Monday ngayon at ito lang ang tanging pagkakataon na makakausap ko si Lewis pero walang pasok ngayon dahil holiday. Hindi ko din naman sya ma-contact.
"Tita?" tawag ko pagpasok ko ng café nina Tita Lena.
Lumingon ako sa paligid pero mukhang walang tao dito. Nagulat na lang ako nang may biglang yumakap sa'kin mula sa likuran. Amoy na amoy ko ang pabangong gamit nya.
"You're here" I heard him chuckle "I'm glad" nanatili kaming ganun ang posisyon ng ilang minuto bago sya kusang lumayo.
Pinakatitigan nya ako na para bang sinasaulo nya ang bawat detalye ng mukha ko. Mukhang puyat sya at napansin ko na 'yun pa din ang suot nyang damit mula kahapon marahil ay kadadating nya lang galing sa ospital.
We just stared at each other for a couple of minutes.
"We talked" he finally uttered "She wants me to leave her"
Nanatili akong tahimik at nakikinig sa kanya. He held my face.
"Just… Just give me time until I finally settled this" hinuli nya ang tingin ko "You'll wait for me right?"
I nod. Kailangan ko pa din namang ayusin ang sa aming dalawa ni Lewis. Kailangan ko din syang kausapin pero kailangan ko ding ihanda ang sarili ko. Ang hindi ko lang alam ay kung magiging handa ba ako sa pangyayaring 'yun. Kung ganun lang sana kadali ang lahat.
"Warren?" narinig naming tawag ni Tita Lena kaya naman agad akong lumayo mula kay Warren.
Ngumiti si Tita nang makita ako kaya naman ngumiti din ako pabalik sa kanya.
"What brings you here Rin?" nakangiting tanong sa'kin ni Tita nang makalapit sya sa kinatatayuan naming dalawa ni Warren.
"Pinapadala po ni Mama" tukoy ko sa mga cupcakes na nakapatong sa may counter "M-Mauna na po ako Tita" paalam ko.
"Pumasok ka muna sa loob magluluto ako" pigil sa'kin ni Tita.
"N-Naku Tita busog pa po ako" pagtanggi ko.
Susko! Please lang Tita 'wag ngayon. Magulo pa po ang utak ko sa mga oras na 'to.
"Madalang ka na kasing pumunta dito para mag-deliver ng cupcakes kaya pagbigyan mo na 'ko Rin" pakiusap pa nya "Besides miss ka na din nitong si Warren" ramdam ko ang pagtitig sa'kin ni Warren. Parang kapag nagkamali ako ng sasabihin eh susugudin nya ako bigla.
Bakit hindi ka man lang kumontra ha Warren?! 'Di ba dapat kumokontra ka tapos biglang walk out?! Ganun dapat! Pakshet ka din talaga eh 'noh? Kung sana dati mo pa ginawa 'yang mga pagtitig na 'yan edi sana kilig to the bones ang Dyosang ito? Baka natuloy pa ang wedding of the century nating dalawa!
"Next time na lang po Tita may kailangan pa po kasi akong gawin" pagrarason ko "Alam nyo naman busy ang mga Dyosa" pinilit kong pasiglahin ang boses ko kahit na sobrang bigat ng nararamdaman ko.
"Sige pero next time hindi ka na pwedeng tumanggi" nakangiting tumango ako sa kanya bago magpaalam.
'Ni hindi ko man lang tinapunan ng tingin si Warren nung tumalikod ako. Nag-umpisa na akong humakbang palayo sa kanya. Palayo kay mylabs.
-----
A/N: Matuloy pa kaya ang wedding of the century? Hahaha what do you think?
YOU ARE READING
My Jeepney Love Story
Teen FictionAng buhay parang jeepney may dumadating, may umaalis din. Pero sa bawat pasada nito sa buhay ng tao may natututunan ka sa bawat pasahero ng buhay mo.