SAD FULL STORY
"MAG KA-IBIGAN"
💓buhay single
• Boy: Hai miss. :)
• Girl: Hai ka rin
• Boy: (sunget ata) Tiga-saan ka? Ngayon lang kita nakita dito eh.
• Girl: Bakit ko sasabihin sayo? Kilala ba kita?
• Boy: Ahhmm... Hindi.
• Girl: (Di nagsalita, lumayo kay Boy)
• Boy: Miss saglit lang.
• Girl: Oh!?
• Boy: Tiga-saan ka nga? (with smiling face)
• Girl: Eh bakit ba ang kulet mo!?
• Boy: Wala gusto ko lang malaman.
• Girl: (Naiinis na sabay layo kay boy)
• Boy: (Sinusundan si girl)
• Girl: Bakit moko sinusundan?! Gusto mo ba ipa-barangay kita!?
• Boy: Binabantayan lang kita, bago ka kasi dito sa amin medyo marameng loko, ayoko lang na mapahamak ka.
• Girl: Kaya ko sarili ko! Wag kana ngang makulet.
Boy: (Di nag salita, nakangiti lang)
After 15 mins, nakauwi na si girl.
• Boy: Dito bahay mo?
• Girl: Ay hindi hindi! Andito nako. Umuwi kana baka hinahanap kana.
• Boy: Osige (nakangiti)
• Girl: Oh anong ngini ngiti mo diyan!?
• Boy: Wala. Ang cute mo pala pag nakakulot yang noo mo like this.
• Girl: (Natatatawa pero pigil), Oh, uwi kana ang kulet.
• Boy: Teka, ano pala name mo?
• Girl: Ang daming tanong.
• Boy: Dali na kasi.
• Girl: Sana.
• Boy: Ako pala si Mark. :)
• Girl: Oo na, alis na.
• Boy: Sige. Nice to meet you, Ms. Sana. :)
Isang araw ay nagkita sina Sana at Mark sa Mall ng di sinasadya.
• Mark: Hi Sana! :)
• Sana: (Kasama ang boyfriend niya)
• Mark: Boyfriend mo?
• Sana: Oo! Si Bambam, boyfriend ko.
• Bambam: Nice to meet you Mark. :)
• Mark: Talaga Sana? Kailan pa? :(
• Sana: Oo nga ang kulit!?
• Mark: (Nasaktan ng patago) Ah. Nice to meet you too. :)
• Sana: Umalis kana nga.
• Bambam: Sino siya Sana?
• Sana: Ah, boybestfriend ko.
• Bambam: May boybestfriend ka pala. Dimo nakikuwento saken ah. Kung isama kaya natin siyang kumain?
• Sana: (Nakatingin ng masama kay Mark)
• Mark: (Nakangiti) Okay lang? :)
• Sana: Okay 😒
Kinabukasan ay nagkita naman ulit sila ng di sinasadya sa daan habang pauwi si Sana ng gabi.
• Mark: Sana! Teka!
• Sana: Ano nanaman ba!? Umalis kana nga!
• Mark: Nasaan si Bambam?
• Sana: Umuwi na! Ang dami mo pang tanong. (Sabay alis at nagpatuloy sa paglalakad.)
• Mark: (Nakangiti at sinundan parin si Sana.)
• Sana: Sabi ko umalis kana nga diba. Bakit ba ang kulit-kulit mo!?
• Mark: Gabi na kaya kailangan may kasama kang umuwi. (Sabay ngiti)
• Sana: (Natatawa pero pigil) Okay okay.
Habang nag kukuwentuhan sila habang naglalakad, may mga lalaking pinag tripan si Sana. Pinag sabihan sila ni Mark. Nagalit ang mga lalaki at agad na binugbog si Mark. Kahit nahihirapan na si Mark, nagawa parin niyang talunin ang mga lalaki. Isang lalaki doon ay napatay pa nya.
• Sana: Thank you :( (Yinakap ng mahigpit si Mark)
• Mark: (Nakangiti) Walang anuman.
• Sana: Oh anong nginingiti-ngiti mo diyan!?
• Mark: Ang cute mo talaga :)
• Sana: Sus! Nambola kapa. Tara na nga. Tignan mo puno kana ng bugbog sa mukha.
• Mark: Bakit ba kasi naglalakad ka ng gabi sa daan?
