Parang lantang gulay ako habang naglalakad papasok ng campus. Kulang na kulang ako sa tulog kaya mukha na tuloy akong pandang puyat. Ang dyosa kasi minsan napupuyat din.
Napasigaw ako sa sakit nang may biglang humatak sa buhok ko mula sa likuran.
"Ikaw!" sigaw nya "Kung hindi dahil sa'yo wala sana si Eunice sa hospital ngayon!" masyadong mahigpit ang pagkakahawak ni bisugo sa buhok ko kaya nahirapan akong makawala. Nakalmot ko sya kaya naman napabitaw sya sa pagkakahawak nya sa buhok ko.
"Bakit? Ako ba ang nagbigay ng sakit sa kanya ha?" inis na sambit ko.
"Pero ikaw ang dahilan kung bakit sya isinugod dun ngayon!" giit nya.
"Wala akong ginagawang masama sa kanya kaya bakit naman ako ang may kasalanan kung bakit sya nandun ngayon?" depensa ko.
"Because you know nothing or should I say you didn't care about other people" sambit nya "You're self-centered Corine! You're selfish!" kingina! Kahit english 'yan naiintindihan ko pa din 'yan.
Sige Corine paamuhin mo 'yang bisugong 'yan! Labanan mo!
"Ikaw ang walang alam! 'Ni hindi mo alam kung anong nararamdaman ko! At wala kang ideya sa tumatakbo sa isipan ko sa mga oras na 'to" pinagtaasan ko sya ng kilay "Sa tingin mo ano kaya ang tumatakbo sa isip ko ngayon?" hindi sya sumagot at pinagtaasan lang ako ng kilay.
"Hindi mo alam 'di ba?" nginisian ko sya "Iniisip ko lang naman kung bakit nandito ka hindi ba dapat eh nasa dagat ka?"
Kill.
"'Di ba bisugo ka?"
Double Kill.
"Mag-ingat ka girl baka mapagkamalan kang isda tapos iluto ka dun sa canteen"
Triple Kill.
"Oopss? Mapagkamalan? Teka? Tao ka ba? The last time I check isda ka. Bisugo ka nga 'di ba?"
First Blood!
"We're not done yet Corine!" banta nya.
"Oh sure. Don't worry I'll wait for you" nakangising sabi ko bago sya talikuran.
Pangit na bisugo. Hmmpf!
Hindi ko din maintindihan ang mga taong ganyan. Ano bang ikinagagalit nya? Ako ba ang nagbigay ng sakit dun kay Eunice? Ihawin ko sya dyan eh!
Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko sya kaya naman agad ko syang tinawag.
"Lewis!" nilingon naman nya ako pero nagpatuloy pa din sya sa paglalakad kaya naman ang Dyosa'ng ito ay kaagad na hinabol sya.
Bakit kasi ang haba ng binti nya? Lee Chi Hoon is that you? Litsi ka Lewis!!!!
Binilisan ko pa ang pagtakbo hanggang sa matalisod ako sa bato at madapa. Take note una mukha. Parang dumagundong ang mundo ko. Sinubukan kong tumayo pero umiikot 'yung paningin ko. May naramdaman din akong mainit na likidong umagos sa mukha ko. Kinapa ko ito at nakita ang dugo. Teka! D-Dugo?!!!
"L-Lewis..." pabulong na sambit ko pero 'di ko na sya maaninag pa. Tuluyan nang nilamon ng dilim ang paligid ko.
Lewis... I'm sorry.
-----
A/N: Huling pasada na kasi uuwi na daw 'yung driver! Hahaha. Juk!P.S: baguhan lang po ako kaya ganito hahaha but I'll try to improve 'yung mga susunod pa. Thank you for reading!
YOU ARE READING
My Jeepney Love Story
Novela JuvenilAng buhay parang jeepney may dumadating, may umaalis din. Pero sa bawat pasada nito sa buhay ng tao may natututunan ka sa bawat pasahero ng buhay mo.