Chapter 52: MusicHit Entertainment
Carmela's POV
First Day. This will the first time and day that I'll be visiting MusicHit Entertainment Kaya ko 'to! Ako pa? May inurungan na ba akong laban? Sa pagkaka-alam ko wala pa. Kaya ko 'to! Pero pucha lang, wala na akong alam sa Seoul! Matagal na rin kasi simula nung huli akong nakapunta rito. Teka si Nathan!
Nandito kasi siya sa Korea at doon siya mismo nagtatrabaho sa company ng Daddy niya which is fortunately 'yung MusicHit Entertainment. Medyo maluwag-luwag na rin ako noong mga nakaraang linggo. I am somehow used in living alone lalo na tuwing may gagawin si kuya Cyan at wala siya rito sa bahay.
"Nathaaaaaaan!"
[Ano?! Sakit sa eardrums!] Natatawang sabi niya.
"Diba nasa Seoul ka?!"
[Oo, why? Ay nasa Korea ka na ba?!]
"Oo, noong nakaraan lang. Saan tayo kita? Pasama naman dyan sa building niyo oh. First time ko dyan! At baka gusto mo 'kong tulungan. Diba? Baka naman?"
[Sige sige. Sunduin kita?]
"Paano mo nalaman?"
[Tanga ka ba, Kim? May GPS kaya at may tracker ako! Kaya buksan mo lang 'yang phone mo!]
"Aye aye sir! Harsh mo naman sa tanga!"
[Crazy.]
Binaba ko na 'yung tawag. Nakakatawa nga eh. Alam na niya agad kung nasaan ako. Minsan naisip ko na ring isali si Nathan sa Mistaken Five eh. Marunong siya sa martial arts at katulad ni Kyle, marunong din siya mag-track. Nagbibihis na ako nang biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Who is it?" Sigaw ko at pumasok sa pinto si kuya Cyan. Naalala ko na naman kung paano ko siya tawaging kuya YJ kahapon. At ayon, nainis siya. Ayaw niya raw na tinatawag siyang YJ kung may pangalan naman siya.
"Ji A?"
"Yes?"
"Going to MusicHit Ent?"
"Ne... Wae?"
"Goodluck. I wish you all the best. Oh and by the way, this school year, I already enrolled you to Seoul High University. Noong nakaraan pa. Ready na 'ko 'no!"
"Thank you so much, kuta I promise that someday I will also be famous! Katulad mo, kaya 'wag kang mayabang dyan. Fighting!"
"Fighting!"
Tumawa siya at hinalikan ako sa forehead. Sinamahan niya ako sa labas. I'm really used in his sweet gestures. Sabi niya pa nga ay bumabawi lang siya. Paglabas ko, nakatayo dun yung ANIM tapos bigla akong niyakap ni Taeyeon.
"Ji A!! Don't leave me."
"I won't leave you! I'll just study and work! Just like you guys."
"Jinjja?" (Translation: Really?)
"Ne. Jinjja." (Translation: Yes, really.)
Diniinan ko 'yung word na "Jinjja" para malaman niyang seryoso ako dahil nag-uusap kami habang naka-yakap siya sa akin. Natawa naman si Hojeom dahil sa inaasta ni Taeyeon. He really is the soft and sweet kind. It's like he's your brother and bestfriend in one.
May kumatok na sa pinto kaya alam kong si Nathan na 'yon. May tune kasi ang pagkatok niya. Kumaway na ako sa buong LKidz kaya nginitian nila akong lahat. Pero paglabas ko, para akong nasilaw sa lalaking nakangiti sa harap ko ngayon. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at agad din 'yong pinakalma. Shit, bawal 'to.
YOU ARE READING
Heartthrob Series 1: Campus Heartthrob (COMPLETED)
Novela JuvenilHEARTTHROB SERIES #1 Carmela Alcantara, a typical high school student, experienced being linked with the campus heartthrob of Xien Academy. She is a straight honor student from elementary with her mother, brother, Cali, and her friends at her side...