CHAPTER TWENTY-FOUR

1.8K 39 7
                                    

Chapter 24

Pagod akong umupo sa beanbag na nasa living room. Kakagaling ko lang magjogging sa labas. I removed my shoes at pumunta sa kusina para kumain ng kahit ano. Papunta palang ako sa kusina ay nakarinig ako ng kumakalansing na plato. I smirked, it looks like the dinosaur is awake. Walang tunog akong lumapit sa bukana ng kusina. Nang makarating ako at sumilip ako at nakita ko siya, kinakain ang mga strawberries ko!

"Mommy dinosaur is coming to get Chasty! Rawr" sigaw ko at nakita ko kung paano siya napatalon sa gulat. He giggled at ginaya ako kung paano lumakad na parang dinosaur. Niyakap ko siya ng mahigpit nang maglapit kaming dalawa. Suot niya parin ang silk pajamas niya at magulo ang push back cutted hair niya.

"Mommy? I saw lolo and lola kanina sa living lum, akaya ko nandoon ka po. Saan po kiyo galing?" natawa ako ng mahina kung paano siya magkwento sa harap ko. Hindi pa siya maayos magsalita pero maiintindihan mo naman ang mga sinasabi niya. Tinignan ko ang mga mata niya, his eyes reminded me what happened four years ago.

Tinignan ko ulit ang mga mata niyang kamukhang kamukha ng sakanya, ang ilong, his lips pati korte ng mukha ni Chasty, nakuha niya lahat sakanya. Akala ko noon ay makakalimutan ko siya kaagad pero nang ipanganak ko na ang anak ko, parang mahihirapan talaga ako dahil nga kamukhang-kamukha siya ni Carlos.

Binuhat ko si Chasty at dinala sa kwarto niya para maligo.

"Mommy, punta tayo mall chuday? You promised me" sabi niya at nagpout. Nakatayo siya sa bath tub na punong puno ng bubbles, tumango ako sakanya at natatawa ng kaunti. Hindi ko talaga matanggihan ang baby ko.

Lumipad ang isipan ko sa isang taong ayaw ko ng maalala. Apat taon na ang nakaraan nang umalis ako ng Pilipinas. Buti nalang at binigyan ako ng go signal ng kilalang ob ni tita Geneva na lumipad papunta dito sa San Francisco. Pinilig ko ang ulo ko. Bakit ko pa siya inaalala? Baka nga hindi ko alam na masaya na siya sa iba diba? Pero wala akong ganang nagalit sakanya, ako ang nang iwan in the first place. Pero, ayokong ipakita sakanya si Chasty. Baka dala ng galit niya sa akin ay bigla niyang angkinin sa akin ang anak ko.
Binihisan ko ng tee shirt with dinosaurs print, isang maong shorts and his white sneakers. My baby looks so perfect. Kahit ano ang isuot niya ay bagay na bagay niya. And! Matangkad si Chasty sa isang normal na three year old na batang kagaya niya, maybe from his genes? Gumawa ka talaga ng paraan para maalala mo siya Janelle.

Nakita ko si papa na nakaupo sa living room habang umiinom ng kape. Buhat buhat ko si Chasty habang pababa kami ng hagdan.

"Hi pa" bati ko sakanya pag lapit ko at hinalikan siya sa pisngi. Hinalikan din siya ng Chasty.

Buti nalang at nandyan si papa, noong kailangan ko munang lumayo ay sinamahan niya ako and he supported me sa kung anong gusto ko. I'm always thankful that he's my father, though, hindi naman sa ayaw ko kay mama pero mas lamang kasi si papa para sa akin. I love them both pero, my mom doesn't love me at all.

"We're going to mall pa" ngumiti si papa at pagkatapos ay tumango. Chasty kissed papa for the last time bago kami lumabas papunta sa garage para kunin ang sasakyan ko. Binuksan ko ang passenger seat na kung saan nakalagay ang sariling upuan ni Chasty dito sa kotse ko. I fasten his seatbelts at pagkatapos ay pumasok na ako sa loob ng kotse para maka-alis nakami. Next week na ang fourth birthday niya and his school will start next week too.
"Chasty, malapit na ang school mo. I'll act as your teacher tapos sasagot ka, okay?" tanong ko sakanya sabay sulyap sandali. Nakita kong tumango siya ng paulit-ulit at napangiti ako.