• Sana: Hays. Wala naman akong kotse eh.
• Mark: Okay😊 Pero next time mag iingat ka ha.
Sila ay nagpatuloy ng mabilis sa paglalakad at nahatid naman ni Mark si Sana ng maayos sa kanilang bahay. Kinabukasan, nakipag kita si Sana kay Mark sa isang coffee shop.
• Sana: Okay kanaba? :(
• Mark: (Nakangiti)
• Sana: Alam mo panay ka nalang naka ngiti. Ano nanaman ba! (Kinilig ng patago.)
• Mark: Oo okay nako. Na kausap na kita eh. :)
• Sana: Susss 😊
• Mark: May sasabihin sana ako.
• Sana: May sasabihin sana ako.
Nagkasabay silang dalawang magsalita.
• Mark: Ikaw muna! :)
• Sana: Ikaw na!
• Mark: Ngayon lang to. Please? :) Ikaw muna.
• Sana: Kainis ka talaga. Okay ako muna. :)
• Mark: Yun oh. 😊 Anong sasabihin mo?
• Sana: Ahhmm. Kapatid ko si Bambam. Hindi ko siya boyfriend. Nag panggap ako dahil ayokong umamin na..
• Mark: Na?
• Sana: (Di kumikibo)
• Mark: Uy! Na? (Nakangiti)
• Sana: Sus! 😊 na.. NA MAHAL NA MAHAL KITA! (Nakangiti kay Mark)
• Mark: Aysus hahaha.
• Sana: Che! Tawa ka? 😂
• Mark: Sasabihin ko sana kung pwedeng manligaw?
• Sana: Hm okay sige na nga. Papayagan na kita hahaha. :)
Makalipas ang 4 na buwan ay nahulog na ng tuluyan si Sana kay Mark. May balak na siyang sagutin ni Sana.
• Sana: Mark? Pumunta ka mamayang gabi sa amin ha. May sasabihin ako sayo. 😊
• Mark: Okay sige basta para sa babaeng pinakamamahal ko. Bakit di pa ngayon Sana?
• Sana: Basta. Malalaman mo din mamaya ha.
Pinaghandaan ni Sana ang araw na iyon. Nag set siya ng dinner nilang dalawa ni Mark lamang. Gabing gabi na ngunit doon pa lamang dumating si Mark.
• Sana: What took you so long?
• Mark: (Nakangiti lang kay Sana)
• Sana: May sasabihin na sana ako sayo. 😊
• Mark: Ano yon?
• Sana: Sinasagot na kita. Tayo na. Mahal na mahal kita.
• Mark: (Napaiyak sa sobrang tuwa) Thank you so much. 😞Mahal na mahal din kita but...
• Sana: but?
• Mark: Ah wala. Kumain na tayo May ibibigay sana ako sayo mamaya.
Makalipas ang 10 minuto...
• Mark: Mahal na mahal kita ha. Lagi mo yang tatandaan. Pasensya kana kung ganito ugali ko minsan.
• Sana: Ang drama mo naman Mahal na mahal din kita.
• Mark: Ito nga pala yung ibibigay ko sayo.
(Iniabot ang isang envelope na may lamang sulat at susi)
• Mark: Mag CR lang ako ha. I love you Sana. 😊
• Sana: Okay sige. I love you more Ken. 😊
Halos 30 mins. na ang nakalipas ngunit di parin bumabalik si Mark. Binasa muna ni Sana ang nasa sulat.
Nakalagay dito na:
" Hi Sana! Mahal na mahal kita. Pero wala nako. Oo, namatay ako dahil binalikan ako ng mga lalaking binugbog ko dati kung na tatandaan mo pa habang papunta ako sainyo. Kahit wala nako, tinupad ko parin yung kasunduan natin na pupunta ako diba. Kahit wala na ako, nandito lang ako lagi. Lagi kang babantayan at iingatan. Kunin mo yung susi na nakalagay diyan at lumabas ka ngayon diyan sa inyo babe...
(Agad na kinuha ni Sana ang susi at lumabas ng bahay. Nagulat siya dahil rinegaluhan siya ni Mark ng isang kotse)
...Alam kong kakailanganin mo yan lalo na pag umuwi ka. Hanggang dito na lang. Lagi kang mag iingat ha."
Labis na napaiyak si Sana dahil kahit wala na si Mark, inalala parin siya nito.
-THE END