Chapter thirty

9.3K 175 19
                                    


Alex

"Mom please... leave us alone." Pakiusap ko sa kanya at tiningnan ng masama si Violeta. Lumapit ako sa kanila at inilayo ng konti sa pwesto namin ni Ciel para makausap ko sila ng maayos.

"What do you want me to do? Hahayaan kita sa babaing hampaslupang yan?" Galit na sagot nya sa akin.

"Mahal ko siya!" Sagot ko at kita ko ang pagyuko ng ulo ni Violeta.

"Gagamitin ka lang ng babaing yan! Alam mo noon pa man kung sino ang gusto ko para sayo! Gusto ko, kalevel din natin! Di yong kung saan saan lang!"

"Di lang sa kung saan saan galing si Ciel. Galing sya sa disenteng pamilya kahit mahirap lang sila. Siya lang ang mahal ko. Kaya nakikiusap po ako na sana hayaan nyo ako sa pagpili kung sino ang magugustuhan o mamahalin ko."Paliwanag ko.

"Huwag mo akong galitin Ciel, alam mo kung anu ang kaya kong gawin." Pagbabanta nya sa akin.

"Alam nyo rin po kung anu ang kaya kong gawin."Yumuko ako sa kanya saka ko sila iniwan. Tinawag pa nila pangalan ko pero di ko sila pinansin. Maingat kong hinila si Ciel papunta sa sasakyan ko, nakayuko at di ito tumitinging pumasok sa passenger seat. Agad kong ini start at umalis na kami sa park.

" A-alex, bakit dito? Kanino to?" Halata ang nerbyos sa mukha ni Ciel nung hininto ko ang sasakyan sa harap ng condo ko. Napangiti tuloy ako, ngayon lang yata nya ako tinawag sa pangalan ko. Yummy pakinggan.

"May unit ako dito. Tara baba na tayo." Aya ko sa kanya. Ipinagbukas ko sya ng pinto pero nanatili lang itong nakaupo.

"0y Ciel, tara na.."Ulit ko pero tahimik pa rin ito. Yumuko ako ng konti para tingnan siya.
"Cie-"Napangiti ako sa itsura nya. Kaya naman pala ito di na nagsasalita, nakapikit ito at nakangiti pa. Tsk! Nag iimagine nanaman ang luka-luka kong baby.
Nilapit ko ang mukha ko sa kanya saka ko siya hinalikan ng marahan sa labi. Dumilat ito saglit pero muli nanamang pumikit, ikinawit nya ang kamay nya sa leeg ko para lalo pang paglapitin ang mukha namin. Medyo hirap pa ang posisyon ko dahil nasa labas ako ng kotse.

Pinalalim ko ang paraan ng paghalik sa kanya.

"Hmmm.... Aleeeex...."Bigkas nya sa pangalan ko nung naghiwalay saglit ang labi namin. Pakiramdam ko naman ay ang ganda ganda ng pangalan ko, sobrang kilig ang nararamdaman ko. Akma ko ulit sya halikan nung may narinig akong footstep palapit, napatingin ako sa likod ko, ang guard pala.

"May problema po ba mis Meyer?" Tanung nya sa akin. Kilala na nya ako dahil matagal na rin itong nagduduty don.

"Ah, wala po manong." Nakangiting sagot ko, halata naman ang pagkadismaya sa mukha ng baby ko, napakapilya talaga nito. Agad ko na siya pinababa at sumakay na kami sa elevator papunta sa floor ng unit ko. Salubong pa rin kilay nito, may mga kasabay kasi kami sa elevator.

"Ang ganda naman ng condo mo dober.." Nangingislap pa ang mga mata nito, haay... balik nanaman ito sa pagtawag sa akin ng dober. Pero okay lang, siya lang ang binigyan ko ng karapatan na tawagin ako ng ganun.

"Mas maluwang pa kesa sa bahay namin." Dagdag pa nito.

"Mas maluwang nga ito pero mas malinis yong bahay nyo." Kakong nakangiti. "Upo ka muna." Alok ko sa kanya, agad naman itong umupo sa couch.

"Eiiih....!"Gulat pa ako nung bigla ito napatili. Agad akong lumapit sa kanya, pupunta sana ako ng kusina para kumuha ng maiinom.

"Baby! Bakit?!" Nag aalalang tanong ko.

"Lumubog kasi yong pwet ko dober dito sa couch! Eiiiih....!" Sagot nya sa akin at tumili ulit. "Dobeeer.....! Pers time ko tooo....!"
Natawa naman ako sa kanya, kala ko pa naman kung anu na. Nakaisip ako ng kalukohan. (insert lightbulb here. TING!)

You Are My Everything (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon