The Suicide Letter

523 7 5
                                    

Martha's POV
"Martha, nakakainis naman kasi. Bakit kasi siya nakipagcool-off sa akin?"

Hindi ako makapag-isip nang maayos.

Hindi ko alam kung ano sasabihin ko sakanya.

"Yannie, hindi ko alam, okay?" sagot ko sa kanya. Sobrang naguhuluhan na ako. "May problema ako" dagdag ko.

"Ganito kasi 'yan, mga ilang araw na nakalipas tapos bigla nalang siyang naging cold. Nakakagago lang." tuloy pa rin siya sa kwento.

Pinakinggan ko nalang ang sinasabi niya. Pinilit na isaksak sa utak ko ang kwento niya.

Nakipagcool-off daw sa kanya ang boyfriend niya. Ano bang malay ko doon? Nakakasama ba ako sa dates nila para ako ang tanungin niya.

"Ano ba kasing sinabi mo sa ka--"

"Martha, pinapatawag ka ni Ma'am Almira. Sa Faculty"

Shit.

**

"Oh? Anong sabi ni Ma'am Almira?" salubong sa akin ni Yannie.

Delikado ako sa major subjects lalo na sa Matematika.

Sasabihin ko ba? Huwag nalang.

Pilit akong ngumiti.

"W-wala naman. May i-inutos lang siya sa a-akin hahaha" nauutal na sagot ko at dumiretso sa upuan ko.

Hindi ako mapakali. Siguradong malalagot ako kila Mama at Papa.

Malapit na rin ang Midterms. Hindi ko na alam gagawin ko.

Unti-unting tumulo ang luha ko dahil sa sobrang lungkot at problema.

"Hoy Martha! Kanina pa kita kinakausap"

Agad kong pinunasan ang mga mata ko dahil sa pagtawag sa akin ni Yannie at humarap ako sakanya.

"Ano nga 'yon?" tanong ko. Pero napailing nalang siya.

Hindi ko nalang muna siya pinansin.

Kailan kaya matatapos ang mga problema ko?

**

Pauwi na ako. Nagpaalam na ako kay Yannie. Kailangan kong umuwi nang maaga para 'di ako mapagsabihan na naman.

Nasa tabi ako ng kalsada, naglalakad.

Gusto ko nang mamatay.

Mamamatay ba ako kapag nagpasagasa ako? Bagalan ko kaya lakad ko? Lord, kung ayaw niyo pa akong kunin, pwede po bang ipakalimot niyo sa akin lahat? Amnesia, gano'n.

Nilabas ko ang cellphone ko at nagtext kay Israel, first love ko.

Gusto ko magkwento sa kanya. Baka sakaling matulungan niya ako.

To: 아가
Rael, namomroblema ako.

Sinend ko na. Alam kong late reply niya kasi busy siya sa College life niya.

And yes, mas matanda siya sa akin.

After minutes...

From: 아가
Bakit, Mars?

Sasabihin ko pa ba?

Makipagkita nalang kaya ako? Pero shit, kailangan makauwi na ako.

Dumiretso na ako sa bahay. Ayokong suwayin sila Mama ngayon. Marami na akong kasalanan sa kanila.

"Oh buti maaga ka ngayon?" untag ng kuya ko sa akin.

"'Di naman tayo pareho. Ikaw, gala. Ako, hindi" pairap na sagot ko sa kanya.

The Suicide NoteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon