Kabanata 32. Shoot

251 15 3
                                    

Natasha's POV

"HAHAHAHA"

Tatawa tawa ang dalawa sa kinuwento ko nung nangyari kagabi habang maglalakad kami papunta sa sakayan ng jeep. Ngayon na kasi ang Sabado at gala naming tatlo.

"Walanjo. Natatawa ako na kinikilig. Gulat ka? BWAHAHA Yieee at least alam mo ma yung sagot!"

Muntik ko nang mabatukan si Mutya. Walanya 'to. Tuwang tuwa pa.

"Pero nakakakilig talaga yung sagot ni Oyang e!" parang nangingisay ngisay na sabi ni Mutya.

Pinagtitinginan tuloy kami ng mga taong nakapila din at nag-aantay na susunod na jeep.

"Okay, let's pretend na hindi natin kilala yan" bulong ko kay Sarang habang hawak ang braso at marahang tinutulak para humarap sa unahan ng pila. Kaya nakatalikod na kami ngayon kay Mutya.

Tumawa lang si Sarang "sige sige"

"Hoy! Bastos lang? Kunwari pa kinikilig din naman. Oh be, 101% daw ang probability na magkagusto sayo ang Oyang mo yiee-- asdfgh" tinampal ni Mutya yung kamay kong pinantakip sa bibig nya. Jeez, bakit ba ang laki ng bunganga ni Mutya?

"Malapit ka na sakin, munting Tasyang ah" may halong pagbabantang sabi nya. "Pasalamat ka nga alam mo na ngayon ang sagot. Hmp"

Pfft.

Pero she's right. Now, I know kung may babagsakan ba ako Besides, there's no point on whining. Nangyari na and it cannot be undone.

"Okay. Okay. Salamat..." mahina kong sabi.

"Ano yun?"

Inirapan ko si Mutya "sabi ko salamat"

"hahaha. You are welcome. Haha"

...

Habang nasa jeep kami ay kung ano ano ang napag-usapan. Lumipas ang isang oras ng di namin namamalayan at nakarating na kami sa siudad.

"Nandito na tayo. Hanggang dito na lang ang pupuntahan ng jeep na to!" narinig naming sabi nung dispatyer.

Isa isa nang nagsibabaan kaming mga pasahero. Pagkababa ko ay tumabi ako sa gilid at tumigil sa tabi ni Sarang at Mutya. Tumingin ako sa paligid.

"So ito pala ang siudad?" sabi ko

"Hindi ah. Ito si Siudad ph." sabi ni Mutya sabay turo sa tindahan na may naka sulat na ESPASOL FOR YOU

"HAHAHA" talagang natawa kami sa sinabi ni Mutya.

Mimay Siudad
Mimay=espasol.
Espasol Siudad.

Gets? Haha buti na-gets namin ni Sarang.

"By the way Sarang, nahanap nyo na ba yung pera?" tanong ko habang naglalakad kami papunta sa bilihan ng mga pili na iniutos sakanya ng mama nya.

"Ay oo nga pala. Ano nang nangyari?" tanong din ni Mutya.

"Hindi pa rin nga nahahanap eh. Ang sabi ni Mimay nilagay nya lang daw sa drawer ng desk nya sa SSG office. Wala maman dun."

"Eh ano yung pinag-meetingan nyo kahapon?" muling tanong ni Mutya.

"Pinagusapan kung pano mahahanap yung pera at kung mahahanap pa ba. Naawa nga ako kay Mimay kasi napagkaisahan sya. Sya ang sinisisi kaya ayun iyak ng iyak"

Pumasok kami sa isang shop. PILI NG CAMARINES SUR

"Alangan naman na isisi yun kay Sir Henry. Sya ang teacher na humahawak ng SSG pero hindi sya ang humahawak ng pera." inis na sambit ni Mutya. She really gets pissed easily when it comes to Mimay.

Mission: Act Like a ProbinsyanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon