Chapter 6: New Student

22 4 1
                                    

Chapter 6

New Student

***

Papunta ako ngayon sa classroom ng may marinig aong tilian. Ano naman kaya yon? Matingnan nga, ano ngayon? Curious lang, bakit? Hindi ako tsismosa ha!

"Huy! Anong meron?" tanong  dito sa isa kong kaklase.

"Ah, may bagong estudyante kasi, at gwapo!" grabe ha! Sinigaw niya pa talaga ang salitang gwapo, eh naririnig ko naman siya ng maayos.

OA lang siya no? New Student? Gwapo? So lalaki? Ay! Ba't pa ba ako nagtatanong siyempre lalaki yun, gwapo eh. Baliw baliwan lang eh no.

Nakipagsiksikan ako sa iba, hanggang sa makarating ako sa unahan. Nang makita  siya ay natulala ako, blond ang buhok niya, asul na mata, maputi, gwapo at may build din ang katawan. Haaa! Parang nagiging bastos na ako sa pinag-iisip ko.

Nang muling tumingin ako sa kanya ay nakatingin din siya sa 'kin, kaya umiwas kaagad ako ng tingin.

Parang lalagnatin na 'ata ako. Umiinit ang pakiramdam ko. Bakit kaya?

Aalis na dapat ako, kaso biglang may humigit sa 'kin. At laking gukat ko ng makita kung sino ang humila sa 'kin.

Bigla naman nag-tilian ang mga babae.

"Waaa! Bakit siya!?"

"Ako nalang!"

"Ang panget niya! Ako nalang!"

Grabe sila sa 'kin ha, hinigit lang ako OA sila. Ang sakit sa tenga!

"Ah Miss puwedeng malaman kung anong pangalan mo?"

Huwaat?! Bakit niya tinatanong kung sino ako?! Di kaya... Aaaah! Bawal mag-asssume! Orianna! Kaya tumigil ka. Pero wala naman sigurong masama kung sasabihin ko sa kanya ang pangalan ko, diba?

"..Ah, Eh.."

Ano ba yan? Ba't hindi ako makapagsalita?!

Magsasalita na dapat ako kaso biglang may humigit naman sa 'kin palayo dun sa New Student.

At sa dinami-dami ng puwedeng humila sa 'kin palayo, siya pa! Ang pinaka-kinaiinisan ko sa lahat ng estudyante dito!

"Bakit Phoenix!"

Hindi ko na napigilan na mapasigaw sa kanya, dahil hanggang ngayon galit ako sa kanya.

"Wala lang, basta ayokong makikita kang kasama mo ang bagong estudyanteng yon. Tss."

"At sino ka naman para pigilan ako? Ha? Kaano-ano ba kita?" hindi siya makatingin ng diretso sa 'kin. "Wala kang pake! Okay?"

Magwo-walk out na dapat ako kaso hinawakan niya na naman ang kamay ko. Ano bang nangyayari? Ano bang nangyayari sayo, Phoenix? Bakit ka nagkakaganyan?

"Please iwasan mo na ang siya."

Hindi ko siya pinansin at tinanggal ang pagkakahawak ng kamay niya sa 'kin. Nagmadali na akong umalis, baka mamaya higitin na naman ako nun. Aba'y hindi ako rubber band na hinihigit-higit.

Fantastic AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon