Chapter 41

89 6 3
                                    

Kurt's POV

I'm fvcking tired of this shit. Gusto ko nang magwala, gusto ko nang tumayo, pero nanghihina na ang buong katawan ko sa bugbog na inabot ko. Ayos na ako nalang ang nasasaktan, pero bakit pati si Yumie dinamay nila?

TREVON:"This is our reunion...Be ready this is your end."

DRIX:"DAMN YOU!!!"

Sinuntok ni Trevon si Drix.

DRIX:"Malakas ka lang kasi tinali mo kami dito. Try mong alisin 'tong tali namin, ano suntukan tayo!!!"

TREVON:"Tsk. Hindi pa din nagbabago yang kayabangan mo."

JOSH:"Ikaw hindi ka din nagbago, STUPIDO ka pa rin."

Habang nagaalaskahan sila ay nararamdaman ko naman ang paginit ng katawan ko at ang pagtulo ng sarili kong dugo galing sa mata ko.

Iniwan nila kami, at makalipas ang ilang oras ay hindi pa sila nakakabalik. Sinubukan kong tawagan si Kuya Terenz gamit ang bahagi ng siko ko.

Ilang ring palang ay sinagot na niya ito.

KURT:"Kuya makinig kang mabuti, kasama ko si Yumie at nasa panganib kami. Nandito kami sa isang abandoned room sa dating campus ng Dark Gaze Gang, Reston High University. Kasama namin sila Drix at Josh. Si Trevon ang may pakana."

*call ended*

Saktong pagkababa ko ng tawag ay bumukas ang pinto. Nakita ni Trevon ang cellphone ko at binasag niya ito sa harap ko.

TREVON:"Susubukan mo pa bang tumawag para humungi ng tulong? Stupid! Di mo magagawa yun!"

Hahaha! Sa sinabi niya ay natawa ako, gusto kong isampal sa kanya ang salitang. "T@NGA! NAKATAWAG NA'KO! BOBO MO!"

TREVON:"Sige na ilabas niyo na sila."

Tinanggal na ang tali sa amin pero kinaladkad nila kami.

KURT:"Ano ba? Kaya naman naming maglakad, bakit kailangan niyo pa kaming kaladkarin?"

Umuulan pa din, at ngayon ay nandito kami sa gitna ng field. Pinapaulanan pa nila kami.

KURT:"Nagmamakaawa ako, wag niyo na sanang paulanan si Yumie. Maawa na---"

Sinuntok nila ako, at sinampal naman nila si Yumie.

Naaninag ko ang namumula niyang pisngi, at nangingilid niyang mata, at kahit ilang saglit ay papatak na ang kanyang luha.

Napaka-bobo ko, hindi ko manlang magawang ipagtanggol yung pinakamamahal ko. Yung sakit na nararamdaman ko ngayon naging triple na, sakit na dahil sa bugbog nila, sakit sa ginagawa nila kay Yumie, at ang sakit na nakikita ko siyang nahihirapan at nagpapanggap na hindi nasasaktan.

I don't want to see my queen that cries and feels hurt.

Lumapit ako sa kanya at hinayaan kong ipatong niya ang ulo niya sa balikat ko.

KURT:"Hon, sorry. Sorry for this. Sorry dahil nadadamay ka. Sorry dahil nasasaktan ka. Hon, sorry dahil wala akong magawa para ipaglaban ka."

YUMIE:"Hon, okay lang ako."

"Hon, okay lang ako."

Lalo akong nainis sa sarili ko nang marinig ang sinabi niya, alam ko sa sarili ko na pilit niyang ipinapakitang okay siya kahit na nahihirapan na siya.

DRIX:"Dude, we need to call Gab. Alam niya lahat ng miyembro ng Dark Gaze."

Mabuti nalang at waterproof ang phone ni Drix, kaya kahit nasa ulanan kami ay hindi ito nasisira.

Madali niyang nakuha ang phone niya dahil mahaba ang kamay niya.

DRIX:"Hello Gab, need help. Si Trevon at ang Dark Gaze hawak nila kami. Please lang, kung pwede kang umuwi dito. Gawin mo na dude. Please."

GAB:"Dude, para sa inyo ngayon na mismo uuwi ako. Diyan na ako magaaral ulit para mabantayan kayo. Problema niyo, problema ko na din."

*call ended*

DRIX:"Dude, malalagpasan natin 'to."

KURT:"Ano ba kasi yang Dark Gaze na yan? Anong kailangan nila?"

JOSH:"Isang Gang, na kinabibilangan ng 12 miyembro. Naging miyembro ng Dark Gaze si Trevon, dati may grupo din kami na pinangalanang Black Magic, pero nabuwag din 'yon. At bago mabuwag ang Black Magic ay nakasagupa namin ang Dark Gaze Gang. Ang alam namin ay matagal na ding buwag ang Dark Gaze, pero nagulat kami nang mabalitaang buo ulit sila at naging isa ulit si Trevon sa grupo nila. Ipinaglalaban nila na dapat ay sila ang makilala at hindi kami. At si Gab, siya ang spy ng grupo namin noon. Kaya siya ang nakakaalam ng profile ng buong miyembro ng Dark Gaze."

Naliwanagan na ako dahil sa sinabi ni Josh.

Napakababaw nila para maghiganti, dahil lang sa pagiging sikat kaya sila nagiging ganyan?

KURT:"Pero bakit kailangang pati si Yumie eh maidamay dito?"

DRIX:"Siguro dahil alam nilang si Yumie ang kahinaan natin, lalo kana Kurt. Mukhang ikaw ang puntirya ng grupo, at sa palagay ko ay balak lang nilang maghiganti dahil ikaw ang pinili ni Yumie at hindi si Trevon."

A/N: Wait sa next chapter. Dadating si Gabbbbbbbbb!

Tibo Meets Kings|| Completed || #Wattys 2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon