First Story: An Accountant's Tale

17 0 0
                                    

14 likes… Wala pang one minute fourteen na kagad ang nag like ng profile pictures ni Caleb sa facebook. In fairness, cute naman talaga si Caleb, not to mention na photogenic ang binatilyo. Big expressive brown eyes and kissable lips – yan ang assets ni Caleb that makes him irresistible to girls. Caleb is a senior accounting student sa isang malaking state university. He is a dean’s lister at member ng executive committee ng Junior Philippines Institute of Certified Public Accountants (JPIA) sa University. With his irresistible looks and charms comes the body to match. Caleb is also physically attractive, he plays basketball and swimming in his spare time – and he always see to it to go to the gym at least once a week regardless of his busy schedule. All in all... Caleb is a total package. This makes him the hottest man in the campus.

He logged out of facebook and turned off his laptop computer. Caleb took his textbook and memorized the pre-requisite for the recognition of Capital Lease… “May long exam bukas sa Prac 1…” He told himself. “Number 1…There should be a bargain purchase option….” He was unaware na tomorrow will be the most unforgettable day of his life. That would be the day na makikilala nya ang mag babago ng buhay nya.

                                                        ********************                                                                   

“Bad trip yung taxation kanina…” Sabi ni John habang naglalakad sila ni Caleb sa corridor ng school going  to the basketball court to play some hoops.

“Biglang nagpa exam…di pa naman ako nakapag review man lang.”

Napa ngiti si Caleb sa kaibigan, “Panay kasi kalokohan ang inaatupag mo kaya ayan nangyayari sa yo…” sabay akmang tutulak ang kaibigan.

“Uy grabe ka…hindi naman…di ba pwedeng nakatulog lang kagabi.”

Magkaibigang matalik si Caleb at John Grisham. Yup…John Grisham talaga. paano kasi addict sa John Grisham novels ang parents nya. High School pa lang ay matalik nang magkaibigan ang dalawa kaya sa college…same school and same course ang kinuha nila. John is also good looking and charming as well. Since parehas sila ng hobby ni Caleb, John is also physically fit. Yun nga lang hindi sya kasing talino ng kaibigan. “Kaya nga ako nag bestfriend ng matalino ee…” dahilan nya. John is not as serious as Caleb. He sees the positive in life. He has a good sense of humor which compensate what he lacks in brains.

“Dude… astig ah!” napasabi ni John ng isuot ni Caleb ang kangyang DRose 4.5 na rubber shoes para maglaro ng basketball. “You didn’t tell me na binili mo na pala yan…I thought isasama mo ako pag bibili ka na?”

“Oo nga…di ko naman yan binili ee…bigay yan ni Papa…” sabi ni Caleb.

“Cay…pa experience naman tol.”

“Matunaw ka sa inggit!!!” inis ni Caleb sa kaibigan sabay tayo para mag stretching.

Dalawa lang silang magkaibigan na naglalaro. One on one, ang matalo—manlilibre ng Jollibee pag uwi. They both take it seriously, kasi sa basketball pantay sila. Caleb was making a free throw shot ng mapansin nya ang isang babaeng palapit sa kanila. Maganda sya, matangkad, maputi. Ang ganda ng mga mata nya… ang ganda ng mahaba nyang buhok….

“Caleb!!!” sigaw ni John Grisham. Bumaling ng tingin si Caleb sa kalaro pero bola ang sumalpok sa mukha nya. Direct hit! Nagdilim ang paningin ni Caleb, tuluyang syang nawalan ng malay at bumagsak sa basketball court.

                                                        ********************

“Cay…Dude…oy ok ka lang?” pag gising ni John sa kaibigan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LIFEstoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon