Magulang🌹

60 1 0
                                    

Mga Magulang

Magulang,
sila'y laging nasa tabi mo
upang ika'y gabayan,
Oo,minsa'y sila rin ay nagkulang,
pero para yun sa iyong kinabukasan,

Lahat ay kanilang binigay,
dugo't pawis upang ika'y mabuhay.

Simula pa nong bata ka,
ika'y minahal nila,
Pina-kain,
Pina-aral,
at iba pa.

Oo,minsa'y di tayo tino-tounan ng pansin,nagagalit pa tayo para sagutin,kung makahingi tayo mahal pa sa asin.
Sila rin ay nasasaktan,
sana naman iyong lambingin.

kasi lahat ay binigay nila,
upang ika'y sumaya.
kahit sila ay sobrang hirap na.

Di nila pinapakita,
Na hirap na sila,
Lagi lang silang ngumingiti
na para bang walang problema.

Makita lang nila na grumaduate ka,
Ayos na sila,
dahil lahat ng pagod,pawis at mga problema nila'y di na sayang dahil grumaduate ang anak nila.

Mahalin nyo ang inyong magulang,
tulad ng pagmamahal na kanilang binigay na walang labis at kulang.

-🌹

Poetry🌹→ »2k18«←Where stories live. Discover now