Sabine's POV
"Haaaaa~ HAAAAAA~ HAAAACHOOOOO~!!!"
Sa sobrang tagal na hindi na-update ang buhay ko eh nagkasakit na ako.
I'm going to die na ata. Ito na ba yung part ng isang koreanovela na matutuklasan nung bida na may malubha siyang sakit? Ito na rin ba ang moment na maayos na ang lahat ng problema? Aaminin na ba ni Cyrus sa sarili niya na mahal niya ako kaya lang too late na dahil deadz na me?
My Gahd!!!!
Dahil tutal naman nagdedeliryo na ako eh magkukwento na lang muna ako ng mga naganap nung mga nakaraang buwan. Samahan niyo akong balikan ang nakaraan.
Kinakausap ko na ang sarili ko at ang mga imaginary persons.
Anyway, after nung meeting ko with Red's Mom and ex-girlfriend ay medyo naging maayos na ang buhay ko. Medyo lang naman dahil may mga bagay pa rin na hindi maiiwasang mangyari.
Flashback
#1
"Kuya~ Ate~ I'm gonna miss you sooooooo much!"
Nandito kami ngayon sa NAIA dahil malamang aalis na sina Kuya at Ate pabalik ng US. Buti pa sila stateside ang education. Haha. Kawawa naman kasi sina Mama kung aalis pa ako di ba? Saka asa pang papayagan nila ang baby nila na mawalay sa kanilang piling. LOL
"Oo na pangit! Magpapabili ka lang naman ng kung anu-ano. Anyway, kapag kayong dalawa nitong damuhong si Cyrus eh hindi pa rin nagkatuluyan eh ipapakulam ko na kayong dalawa. Gosh. Ano na ba ang problema ng mga kabataan ngayon? Sobrang slow parang naka dial-up connection pa rin. Maulan ba 'teh?"
Yan na naman. -_____- Jusko. Kung ako lang talaga eh matagal ko nang ginahasa yang si Cyrus para tapos na. Anghelito: Ang Batang Ama Version 2 o kaya naman yung Katorse pero imbes na yun ang title ay Kinse. =))
"So inaamin mong matanda ka na?"
"Mas matanda sayo."
"Gurang!"
"Sab..." saway ni Cyrus
"Wendy..." saway ni Kuya Wesley
"Sabay talaga dapat kayo?" at sabay din kami ni Ate Wendy -_____-
"Hmp!" at sabay na naman kaming dalawa.
Kanina pa umalis sina Mama dahil may mga pasok sila. Kaming dalawa lang ni Cyrus yung nag-stay dahil wala lang paki ba nila? Okay lang naman umabsent sa school basta maganda yung dahilan. Weh? Actually, ayoko lang pumasok dahil nandun si Red. Ewan ko ba. Naguguluhan kasi ako eh. Hindi ko alam kung may chance na ma-fall ako kay Red at kung meron man hindi ko alam kung one of these days na ba yun. Ayoko namang i-take advantage yung nararamdaman niya sa akin for various reasons like libreng pagkain at pamasahe. LOL
BINABASA MO ANG
You Belong With Me
Teen FictionNakasulat na sa palad natin na tayo ay nakatakda para sa isa't-isa. Teka. Sa palad ko lang ata?