You
Nandito kami ngayon sa aming auditorium dahil may orientation para sa mga first year at kahit kami ay nasa second year na required pa rin kaming pumunta.
"Oh, bes nakita mo na ba yung crush mo?" Bungad agad ni Misha kay Coleen.
"Ano ka ba Misha baka may maka rinig sayo sabihin pa na ang desperada ko." Depensa ni Coleen kahit halata ko namang gumagala na ang mga mata niya sa buong auditorium.
"Ad ba't ang tahimik mo naman diyan?" Ako na naman ang nakita ni Misha pumikit nalang ako at hindi sya pinansin. "Bes anong problema mo hindi mo dapat binabalewala ang pretty face na to." Tumingin kami ni Coleen sa kanya at tumawa kaming tatlo. Wala talagang kwentang kausap itong si Misha pero maganda naman talaga siya. Silang dalawa lang ang bumubuhay sa mundo ko Misha Kirsten Reyes at Reida Coleen Sy.
Tumahimik na ang lahat ng may nagsalita na sa harap. Halos pa ulit-ulit lang naman ang sinasabi dito simula ng pumasok kami bilang mga first year din ewan ko nga kung bakit pati kami ay dapat na umattend. Nagkagulo lang ang lahat ng lumabas na ang grupo ng sumasayaw syempre kabilang na kaming tatlo. Nandiyan kasi yung crush ni Coleen sa sumasayaw bilang kaibigan syempre dapat supportive kami.
"Baby uwi ka na di na ko galit!" Biglang sigaw ni Misha.
"Uy ano ka ba Mish! Hahaha sino na naman ba ang type mo diyan?" Tiningnan niya ako at tinuro ang lalaking nasa gitna. "Well pwede na."
"Pero mas gwapo pa din si forever ko." Sagot naman ni Coleen.
"Talaga bes forever na agad?" Tinawanan siya namin ni Misha.
"Oo naman push ko na to." Hanggang sa natapos ang sayaw ay puro tawanan at sigaw lang ang ginawa namin.
"Thank you Affinity Crew! Gusto niyo pa ba?" Agad naman naghiyawan ang lahat. "Okay sorry pero wala na so everyone settle down now." May narinig pa akong mga nag-boo. "So as you all know our College had been in rank 1 because of our talented students. These people bring the school's pride and name to compete with other schools. And they had prove to us that we are really number one. So we will present to you those people behind and by rewarding them here on stage."
"Matagal pa ba to? Nagugutom na ako." Angal naman ni Coleen.
"Palagi ka namang gutom Coleen ano pa ba ang bago." Agree ako sa sinabi ni Misha. Ang bonding kasi naming tatlo ay kumain ngunit si Coleen yung palaging nagyayang kumain at palaging gutom as in palagi.
Naagaw lang ang atensyon naming tatlo ng may biglang nagsigawan as in feeling mo naman may artista. Pagtingin ko tamang tama naka tingin din sa direksyon namin ang isang napakagwapong nilalang sa stage. Alam mo yung feeling na bigla nalang nag slow motion yung paligid mo tapos feeling mo kayong dalawa lang ang tao. Corny man pakinggan pero yan talaga ang nangyari sakin. Na love at first sight yata ako.
"Mga bes in love na ako." Sabay silang napatingin sakin na parang hindi makapaniwala at naka-nganga pa.
"Hala Coleen tama ba yung narinig ko? Ang cold na si Adrianna Quinn Ferrer in love daw." Binalewala ko siya at tumingin pa rin sa misteryosong lalaki na nasa stage.
"Bes kailangan kung malaman ang pangalan niya." Tumawa silang dalawa.
"Tsk tsk. Bes tinamaan kana nga." Nag apir silang dalawa at tumawa.
"Operation kilalanin ang isang basketball player." Tumatawang sabi ni Misha. Napa-iling na lang akong ngumingiti habang naka tingin lang sa kanya.
YOU ARE READING
If you choose me
RomanceAdrianna is very decisive to win Timothy's heart. Will she survive? Will Timothy choose her?