M.HTG 11

88 3 1
                                    

Stephanie's POV

Pag-baba nang pag-baba namin sa Van agad akung tumakbo sa kwarto ko.  Hindi ko na sila ininda. Dahil excited na excited na ako at nangangati na ang kamay ko gusto ko nang tawagan at nang marinig ko na ang boses ng lalaking pinaka pogi sa balat nang lupa.

"Anak san ka pupunta?" tanung ni mama sakin.

"Ahm call of nature Ma?" disure na sagot ko, kailangan kung magpalusot dahil di pwede malaman ni mama na ako ang humihingi nang number sa lalaki nakakahiya kaya. Parang sinasabi ko na rin na disperada ako.

"Ah ok," at tumango-tango pa siya, at kinuha si lea na naka tulog sa byahe pa uwi.

Agad akung tumakbo sa kwarto ko. Pag pasok ko agad kung ni-lock ang pinto para sure, dahil dumating na dito ang babaing di marunong kumatok.

Agad kung kinuha ang phone ko at hinanap ang number ni jehyun.

Kring kring kring

"Hello who's this?"Nabigla ako sa tanong nang lalaki sa kabilang linya na may  napaka lamig na boses. Gravi nag yeyelo na yata ang utak ko dahil sa napaka lamig na boses niya. kahit na nakaka-usap ko lang siya kinikilig na ako. Omeged.

bago ako nag salita, I clear my throat before sumagot" ahm s-si Stephanie t-to" agad kung sinampal nang mahina ang sarili ko para tumino.

"Saan mo nakuha ang number ko?" tanong niya, bakit parang wala siyang gana na makipag-usap sakin, pati ba naman dito. pero kahit ganon abot hanggang langit parin ang kilig ko.

"Ahm,..." nag dadalawang isip ako kung ano ang sasabihin ko, sasabihin ko ba ang totoo  na galing kay kuya, oh magpapalusot na lang ako, pero kung magpapalusot naman ako  pag nalaman niya ang totoo baka di na siya magka gusto sakin kasi sinungaling ako.at pag sinabi ko naman ang totoo magagalit naman siya kay kuya, emre ikaw na bahala sakin  "Kay kuya Jake" hinaan ko ang boses ko. alam kung magagalit nanaman siya, di lang sakin kung di pati na rin kay kuya. Nafe-feel ko na ang black aura niya.

"At sino ang gagong tao ang nag bigay nang permiso sa kanya na ibigay sayo ang number ko ha!?" nafe-feel ko na ang mga nakakapatay niyang boses, lagot mukhang galit na siya.

"Gravi ka naman gago agad," pinilit kung ngumiti kahit di niya ako nakikita.

"Tsk, Bakit ka napatawag, bilisan muna at sinisira mo lang ang araaw ko." ouch deritso sa puso besh.

Bakit ba kasi Steph bakit mo kasi pinipilit ang puso mo sa taong ayaw sayo.

Di ko alam pero bigla na lang uminit ang mata ko at may lumabas na tubig ."Ah! sorry kung nasira ko ang araw mo," sinigurado ko na hindi pipiyok ang boses ko.

Agad kung enend call, Gravi yun talaga ang pinaka hinahangaan ko sa kanya eh kasi (DTTP) Direct to the point siya. Akala ko pa naman na yun na ang simula nang pag iibigan namin. di pala

Tk tk tk

"Sis are you there!?" Sigaw na tanung  ni amber " bakit naka lock ang pinto!" dag dag pa niya. pinahid ko lang ang luha ko at agad na binuksan ang pinto.

"Gala ta---- teka umiiyak kaba?" biglang nag alala ang boses niya

"Ahm......wala ahm...na ...untog kasi ang ulo Oo yun na untog yung ulo  ko sa pader kanina ang sakit nga eh ahh" sabay hawak sa ulo ko at kunyaring napangewi.

"Sis!!" Sigaw niya " Bakit di ka nag iingat, alagaan mo kaya yang sarili mo lalong-lalo na sa mukha mo sige ka pag nasira yan di na talaga mag kaka-gusto sayo si jehyun" pakshit kahit naman hindi sira ang mukha ko di parin niya ako gusto.

Mr. Hard to getTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon