HI!!!!!!!!!!!!!!!!!! A brand new story isn't it? This is my own version/remake of It Started with a Kiss/They Kiss Again/Playful Kiss/Mischievous Kiss! Haha, a Filipino version naman! Sana magustuhan niyo! :)
“Unexpected Kiss”
“Miss Benedicto, stay out of my class NOW!”, bulyaw ni Mrs. Genelyn Sangkalupaan, ang titser kong ubod ng sungit sa Greek Mythology class ko. Palibhasa kase, senior citizen na yan kaya ganyan yan. Haaaaay! Nakakaantok naman kasi yung lecture niya eh, ang hina pa ng boses pag nagtuturo. Tsk. Pero kung bumulyaw, aahon ang mga balyena sa dagat. Oooops, sorry. Hehehe! Medyo OA na ba? Sorry po!
Oo nga pala, nakalimutan kong magpakilala. Inaantok pa kasi ako eh! Kaya pupungas-pungas pa ako. Ako nga pala si Lavender Connile Bendicto. Ang unique ba ng pangalan ko? Hehehehe! Ikukwento ko sa inyo ang history ng pangalan ko. Favorite kasi ng mama ko ang color lavender eh. At since ako ang panganay, eh di sa akin pinangalan, ano pa ba? Tapos, Lilac Crystal Benedicto naman pangalan ng kapatid ko. Sabi kasi ni mama, ka-shade din daw ng lavender ang lilac. Haaaaaaay, ang gulo! Bahala na nga sila. Pssssssh.
Balik sa business, eh di ayun nga, napalabas ako ng di oras sa classroom. Waaah! Talagang OUTstanding akong estudyante! Nga pala, dito ako nag-aaral sa University Academy. Hahaha! Pati pangalan ng school unique? Ewan ko nga kung bakit ganyan pangalan nitong pinapasukan ko e. University na, Academy pa, saan ka pa? BOOM PANES!!! Hahahahaha! Sorry naman po. Nahahawa lang sa mga pakulo at kalokohan ni Vice Ganda. Biruin nyo, may kanta pa nga yan diba?
Eto na, ikukwento ko sa inyo kung anong napanaginipan ko habang natutulog ako kanina. Sinayaw daw ako sa JS Prom ng aking labidabs este crush na si Neon Cameron Vulnega! Waaaah! Di lang ako ang unique ang name oh! Paano ba naman, all in one package na siya! Mabait, GWAPO, matalino at manyaman! Hahahaha! Ayun nga, sinasayaw niya daw ako sa JS Prom. At ako nga daw dun sa panaginip ko ay pa-keme pa pero papayag din naman palang sumayaw kasama siya! Yung kahinhinan ko daw dun ay parang pang-dalagang Pilipina ang peg! Pero sa totoo lang, napakalayo ng panaginip ko sa totoong buhay ko kung alam niyo lang. In real life, or in the real world, hindi ako pinapansin ni crush Neon. Sinusungitan pa nga niya ako eh, lalo na pag binabati ko siya ng “Hi” o kaya “Good Morning.” Yun ang di ko alam kung bakit. Wala naman akong maalala na may nagawa ako sa kanyang di niya nagustuhan. Haaay, malas! At ang isa pang pagkakaiba sa panaginip ko at sa totoong buhay, hindi ako mahinhin! Napaka-kabogera at etchosera kong tao. Minsan nga, hindi ko na alam kung tao pa ba ako e. Hehehe!
May mga friends naman ako noh na sumasabay din sa mga kakulitan at kalokohan ko. Andyan si Jerelyn, si Finn at si Hye-Mi yeon. Si Mi yeon, Koreana yan. Lumaki siya sa Korea for 10 years tapos dito na sa Philippines nagpatuloy sa pag-aaral. Kaya expected na magaling na siya mag-Tagalog! Syempre, ako ang laging nagtuturo sa kanya. O diba, galing kong tutor? Si Fernand “Finn” naman, bwahahaha! Beki po yan mga tsong! Sa kanya nga ako natuto ng bekimon e, kaya ganito na din ako magsalita. Ang lakas manghawa noh? Parang virus lang kung kumapit eh! Mas maarte pa sakin, as in talo pa ang babae. Si Jerelyn naman, siya ang kikay kong friend. Laging naka-dangling earrings at laging may suot na malalaking bracelets! Ewan ko nga e, pero mukhang may pinapaggandahan nga siya e. Ayiiiiiiie! xD
One day, isang araw, nagkasalubong kami ni crush Neon ko! Waaaaaah! Nginitian ko siya. Pero parang di niya ako nakita. HOY LALAKI KA! Ano ako, si Miss Invisible sa Fantastic Four? Sa tingin ko, kailangan ko siyang kausapin! Para naman malaman ko kung bakit niya ako sinusungitan at iniiwasan. Haaaaist, eto na!
“Ah, hi Neon!” – Ako
“Bakit?” – Neon (ganito po ang mukha niya habang kausap niya ako. ( -__- ) )
BINABASA MO ANG
Unexpected Kiss
Teen FictionPlease read my newest story. As usual, to be continued series na naman siya! :)