Isang pangyayaring makapagbabago sa buhay ng dalawang tao.NANG maglibot-libot si Noua sa ospital habang iniintay ang kanyang ina ay napadpad siya sa tapat ng isang pinto. Room 403 - Laimerain Idagawa.
Wow. Ang ganda ng pangalan.
At dahil sa kyuryosidad ay binuksan niya ang pinto. Sabi ng ilang mga nurse at pasyente ay isang magandang babae raw ang naka- confine rito. Comatose raw ang babae dahil sa kinasangkutan na isang aksidente.
Nang masiguradong walang tao ay unti-unti siyang humakbang papasok habang naglilibot ng tingin sa paligid. Simple lang ang kwarto katulad ng kaniya. May isang mahabang sofa, aparador, banyo at makikita ang pinto papuntang veranda. Muli niyang nilibot ang tingin, hanggang sa matagpuan ang sariling nakatitig sa dalagitang mukhang mahimbing lamang na natutulog sa kama. Kung hindi lang dahil sa mga nakakabit na aparato ay magmumukha na siyang si Sleeping Beauty o kaya'y si Snow White.
Nilapitan niya ito upang mas masilayan ng mabuti ang nakakabighani nitong ganda. Maputi at makinis na balat, mapupulang pisngi, kalmadong mga kilay, mahahabang pilik-mata, maliit at matangos na ilong na bumagay lamang sa mala-anghel nitong hitsura at ang mapupula nitong labi. Ano kayang hitsura ng kanyang mata kung siya'y gising?
Kung iisipi'y kasing edad lamang ni Noua ang babaeng nagngangalang Laimerain, mukha lamang itong 16- anyos.
Bakit kaya siya naaksidente?
Itinaas ni Noua ang kanyang kaliwang kamay at sinubukang hawakan ang mukha ng babae. Mula sa pisngi nito, papunta sa ilong at sa wakas ay sa mapulang labi nito. Hindi maiwasan ng binata ang mapatitig rito. Ano kayang pakiramdam kung lumapat 'to sa labi ko?
Napailing na lamang siya sa kapilyuhang naisip, ngunit sa kabila niyo'y nanatili siyang nakatitig rito. Hanggang sa hindi niya namalayan ay unti-unti nang bumababa ang kanyang mukha upang maging ka-lebel ang mukha ng dalaga.
Teka. Hindi naman siguro siya magagalit diba? Wala namang makakaalam eh. At saka comatose naman siya kaya imposibleng magising siya.
At lumapat na nga ang labi niya sa labi ng dalaga. F*ck! Ang lambot ng labi niya.
Biglang bumilis ang tibok ng puso niya, ngunit nanghihinayang man, inilayo ng binata ang kanyang mukha at napabuntong hininga na lamang.
"Ano ba 'tong ginagawa ko, magnanakaw na nga lang ng halik sa babaeng kasing himbing pa ni sleeping beauty kung matulog.." nasambit niya na lang sa sarili.
Pag-harap niya sa babae ay nagulat siya sa kanyang nakita-
Unti-unting dumilat ang mga mata ng babae, at napatingin sa kanya.
Ang ganda ng mga mata niya. Kulay asul.
Hindi alam ni Noua kung ano ang dapat niyang maramdaman. Ngunit gulat at pagkamangha ang nangibabaw.
Matapos ang ilang minuto ay binasag ng dalaga ang katahimikan. Pero mas lalong nagulat si Noua sa tinuran ng babae.
"N-noua?" sambit nito habang mistulang naluluha.
Napaawang naman ang bibig ng binata.
Ha? Paano niya nalaman kung sino ako?
----
This is a work of fiction. If you saw same name, place or event in real life. Please do understand that it is pure coincidence. Thank you.
A/n: Up next!!!! Chapter 1! Chos di ko pa alam kung kailan ko maipopost yung chapter 1 :<< actually naisingit ko lang 'to sa sched ko. Nuxx HAHAHA. But please stay tuned and do support me yey! Votes and comments are highly appreciated <333
Ps. Pasensya kung lame :< pang-ilang attempt ko pa lang 'to magpost ng story and gusto ko na sana maging successful ito. And ang daming pagbabago na nangyari sa plot medyo nalilito pa ako. Iyon lang lovelots~
BINABASA MO ANG
Noble Series 1: True Lust's Kiss
RomanceNoble Series 1: Story of Noua Leibnichè's not so exciting life. -- Warning: Not a typical love story Date Started: 061018 Time Started: 4:27 pm Written in English and Tagalog language