TUESDAY....KAITEY
TINUTULUNGAN ko ngayon na mag bake si Grandma ng cupcake. Wala lang naisipan lang namin tutal wala naman kasi kaming ginagawa. I'm really bored here na kasi, gusto ko nang umuwi.
"Grandma....pwede ko bang makausap sila Mommy and Daddy ngayon?" biglang tanong ko. Napatingin naman sa 'kin si Grandma.
"Bakit? Ano ba ang sasabihin mo, apo?"
Pinagpatuloy ko na ang paglalagay ng icing sa cupcake."Grandma, I want to go home na, bored na bored na ako dito" nakasimangot na sabi ko.
"Hayst... oh sge mamaya at kakausapin natin ang Mommy mo" tumango nalang ako at pinagpatuloy ang ginagawa.
"Apo sigurado kana ba sa desisyon mong gagawin mong bodyguard si Kev?" napatuwid naman ako ng upo ng biglang itanong iyon ni Grandma.
Sa totoo lang ay hindi ako makatulog kagabi dahil sa kakaisip doon. I don't know what comes to my mind that I want to help that trash.
Maybe you like him na?
What?! are you kidding?! No way! I didn't even know that guy and seriously he will never by my type! Tutulungan ko lang talaga siya.
"Y-yeah Grandma p-pero if Mom and Dad don't allow me, it's okay lang naman" nakayukong sabi ko. Napabungisngis naman si Grandma. Nagtatakang tinignan ko naman siya.
"Apo my dear, naging mag close ba kayo ni Kevin nung wala ako rito?"
"Actually no Grandma. I just want to help him, kasi naawa ako sa kanya at tinulungan niya rin naman akong gamutin ang sugat ko nung aksidenteng mahawakan ko 'yong sanga ng rose"
"Ahh...if you say so" parang hindi pa kumbinsido na sabi ni Grandma.
"G-grandma it's not what you think alright?" nag-aalinlangan pa rin na sabi ko. Napahalakhak naman siya.
"Iyong ano, apo my dear? Wala naman akong iniisip ah, you're just over reacting ano ba dapat ang iniisip ko, apo?"
Oh come on Kaitey muntik kana don!
Do I have a sick? What's happening to me? ang OA ko na."Ah nevermind Grandma forget it, hehe"sabi ko nalang and then I put the cupcakes in the oven.
KEV
Ngayon na ilinabas sa hospital si Lolling dahil nagising na naman ito at sabi ng doktor ay okay na naman daw siya.
Kung mag bago daw ang aming isip ay ibalik daw namin ito sa hospital para maoperahan na at ng malakad na si Lolling. Ngunit wala pa kaming malaking pera para sa operasyon niya kaya iniuwi na muna namin ito.BAHAY...
"Oh dahan dahan!" pinapaupo namin ngayon sa silya sa Lolling. Ingat na ingat pa rin kami dahil nga hindi na siya makalakad. Halos dalawa na ng mga binti niya ay naputol ang buto. Naaawa ako sa 'king kapatid dahil sa murang edad ay dinadanas niya na ito.
"Ano ba kayo, Nay. Okay nga lang sabi ako" ani Lolling. Napaupo naman ako sa harap niya.
"Lolling wag ka ngang matigas ang ulo...yan..yan ang napapala mo sa katigasan ng ulo mo! "sermon ni Nanay. Napailing nalang ako.
"Wag ka ng malungkot, Lolling. Gagawan ni kuya ng paraan para mapagamot 'yang mga binti mo, ha?" Binigyan niya naman ako ng pilit na ngiti.
"K-Kuya pasensya kana ah kasi imbis na makatulong ako sa inyo ako pa 'tong nagdadagdag ng problema" nangingilid ang luha na sabi niya. Hinaplos ko naman ang kaliwang pisngi nito.
BINABASA MO ANG
That Picky Brat Girl (COMPLETED)
Fiksi RemajaShe is Kaitey Min. Mayaman, maganda, pero kasalungat ng kanyang ugali ang kanyang kagandahang taglay. Pano ang panget kasi ng ugali. Katulad nalang ng pagiging maarte, matapobre, at pagiging spoiled brat dahil sa nag-iisa lang siyang anak ng kanyang...