa kusina para samin ni Dad, ikaw pa 'rin ang pinaka magaling at masarap magluto sa lahat." Nakita kong napangiti siya at namula. Ganyan si Mommy pag nahihiya lalo na pag kinocompliment mo siya.
"Nambola pa nga. Sige na. I'll go ahead na anak." Then there, lumabas na siya ng kwarto ko at sinarado 'yun. I sighed. I need to do something. I need to help Mother Ping. Alam kong hindi 'yun titigil hangga't hindi niya napapa oo kung sino man ang babaeng 'yun. I have no other choice left but to use my charms.
But first, I need to know who she is. Kinuha ko ang phone ko sa side table ng kama ko at tinext si Ruzzsle. Siya lang kasi ang makakatulong sa'kin pagdating sa ganitong bagay.
*
To: Ruzzsle
Meet me at the mall, Starbucks, 2nd floor. 5 pm sharp.
*
Naligo na ako at nagbihis ng pang alis bago bumaba na para puntahan si Mommy sa kusina. Syempre, kakain muna ako bago umalis. Mahirap na at baka magtampo pa sa'kin 'to si Mommy. Hirap pa naman amuhin ni Mommy pag nagtatampo. Tsaka isa pa, susulitin ko na din ang stay nila dito dahil alam ko aalis na din sila maybe next 2 weeks o kung hindi man sila umalis, sure ako na mag gagala sila ni Daddy kung saan man dito sa pinas.
BINABASA MO ANG
I'm Crazy In Love With My Best Friend
RomanceHave you ever accidentally fell in love with your best friend? If yes then, you'll understand me, completely. But if it's a no, then it's a no. Want to know who I am and my story? Then, try to read this story-our story rather. I am Rey Evan Cadwe...