"What your name?"

"My name is... Chasteon Ezrael Collins po" sabi niya with his cute voice. Napangiti ulit ako. My child has the effect on me na kahit anong gawin niya ay napapangiti ako, hindi din siya makulit. Napapaisip ako bigla at nagpapasalamat sa pinaka magandang pagkakamaling nagawa ko in my entire life. I'm not saying that Chasty is a 'pagkakamali' pero he's a blessing. No words can explain how happy I am to have him.

Nakarating kami ng mall. Hawak ko ang maliit niyang kamay habang siya ay naglalakad lang at nagtititingin sa dinadaanan namin. Saktong napadaan kami kung saan ang sinehan at nandoon ang movie na gusto niyang panoorin, jurassic world. He's fond of dinosaurs na hindi ko alam kung paano niya nagustuhan ang nakakakilabot na creatures na 'yon.

Bumili kami ng tickets namin at nanood sa loob ng dalawang oras.

Pagkalabas namin ng sinehan ay nagyaya kaagad siyang kumain.

" 'Mmy, I saw a video po kagabi sa youtube. Yung piano, I want that one po, please?" he showed his cute puppy eyes. Naalala ko nanaman siya, pero, argh! Please Janelle, huwag kang mag-isip ng kung ano-ano.

Tumingin ako sa baby ko at tinanguan siya.

"But before that, we need to eat our lunch first okay?" tumango naman siya at nakota ko kung paano sumigla ang inaantok niyang mga mata. Pumasok kami sa isang favorite resto niya at umorder ng lunch namin.

"Hey baby boy!" napatalon sa gulat si Chasty. Sabay kaming lumingon kung sino ang tumawag sakanya at nakita kong si Matthew 'yon.

"Tito Matt!" sigaw ni Chasty sabay yakap kay Matthew. Sila naman, parang ilang taon hindi nagkita pero kahapon lang nagkita sila.

"Hello, the beautiful mom of Chasteon" bola sa akin ni Matthew. Pabiro ko siyang tinampal sa braso at sabay kaming natawa lahat. Umupo siya sa tabi ni Chasty, dala ang order niya at nagsimula na kaming kumain.

"Where's your finacee?" tanong ko sakanya. I forgot to say na his already engaged at in next two months ay ang wedding niya. He's already happy with his life and ako din, I'm contented with Chasteon. He's already my happiness.

"Umuwi muna siya sa Pilipinas. Nagbago ang desisyon niya e, she declared na sa Pilipinas ang kasal namin and I agreed with her" sabi niya. Kumunot ang noo ko, so.. uuwi kami ng Pilipinas sa wedding niya? Pwedi naman kaming hindi pumunta but, ayokong biguin si Matt.

After we ate our lunch ay kasama pa naming naglibot si Matthew. Tinupad ko ang pangako ko kay Chasty. Pumunta kami sa isang place kung saan mayroong keyboards and other musical instruments.

Lumapit kami sa isang grand piano na nasa gitna. Malaki ang ngiti niya habang umupo sa harapan ng piano. Napatulala siya ng kaunti at kalaunan ay pumindot ng isang key. Bumilis ang tibok ng puso ko nang madinig ko ang gusto niyang itugtog siya piano. Memories rushed back at parang ayoko ng umalis sa alaalang iyon. I suddenly felt regretful from my decisions.

Tumabi si Matthew sa akin.

"I have a good news, Janelle" bulong sa akin ni Matthew. Hindi ko parin inaalis sa anak ko ang aking paningin, na minsan ay nagkakamali pa sa pagpindot ng tamang nota.

"About?"

"Carlos" sagot niya. My heart skipped a beat.

"I don't c-"

"He's already engaged"

Marked by Prince C | Royal Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon