Chapter 3

3 0 0
                                    

Roxy's POV

Haist, buhay nga naman. Unang subject palang essay agad ang bungad, wala na bang ibang activities ang pwedeng i-embento ang mga teachers at talaga namang pinapahirapan pa kami?

"Uy, Roxanne may extra ballpen ka?"

Natigil ang pagrereklamo ko sa isip ko ng kiblitin ako ni Emmy. Napakunot ang noo ko at humalungkat sa bagpack ko.

"Wala ako, girl." I said while shrugging. She just nod and asked someone else.

Agad akong tumingin uli sa papel sa armchair ko habang hinihilot ang sintido ko. Letse, wala na kong masulat. Ano ba kasing klaseng tanong 'to? “ What would you do if someone likes you? ” eh sa—

"Times up! Pass your papers in front."

Agad na nanlaki ang mata ko at tumingin ki ma'am Santos. Ba't ang bilis!? Tumingin uli ako sa papel ko na halos makalahati lang ang isang buong papel. Napakagat-labi ako at nagsimula ng mag-panic, syet pano na 'to? Strikto panaman yan si ma'am.

"Uy Roxanne, pasa mo na dali!"

Kunot-noo akong lumingon at nakita ang mga papel ng taong nasa likuran, hawak-hawak ni Jeff. Napakamot-ulo nalang ako at kinuha yun at nilagay sa ilalim ang papel ko bago ipinasa sa taong nasa unahan ko.

"Sst, Roxanne." 

Tumingin ako sa likod at nakita ki Scarlet na humahagikhik.

"Baket?" I hissed.

"Di mo natapos noh?"

Tinakpan nya ang bibig nya para pigilan ang tawa nya habang namumula ang muka nya, sabi na alam na nito na di ko matatapos eh. Iniripan ko lang sya at tumingin nalang sa unahan.

"Mhm, okay kukuha ako ng random papers from here at babasahin nyo ang ginawa nyong essay."

Nanlaki uli ang mata ko at nag-simula ng tumulo ang pawis sa noo ko.

Inginuh, ba't may pa ganon pa si ma'am!?

Tumingin ako sa orasan sa taas ng board at nakitang may 15 minutes pa bago ang sunod na subject. Nakatutok ang mata ko sa mga papel na hawak ni ma'am at nagsimula ng magdasal.

Please, not me. Please,not me. Please, not me.

"Okay, so ang unang maswerteng magbabasa. Ay—"

Nagsimula na akong ngumatngat ng kuko ko habang nakatingin ki ma'am, habang naka-ngiti naman syang inililibot ang mata sa buong classroom habang hindi pa sinasabi ang unang malas na estyudanteng pupunta sa unahan. Napa-tigil ako sa pagngat-ngat ko at agad na lumunok ng tumigil ang mata ni ma'am saakin.

Oh, damn it. Please not me.

"Ms. Tovar, please come in front and read your...uh...essay pa ba 'to?"

I bite my lips as the class started to laugh loudly—at kasama dun si Scarlet, I glared at her but it doesn't stopped her from laughing hard. Tumayo ako habang maingay ang klase kakatawa bago nag-lakad paunahan.

"Quiet class, ang OA nyong lahat." Saway ni ma'am, and I thank her for that kasi nawala na ang mga tawanan ng letse kong mga kaklase—kasama si Scarlet.

Secretly in love with a nerd (On-going)Where stories live. Discover now