Isang umaga, isang malakas na ulan ang bumungad pagbukas ko ng pintuan...
Carl: "Ano bayan, kung kalian nagmamadali akong pumasok, saka naman bumuhos ang malakas ng ulan, pero malalate na ako sa trabaho."
Ang araw na ito ay maituturing kong espesyal, bagama't hindi ko alam ang hinaharap at anung maaaring mangyari sa akin, kailangan kong suungin ang panahon at hamon sa buhay.
Carl: Taxi, manong sa BGC po tayo, salamat.
Driver: Cge po sir.
Makalipas ang halos dalawampung minuto.
Driver: Boss, ok lang po ba magpagas muna tayo
Carl: Cge po manong walang problema kasi ang bababaan ko naman ay yung gasoline station.
Pagbaba ay nagmamadali na akong pumasok sa building. Ako ay empleyado ng isang kilalang kumpanya sa Bonifacio Global City. Isa akong Graphic Artist.Sa araw araw ay ganito ang aking ginagawa. Isa akong home boy wala akong hilig sa gimik. May mga pagkakataon na ako ay lumalabas kasama ang aking ina at nakababatang kapatid na babae. Yun lamang ang alam kong gimik pero sa opisina kapag may lunch out or company activities lang.
Sa hapon naman pagkatapos ng trabaho, ay nakikipagbunuan ako sa mga nagsisiuwian mula sa trabaho, traffic at siksikan sa mga bus. Mahirap kumuha ng taxi at maging sa GRAB.
Carl: Sadyang ganito na lang ang takbo ng buhay ng isang single na katulad ko.
Habang nag aantay na pumasok ang aking booking sa GRAB ay muling bumuhos ang malakas ng ulan at makailang beses akong kinansel ng driver ng mga nabook ko kaya't sumubok akong mag-GRAB SHARE at ilang Segundo lang ay nakapagbook agad ako.
Pagdating ng Grab Car at may nakasakay na isang babae sa likuran ng driver.
Driver: Boss, Carl Fernandez po?
Carl: Opo Boss.
Napatingin ako sa rear mirror at nasilayan ko ang aking ka-SHARE sa GRAB.
Carl: Sa isip ko lng, sino sya... napakasimple naman nya. Ngayon lang ako nakakita ng isang katulad nya.
Bagama't 80% ng kasama ko sa opisina ay babae at ang aking Boss ay babae at masasabing lahat sila ay magaganda, pero itong nakasakay ko ay masasabi kong astig. Simpleng simple lang ang porma nya. Nakajeans, Chuck Taylor na black, plain White V-neck shirt na nakafold ang manggas tapos naka- ipod.
Huh, bakit kami huminto sa may kanto namin. Nang biglang bumaba ang aking ka-SHARE.
Carl: pasimple kong pinagmasdan ang name ng girl sa cellphone- GRAB account ni manong driver at tama ang aking pakiramdam sya nga si Shaye.
Sya ng ang kaklase ko noong high school pero bakit parang hindi nya ako nakilala at pinansin noong sinilip ko sya sa rear mirror at alam kong napatingin din sya sa mata ko.
Di bale, marami pa naming pagkakataon at magkakasabay ulit kami.
Isa, dalawa at tatlong buwan ay hindi ko pa din nakikita o nakakasabay sa Grab si Shaye. Saan kaya sya pumapasok? At saan kaya sya galing noong nakasabay ko sya.
Maya- maya pa ay nakaramdam ako ng malamig ang pawis at pagkahilo.
Carl: Boss, magpapaalam po ako na maghahalfday ako kasi medyo masama po ang aking pakiramdam.
Boss Lara: Ok sige Carl, you may go but make sure that you seek the approval from our Clinic Doctor huh.
Carl: I will Boss, Thank you.
YOU ARE READING
Carl and Shaye: Love Car
RomanceIsang kwento ng pag-ibig na nag ugnay sa pamamagitan ng isang transport application.