Chapter 9

562 18 0
                                    

Hanggang ngayon iniisip ko pa din kung meron bang friends na nag to-torrid, wala naman siguro diba? Pero sige kami ang magpapasikat na pwede mag torrid ang friends pucha kasi caloy inabutan na 'ko ng umaga dito sa kama kaiisip kung may nag to-torrid bang friends.

"Ced? Di ka pa natutulog?" cza.

Hindi ko na lang sya pinansin kasi alam kong hahaba pa ang usapan eh ang ending lang naman nan pag uusapan namin yung nangyari kagabi. Fresh pa sa utak ko ang mga nangyari kagabi ewan ko lang kay caloy kasi lasing sya non so sana wala na lang sya maalala para di awkward sa aming dalawa.

"Ceddy? Tara na lang sa labas alam ko namang hindi ka na makalatulog nan eh" cza.

Habang naglalakad kami dito sa labas nakita ko ang ilan kong teammates na nasa restaurant na. What? So? Dapat pala kanina pa ako lumabas para maramirami na akong nakain at hindi yung kung ano ano ang iniisip ko.

"Grabe kagabi no? Paano ba ako nakaakyat sa room ko? Wala na akong maalala eh" buding.

Buti pa sya wala nang maalala samanatalang sariwang sariwa pa sa isip ko ang mga nangyari kagabi.

"Grabe ka naman kasi buding tapos dinamay mo pa si caloy dyan sa shot shot na yan, ayown! tinamaan din tuloy ng magaleng. Baka nga ngayon naghihilik pa yon eh" yhan.

Bakit ba lagi na lang inaalala ni yhan si caloy hmp!

"Ay! Anjan na pala sila caloy eh" ate gel.

"Hi goodmorning/goodmorning" sabay na bati ni ayel at isa.

"Caloy? Bat parang puyat na puyat ka? May hangover ka 'no?" Cza.

"Mabuti nga sana kung hangover lang, kaya lang hindi naman nagpatulog kagabi yan!" naiinis na sabi ni ayel.

Nagtawanan silang lahat habang si caloy ay nakatingin lang sa kawalan at ako naman ay as usual nag ce-cellphone.

"Mam, eto na po yung breakfast nyo"

Nagulat ako kasi nag abot sa akin ng pagkain yung crew eh hindi pa naman kami nag papa-order ng food.

"Wow haba ng hair ni ate gurl" pang aasar ni ate jer.

"Ibalik mo yan" caloy.

Nagulat kaming lahat nang magsalita si caloy kaya lahat kami ay napatingin sa kanya.

"Caloy? Okay ka lang?" ate jer.

"Yep at hindi kakainin ni ced yan, kaya ibalik mo na yan" caloy.

This time nakatingin na sya sakin.

"Caloy ano ba!" ayel.

Nakinig ko si ayel na parang pinapagalitan si caloy pero hindi ko na nakinig ang sunod nyang sinabi kaya nagulat na lang ako na biglang tumahimik si caloy at tumingin nanaman sa kawalan.

"Sige na ced kainin mo na yan" ayel.

"Hinde sige wag na ayaw ni caloy eh"

Hindi ko na lang kinain yung pagkain at pinabalik ko na sa crew dahil ayaw kong mag aaway nanaman kami ni caloy.

Pagkatapos naming magbreakfast nakita ko na hinigit ni ayel si caloy sa may tagong part kaya sinundan ko sila.

"Caloy! Ano ba yang inaasta mo? Ano? Hero ka ba? Tapos pati kami ni isa dinamay mo sa paghahanap don sa lalaking yon! Pag ba nahanap mo yon anong gagawin mo? Feeling mo ba maitatama mo pa yung mga pagkakamaling nagawa mo nung nakaraan?" ayel.

"Alam kong wala na akong magagawa sa nakaraan yel. I just want her to be safe" caloy.

"Safe? Eh paano kung nagpang abot kayo kagabi? Tingin mo ba magiging safe ka?" ayel.

DECISION (ToLine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon