MONDAY..........KAITEY
NAG bre-breakfast ako ngayun at hinihintay ang pagdating ni Grandma dahil ngayon na ang uwi niya galing Singapore.
Nang makarinig na ako ng busina sa labas ay alam ko ng nandyan na si Grandma.
Dali daling nagtungo na ako sa labas para salubungin siya. Nagmano muna ako sa kanya at humalik sa kanyang pisngi.
"Oh kumusta ka na man, apo? Ayos ka lang ba dito noong wala ako?" umupo muna kami sa sofa at inutusan ang katulong na gumawa ng meryenda.
"Yeah Grandma, I'm fine here. Nabobored na rin ako dito Grandma. I want to go home na" pagmamaktul ko kaagad.
"Ngunit apo hindi pa napapatawag ang Mommy at Daddy mo na pwede ka nang umuwi. Hayaan mo't tatawag rin iyon" napabusangot nalang ako ng mukha ng marinig iyon.
"Donya, nandito ho si Kev at gusto ka daw ho niyang makausap, kung ayus lang ho ba raw sa inyo?" sabat ng katulong.
"Ah oo sge papuntahin mo dito" nakangiting sabi ni Grandma. Nawala naman ang pagkabusangot ng aking mukha.
I have this urge feeling na parang paborito niyang trabahador 'yang si Kev.
Dumating nga si Kev at binati muna si Grandma. Na disappoint naman ako ng hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.
What is happening to me?! Ba't naman ako ma-didisappoint? So what kung hindi ako niyan pansinin? Psh.
"Magandang umaga po, Donya Gregoria"
Bati niya kay Grandma na hindi pa rin ako tinatapunan ng tingin.Argh! Ba't ba na fru-frustrate ako na hindi niya man lang ako pinapansin?!
"Magandang umaga rin, hijo. Tara at maupo ka muna. Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo?" Naupo naman ito sa katapat naming sofa.
Seriously?! Haler! Katabi ko lang kaya si Grandma but still he didn't even take a glance at me!
"Uh, i-iyong bunso ko po kasing kapatid ay naaksidente kagabi at wala po kaming pambayad sa hospital, k-kung pwede po sanang makabali po ako ngayon?"
Nakayukong wika nito. He looks so sad right now at parang walang tulog."Iyon lang ba, hijo? Aba'y oo naman wala namang problema iyon" kinuha naman kaagad ni Grandma ang bag niya at may ibinigay na sobre kay Kev.
"Maraming Salamat po Donya Gregoria, pasensya na po-"
"Walang problema, hijo. Alam ko naman na kailangan niyo iyan ngayon. Sige na at puntahan mo na ang kapatid mo, baka kailangan na niya ang pera na iyan" nakangiting sabi ni Grandma.
Umalis na naman si Kev at parang nagmamadali nga ito.
I wonder what happened to his or her sibling? Teka, kailan pa ba ako naging pakialamera? Gosh! whats happening to me?! Ba't ba interested ako sa lalaking yon?! He is not my type and never be my type.
"Okay ka lang, apo?" Tanong ni Grandma at umupo sa tabi ko. Napangalumbaba naman ako at tinignan siya.
"Why are you so kind to your workers Grandma? baka dyan sa kabaitan mo ay abusuhin nila at gawan ka ng masama" inakbayan naman ako ni Grandma and she rested my head to her shoulder.
"Apo, kilala ko na ang mga trabahador ko rito. Alam kong hindi nila kayang gawan ako ng masama, atsaka iyong si Kev ay kilala ko ang pamilya niyan. Galing sa mabait at respitadong pamilya iyon si Kevin. Ang kaniyang kapatid na bunso ay may sakit na pollio at huminto ng pag-aaral ang batang yan para matulungan lang na kumayud ang magulang niya. Napakabait na bata" kwento niya sa'kin.
BINABASA MO ANG
That Picky Brat Girl (COMPLETED)
Teen FictionShe is Kaitey Min. Mayaman, maganda, pero kasalungat ng kanyang ugali ang kanyang kagandahang taglay. Pano ang panget kasi ng ugali. Katulad nalang ng pagiging maarte, matapobre, at pagiging spoiled brat dahil sa nag-iisa lang siyang anak ng kanyang...