Forbidden Love (POV ni Gelo)

58 1 0
                                    

"I broke her heart and feels like i'm dying inside while i'm watching her crying from a far.

I want to runback to her and tell her how much I LOVE HER, tell her to forget everything i said and let's start over again.

But i can't coz i know it's wrong...

...Wrong to have a RELATIONSHIP with her.....

------------------------------------------------------

I love her so much kaya lahat ginawa ko para maging masaya siya. Alam ko mahal niya ako bilang kaibigan pero hindi ko mainitindihan kung bakit niya ako kailangan pagtabuyan, alam ko na nahihirapan siya dahil sa pagkamatay ng magulang niya ayaw niya mang damay sa kalungkutan niya kaya ko yun intindihin. pero yung itaboy niya ako na parang wala akong halaga, na walang halaga yung friendship na meron kami ang sakit lang sobra.

Kaya sabi ko sa sarili ko magbabago ako lahat babaguhin ko lahat gagawin ko para mapansin niya lang ako. pero habang tumatagal, habang humahaba ang panahon narealize ko bakit ko nga ba ipagpipilitan ang sarili ko sa taong ayaw akong makasama, bakit ko itatago ang sarili ko, sabi ko sa sarili ko pag-sisisihan mo na ipinagtabuyan mo ako.

Nagiging sikat na ako sa skul dahil bukod sa matalino na ako, at sa hindi naman sa pag-mamayabang eh siya rin ang dahilan kung bakit ako naging ehem! gwapo marunong din naman akong mag-basketball ang kulang lang sa akin eh yung confidence na sinasabi nila dahl alam ko pagtatawanan lang nila ako kesyo sasabihin hindi ako gwapo para sumali sa ganyang sports anyway isa akong team captain ng basketball ng dati kong school.

Ngayong maganda na takbo ng buhay ko eh sabi ko sa sarili ko magrerevenge ako sa kanya ipapakita ko sa kanya na hindi ako ang nawalan kung hindi siya kaya napagdesisyonan ko na lumipat ng school kung saan siya nagaaral.

Oo alam ko kung saan siya nagaaral ngayon dahil hindi ako tumigil noon na umasa na balang araw magkikita kami at magkakabalikan pero habang tumatagal narerealize ko na iniwan niya ako at kailan man ay hindi na niya ako babalikan.

Andito ako ngayon sa bago kong school marami akong naririnig na bulungan kesyo ang gwapo ko daw pero hindi ko iyon pinansin binansagan ako na Ice prince dahil sa pagiging isnabero ko at pagiging cold ko hindi ako ganito noon pero ng iwan niya ako nagbago lahat bukod sa itsura ko nagbago nadin ang dating masayahing panget na nerd eh naging isang cold, gwapo at hot na basketball player. Hindi ako naging player o mas magandang sabihin na playboy dahil alam ko kung paano masaktan hindi naman ako ganoong kasama para paglaruan ang mga puso ng mga babae.

"Oh iho bat nasa labas ka pa? ikaw ba ang bagong transfer na sinasabi ng Principal?" sabi noong teacher na sa tingin ko ang magiging home room teacher ko.

"Yes ma'am I'm Angelo Joshua Avila but you can address me as AJ, ah kasi po nahihiya po ako na pumasok at tska wala pa naman akong kakilala sa jan sa loob" sagot ko naman sa kanya.

"Hi Aj I'm your home room teacher Ms. Capistrano so tara na sa loob" sabi ni Ms. Capistrano.

"Okay class meron kayong bagong classmate. . . okay Mr. Avila please introduce your self infront of the class" pag-papakilala sa akin ni Ms.Capistrano.

"Angelo Joshua Avila you can call me AJ please be good me" sabay ngiti at tingin sa kanya nakita ko siyang nakatingin sa akin.

"Bes gawpo noh? masyado kang tulaley sa kagwapuhan ni kuya eh kaso mukang suplado kahit nakangiti siya halata mo namang fake smile lang yun" rinig kong sabi ng kaibigan niya. Magaling pa din siya kumilatis ng tao hindi ka pa din ng babago gelai.

Forbidden Love (POV ni Gelo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon