Chapter 14
STAR's POV
"STAR!"
Patay!
Lingon sa likod. Nakatayo siya, nakatago sa pocket ng pants nya ang dalawa nyang kamay. At ang mata niya... waaaa. scary. >.<
Lumapit ako sa kanya tsaka kumapit sa braso nya.
"Sky! Sorry talaga late ko na nabasa yung text mo. Sorry. Hihihi"
Wag kang magalit please. Pag di kami bati..Di na nya ako pagtatakpan kay mommy. Lagot talaga ako. Huhuhu
"Get inside the car."
"S-Sky... Sorry na tal-"
"I said GET INSIDE THE CAR NOW!", with authority ang pagkakasabi niya.
Pagkasabi nyang NOW tumakbo na ako sa car nya at dali-daling pumasok.
Nakakatakot talaga sya. Huhu
KOBBIE's POV:
"Sky! Sorry talaga late ko na nabasa yung text mo. Sorry. Hihihi"
Pagpapaliwanag agad ni Star dito kay Sky.
"Get inside the car." utos niya
"S-Sky... Sorry na tal-"
"I said GET INSIDE THE CAR NOW!"
Sigaw niya kay Star. Si Star naman kumaripas na ng takbo.
"Hinatid ko lang si Star dito sa Parking lot."
Teka bakit ako nagpapaliwanag sa lalaking to? Psh.
"Ok." tipid niyang sagot.
"Bro, may problema ba?"
"Ikaw! Pag nalaman kong niloloko mo lang si Star. Sisiguraduhin kong manghihiram ka ng mukha sa aso!"
ABA! Angas pala nto eh!
"Teka nga! Bakit ba kung maka asta ka para kang Tatay ni Star."
"Mabait na babae si Star. Desente! Malayong-malayo sa mga babae mo."
Alam ko naman yun ah! Bakit ba nya to sinasabi.
"I know. Kaya nga-", pinutol nya agad ang sasabihin ko. Loko to, di man lang ako pinatapos.