Chapter 49- Frontcourt Battle

236 6 0
                                    


FRONTCOURT BATTLE

Lamang ang Shiozuka ng 6 points sa natitirang limang minuto sa first quarter.

"Miller shoots the ball, missed, Rebound by Porter"

Bumalik sa Santo Domingo ang ball possession matapos sumablay ang jumpshot ni Rodney dahil sa depensa sa kanya ni Mickey at ni Matthew.

"Karim fake shot against Matias pass the ball Bantatua" ipinasa ni Jamir mula sa ilalim kay Matthew ang bola at inilay-up ito, hindi napansin ni Rodney na nasa ilalim nagpunta ni Matthew dahil sa screen nito. "Bantatua scores, Shiozuka's lead are now cut to 4 points"

"Bawi tayo guys, palakihin pa natin ang lamang" –Jeremy

"Matias to San Jose, pass to Gelvero to the corner" agad nilang tinutukan si Robin mula sa corner kung saan siya nakapuntos ng three point shot kanina. "Gelvero pass to Shabazz" ngayon ay ichachallenge niya si Mickey para makabasket. Nagpost move siya gaya ng ginagawa niya dati nung nagharap sila sa Nigeria.

"Ang hirap makapuntos" nahihirapan siya dahil nakataas ang kamay ni Mickey, maaring mablock ang kanyang shot.

"Abdul Karim post moves against Bankole"

"Shabazz, ingat ka sa 3 seconds violation" –Robin

Hindi niya rin maipasa kay Robin dahil umalis na ito sa pwesto niya, hindi niya maibigay kay Rodney ang bola dahil mahigpit ang depensa ni Matthew sa kanya kaya wala na siyang option kundi isalaksak ang bola.

"Abdul Karim attacks, basket counts and a foul!" natawagan ng foul si Mickey matapos ang atake sa basket ni Shabazz. Nagtaka na lang si Mickey sa call ng referee dahil hindi naman niya ito sinasadya.

After ng freethrow ay naging pito na ang lamang ng Shiozuka. Naipasok ni Shabazz ang bonus freethrow.

"Karim against Matias, Santo Domingo are down by 7 points"

"Mickey!" ipinasa ni Jamir ang bola pagkadrive niya mula sa ilalim, nasa gilid ni Mickey si Shabazz pero naikutan agad siya ni Mickey dahil alam ni Mickey na mabblock siya ni Shabazz kung maglalayup siya mula sa gilid.

"Ano?" pagtataka ni Shabazz.

"Bankole with a layup over Abdul-Karim, what a spin move"

"Naisahan ako dun ahh"

2nd year college pa lang si Mickey sa Santo Domingo, bago siya makapasok sa Santo Domingo ay naglaro muna siya sa Team B ng basketball team bago siya isabak sa Team A na kasalukuyang naglalaro ngayon.

Kilala ang Santo Domingo College sa mga may maraming bilang ng mga foreign student. Hindi lang sa sports maraming foreign student ang school na ito, maski na rin sa academic status nila dahil karamihan sa mga programs nila ay kumpletos rekados para sa ilang foreign student na hindi masyadong nakakapag aral sa kanilang bansa.

At nakita nila ang isang bata na mula sa Cameroon na si Mickey, tinulungan nila ang batang ito sa kanyang pag aaral kapalit ang kanyang husay sa pagbabasketball.

Bago maging parte ng basketball team ay ipinasok muna si Mickey sa Team B dahil loaded na rin ang players ng Team A, at halos karamihan ay 4th at 5th year players. Nang mainjure ang kanilang isang foreign student athlete, si Mickey ang ipinalit.

"Ibabalik natin ang puntos, sipag tayo sa opensa" –Jeremy

Napatingin si Jeremy kay Mickey "Magaling yung #10 na yun, ang lapad pa ng katawan niya, ang hirap pasahan ni Shabazz" ang nasa isip ni Jeremy.

Rebound: GAME OVER (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon