Uy.
Okay lang ba?
Okay lang bang hawakan ang kamay mo kapag tumatawid tayo?
Kahit sabay tayong mababangga.
Mamamatay din akong kuntento na.
Huy.
Okay lang ba?
Punasan 'yung amos mo habang nakaen ka.
'Di dahil sa madumi ka pero dahil gusto ko hawakan ka.
Uy...
Okay lang ba kasi?
Na titigan ka na hindi panakaw.
'Yung ngingiti ka na nakatingin sakin.
Ay...
Okay ka lang ba?
Alam ko namang oo ang sagot.
Pero mas okay ka bang kasama ako?
Kung okay lang sanang tanungin.
Kung okay lang sanang sabihin.
Mga tanong na okay tanungin.
Pero mas okay na hindi malaman ang sagot.
Kinaen na din siguro ng takot.
Dahil kahit sabihn mo na "okay lang" sa mga tanong na 'yun.
...anong isasagot mo sa tanong na,
"Okay lang bang mahalin mo din ako pabalik?"