Chapter 46- Rodney's Alma Mater, Santo Domingo

318 9 0
                                    


Rodney's POV

I'm baaaaaack!

Welcome back Shiozuka Jaguars basketball team! And yes, nagdecide na akong hindi na ituloy ang pagtransfer ko sa ibang school upang magfocus sa basketball at sa aking pag aaral dito sa Shiozuka. Tama si Nessan, hindi solusyon ang pagtakas. Hindi ko maaring iwan ang team dahil nagsilbi na itong pamilya para sa akin.

"Akala ko lilipat ka na ng school?"

"Buti naman bumalik ka na"

"Puro kami olats nang wala ka"

Yung lang mga naririnig ko mula nang bumalik ako, namiss din pala ako ng mga ito.

Natuwa naman si captain dahil nakapasok ang Shiozuka sa Final Four, masaya rin ang lahat ng mga estudyante dahil after 3 years ay nakabalik na ulit kami sa Final Four.

"Guys! Lapit muna dito!" –Robin

Lumapit muna kami kay captain.

"Natutuwa lang ako dahil nagbalik na si Rodney, welcome back bro" -Robin

Pinalakpakan ako at winelcome ng mga players "Salamat"

"3 days before our game sa Saturday, kailangang sipagan natin ang pagpapractice dahil hindi na ito basta basta, 3 wins lang ang kailangan natin para makuha ang championship" –Robin

"Depensa natin ang magpapapanalo sa atin sa Saturday, magaling sa offense ang Santo Domingo" –Shabazz

Teka? Santo Domingo ang makakalaban namin sa Quarterfinals?

After ng konting chikahan ay muli kaming bumalik sa practice. Tinawag ko si captain.

"Kuya Robin"

"Ohh bakit Rodney?" –Rodney

"Legit ba yun?"

"Ang alin?" –Robin

"Na kalaban natin ang Santo Domingo sa Sabado?"

"Oo, para makapasok sa semifinals ay kailangan natin silang matalo, Malakas din sila at #3 team sila last year. Natalo tayo sa kanila ng 3 points nung elimination round, isa sa mga best players nila ay si Matthew Bantatua, rookie pa lang siya kagaya mo" –Robin

Matthew? Teammate ko siya nung high school. Isa siya sa mga best player nung highschool.


FLASHBACK

"Bro may problema ba?" –Matthew

"Wala wala"

Finals noon, di ako makapagfocus sa game noon dahil sa breakup namin ni Argelle.

Akala ko ng time na yun ay magagawa ko ang performance ko nung semifinals pero hindi pala, ibinuhos ko ang frustration ko sa game na iyon pero nalock-down ako ng mga kalaban namin.

"Miller drives the ball, block! But he recovers the ball, he tries to shoot the ball from the paint but it won't go"

"Red Cubs are down by 2 points, 2.5 seconds, Melecio inbound the ball, pass to Miller, Miller for three for the champion! No good! San Agustin Tiger Cubs won the NCAA Junior Division Champion!"

Dissapointed ako ng time na iyon, ako ang naging dahilan ng pagkatalo namin. Hindi ko nakuha ang championship na hinahangad ng marami.

"Bakit kasi hindi mo binigay ang bola sa akin? Alam mo namang off night ka!?" –Matthew

Rebound: GAME OVER (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon