PICKY 14: Going Home

129 3 0
                                    


KAITEY

KAGABI pa ako nakapag impake.
Gosh, I feel so dizzy pa tuloy dahil nga sa nag-ayos ako ng mga damit ko kagabi. Mabuti nalang tinulungan ako ni Grandma at napag-isip-isip ko rin na what if Kev don't accept the job?

Eh ano naman ngayon kong hindi niya tanggapin? Siya naman ang magsisisi, hindi ako at hindi naman siya kawalan, tsk.

Weh, hindi nga ba?

Napabuntong hininga nalang ako sa pagsasabat nitong subconscious ko, punyeta. Mabilis na akong naligo and do my routine na at naabutan ko naman si Grandma sa dining area na kumakain ng breakfast.

"Wow ang ganda naman ng apo ko" binati ko muna siya at naupo na para kumain. I'm wearing a light pink dress na off shoulder and also a pink doll shoes.

"Grandma, wala pa ba 'yong si Kev?" kunwaring walang gana na sabi ko.

"Ah he's not here pa apo, baka naman hindi na nagustuhan 'yong trabahong inalok natin, lalo na't mapapalayu siya sa mga magulang niya." Mabilis na sumama ang timpla ng mukha ko at napabusangot.

"What?! Grandma wala na siyang makukuhang job na ganoon ang sahod.
He's so lucky that we offer him that job and what?! He will just gonna decline it?!" Hindi ko na napigilan ang mapataas ng boses. Parang nagulat naman si Grandma sa inasta ko. Before she could say anything ay pumasok na ang katulong na si Aling Mila.

"Donya, nandyan na po si Kev." sabi nito, parang bigla namang nagliwanag ang mukha ko at nagpipigil ng ngiti. Napatingin naman ako kay Grandma na nginisihan ako at nagkibit balikat.

"Oh sige sabihin mo na papuntahin dito at sabayan kaming kumain" utos ni Grandma. Sumunod naman agad ang katulong at maya-maya pa ay sumulpot na si Kev na naka light blue checkered polo na hindi nakabutones kaya kita ang white shirt niyang nasa loob.

He looks so....

Aish stop that Kaitey! Stop that! Argh!.

"Magandang umaga ho Donya, Senyorita" hindi ko namalayan na nabuka pala ng konti ang bibig ko kaya mabilis ko itong itinikom. Buti nalang at 'di pa siya napatingin sa 'kin. Binati rin naman siya ni Grandma.

"Have a seat hijo and join us. Mahaba haba ang byahe papunta sa Maynila kaya kumain ka muna" sumunod naman siya at kumain na. Napatingin naman ako sa binake ko kahapon na blueberry cupcake. Nagdadalawang isip ako kung ibibigay ko ba ito sa kaniya or what. Kaya I decided na I'm just going to baon it nalang at doon ko nalang ibibigay sa kaniya sa kotse. Yeah, nice idea.

"Kev, ibig sabihin ba nito'y tinatanggap mo na iyong trabaho?" pag-uumpisa ni Grandma. Napahinto naman kami sa pagkain.

"Ah opo Donya at pinayagan naman ako nila Nanay" nakangiting sabi niya. Napaiwas nalang ako ng tingin at napailing.

"Ito lang ang masasabi ko hijo. Goodluck sa trabaho mo at may pagka dragon ang amo mo at napaka arte kaya pagbutihin mo" saad ni Grandma na para bang wala sa harapan niya ang tinutukoy niya.

"Grandma!" saway ko. Napabungis-ngis naman ito. Napatingin naman sa 'kin si Kev at binigyan ako ng maikling ngiti. Napaiwas nalang ako ng tingin.

"Okay lang po 'yon ang importante ay MAGANDA naman ang trabaho ko" tugon niya na parang diniinan pa ang maganda. Hmph yeah I know right.

Tss, as if naman na ikaw ang sinasabihan niya ng maganda?

Duh! He makes diin kaya the maganda kaya wag ka ng mag ano dyang subconscious ka, bwesit!

"Its nice to hear that, hijo. Oh Kaitey my dear wala ka bang sasabihin kay Kev?"
makahulugang sabi ni Grandma.

"For what? What should I say?"bored na sabi ko. Napailing nalang si Grandma.

That Picky Brat Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon